#25.2

2.5K 46 2
                                    


Pagkarating nila sa bahay nila Yanna sa Laguna ay agad na bumaba si Yanna para buksan ang gate. Pagkapasok ng sasakyan sa loob ay kanya-kanya na sila ng baba,

"Ang ganda dito, Yannababes." Bulong ni Vane sa kanya habang nakamasid sa paligid. Binuksan na ni Yanna ang pinto ng bahay nila na at binuksan ang ilaw, pawang may mga nakatakip na puting tela sa gamit doon.

"Walang housekeeper?" bulong pa ni Vane kaya umiling lang si Yanna, "once a week may pumupunta lang dito para linisin tong bahay." Sabi nya at nilingon ang mga kasama na mga tahimik lang na tumitingin sa paligid ng bahay. Alangang mag-ingay sila sa kalagitnaan ng gabi diba?

"May guest rooms dito sa baba *turo ni Yanna sa kwarto na nasa gilid lang ng hagdan* two rooms yun so pwede dun yung boys, maglatag na lang ng comforter sa baba. Tapos may 4 rooms sa taas, room ng parents ko, room ko, room ni kuya at isang guest room, so girls dun sa guest room sa taas plus sama na lang sa room ko yung iba." Tumango lang silang lahat pero ngumisi si Lash sa kanya na papikit pikit ang mata.

"Ako sa kwarto mo, Yanna ko."

Inirapan lang sya ni Yanna at umakyat ng hagdan. "Di pinansin, kawawa." Pang-aasar ni Cass at dumila pa kay Lash. Napailing na lang silang lahat sa kanilang dalawa at nagtungo sa kanya-kanyang kwarto. Tinuro lang ni Yanna ang unang kwarto sa taas at sinabing yun yung guest room, nagtanguan lang sila at nagkanya-kanya ng goodnight. Pagkapasok ni Yanna sa tabing kwarto ay kasunuran lang nya si Vane.

"Grabe Yannababes mansyon na yata tong bahay nyo dito sa Laguna e." ngumiti lang si Yanna at umupo ng kama. Si Vane naman ay naupo sa upuan.

"Pinagawa talaga tong bahay na to dito while yung sa Manila is binili lang."Si Mama yung nagdesign ng bahay na to kaya ayan."

Halos lahat sila ay natulog na pwera sa kanilang dalawa na nagkkwentuhan pa. Napansin ni Vanessa yung photoalbum sa ilalim ng lamesa, kinuha nya to at binuklat.

"Ang cute mo talaga nung bata ka Yanna. Wait, sa manila na ba to?" tanong ni Vane kaya tiningnan yun ni Yanna.

"Bakit? May manila bay ba dito sa Laguna? Kitang kita yung MOA oh." Napanguso na lang si Vanessa at napadako ang tingin sa bagong page na nilipat nya. Stolen picture ni Yanna kung saan nasa klase ito at nakatingin sa guro habang nakapatong ang ulo sa lamesa.

"You look cute here, manila na rin to diba?" tanong ni Vane kaya tumango lang si Yanna. Tinitingnan nya yung mga kaklase dati ni Yanna dito hanggang mapukaw ang tingin nya sa tatlong batang lalaki na mga kapwa nagtatawanan at may hawak na bola, at isang lalaki na maputi na katabi lang nya at ganun din ang pwesto tulad nya,

"Yung kababata mo to diba?" turo ni Vane sa batang katabi nya, tumango lang si Yanna sa kanya.

"E eto?" turo ni Vane kaya tinitigan ni Yanna iyon,

"nasama pala sila sa picture na yan. Ayan yung mga batang may sapak sa ulo." Natawa naman si Vane sa description ni Yanna at tinitigan ng mabuti yun. Napailing na lang si Vane at tiningnan ang kaibigan, tinaasan naman sya ng isang kilay ni Yanna,

"oh bakit?"

Umiling lang si Vanessa sa kanya at ngumiti. "Tara tulog na lang tayo."

*KINAUMAGAHAN

Nagising si Vanessa nang magring ang phone nya. Naalala nyang kasama nya si Yanna sa kwarto kaya agad syang bumangon at inend yung tawag dahil si Zyrel lang naman iyon. Mag-aala-syete na ng umaga kaya naghilamos na lang sya at bumaba. Naabutan nya ang mga kasama nya sa kusina at kumakain. Agad na rin syang pumunta dun at kumain ng pancake na niluluto nila Eric,

His PropertyWhere stories live. Discover now