#6.4 childhood picture

5.9K 113 3
                                    

Its been one week nung may ginawang kasalanan sakin si Jace at sa isang linggo na yun di ko sya kinikibo. Kahit magkatabi kami never ko syang kinibo or what buti nga walang activity na kailangang makipag-interact sa seatmate. Kundi baka ano magawa ko sa kanya. Ang kapal naman kasi ng mukha -_- sinabayan pa kasi ng brown out. 

Tumingin ako sa baba at pinanood na lang ang mga estudyanteng nakakalat sa campus. Nandito ako sa rooftop at hindi sa garden baka mamaya nandun yung asungot. Di porket tinulungan nya ako pwede nyang gawin ang lahat ng gusto nyo. Gagantihan ko yung halimaw na yun -___- Kaasar talaga oh! 

"A-li-ya-na." napatingin agad ako sa bandang kaliwa ko at sa gulat ko muntik na akong matumba.

"A-li-ya-na~ A-li-ya-na~ Aling Ya-na~ "

"Dyi na tayo bati!"

"Ehhhh? Ii-stop na koooo!"

 

"HUY! "

"AHH!"

"Natulala ka dyan e. Sorry." Sabi nya at napahawak sa batok nya. Tinignan ko sya ng maigi imposible, siguro nagkataon lang to. Tumango lang ako at tumingin na ulit sa baba.

"Bakit nga pala umuwi ka kaagad last week? May nangyari ba?" nagulat ako sa tanong nya. Pa-panong?

"H-hah?"napa-hah na lang ako at tumingin sa kanya.

Napakamot sya sa ulo nya. "Eh kasi para kang balisa na  galit na ewan e. May nangyari ba? Kasi si Jace rin nun balisa parang wala sa sarili." Sabi nya nakakunot ang noo. 

"Tsaka pansin ko lang di kayo nagkikibuan nung lalaking yun eh dati naman para kayong dagat pusa e. "

 

"Ang dami mong satsat." Nasabi ko na lang. 

"Nagtatanong lang naman e." 

Tumahimik na lang din sya.

"Alam mo ba may kaibigan ako dati kaso galit sakin e. Hindi pala, kinalimutan na nya ko." Oh? Saklap naman pala ng buhay nya. Tumahimik na lang ako dahil baka may sasabihin pa sya. Pero di naman nya ko masyadong kilala pero nagkkwento sya. Tss. 

"Tingin mo ba magkakaayos kami kung makikipag-usap ako sa kanya? Tingin mo ba mapapatawad nya ako?" 

"Hindi naman ako sya pero lahat naman nagpapatawad kaso hindi lang nadadaan sa simpleng sorry. Dadaan pa yun sa proseso." 

Ugh! Naalala ko naman yung hinayupak na yun. Tsk! 

*Kring!Kring! 

"Mauna na ko." Sabi ko at dali-daling umalis sa rooftop. Warning bell pa lang naman yun pero naalala ko yung cellphone ko. Nakapatong lang yun sa ilalim ng desk ko e baka mamaya may makialam. 

Pagpasok ko sa classroom konti lang sila na nandun. Yung iba kasi nakakalat sa corridor tsk.

Napa-cuss na lang ako bigla nang makita kong hawak nung halimaw yung cellphone ko. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at hinablot yung cellphone ko pero dahil siguro na alam nyang nandito ako mabilis nyang iniwas ang kamay nya. 

"Akin na nga yan! Bakit mo ba pinapakialaman yang cellphone ko hah?!" sigaw ko sa kanya pero dahil nga lahi sya ng halimaw nagkibit balikat lang sya at di binigay ang cellphone ko. Napaihip na lang ako sa hangin at kinalma ang sarili ko.

"Ibibigay mo yan o tatadyakan kita?" walang emosyon kong tanong sa kanya. Naiinis na talaga ako e. Tumayo sya at hinarap ako. 

"Bakit ba ganyan ka sakin hah?!" woah? Sya pa may ganang magalit sakin? Nakakabwisit na talaga sya!

"Akin na yung cellphone ko." ulit ko pa sa kanya pero tumawa lang sya ng malakas na parang nang-aasar. 

"Nang-aasar ka ba?"

"Bakit? Naasar ka ba?"

"I'm warning you Montez hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."

"Sinong tinakot mo? Ako?" sya pero inabot din naman nya yung cellphone ko. Kinuha ko kaagad at chineck yung album ko. Fudge. Nasan na yun?! Bakit wala yung picture dito?!

"May pinakialamanan ka ba sa cellphone ko?" muntik na kong pumiyok sa tanong ko sa kanya. Sht nmaan kasi e. Isang picture na nga lang yun sa cellphone ko nawala pa! Ahh!

Nakita kong pumasok na yung iba kong kaklase gawa ng bell na pero kaming dalawa nakatayo pa rin. Tiningnan ko ulit sya kahit nag-iinit na yung mata ko. Footspa! Bakit ba kapag naiinis ako ng sobra naiiyak ako?!

Umiwas sya ng tingin.

“Hindi naman mukhang importante yung nadelete ko.” Argh!

“Anong dinelete mo?” kalmado ko pa ring tanong pero may diin na. Naramdaman kong lumapit sakin sila Vane.

“Y-yung picture nung dalawang bata tsaka sa tingin ko may hardcopy ka naman nun e.” yun na nga problema eh! Nawawala yung picture na yun kaya di ko na dinelete yung sa cellphone ko. Bwisit naman oh!

“Bakit mo dinelete? At sinong may sabi na burahin mo yun hah?! SINO?!”

“Picture lang naman yun ah! Bakit ba nagagalit ka?!” sigaw nya sakin. Napayuko na lang ako sa inis at kinalma ang sarili ko.

“Kung wala kang magawa sa buhay mo mas mabuting sarili mo na lang ang burahin mo sa mundo. Nakakainis ka na Jace hindi ka na nakakatuwa.” Sabi ko sa kanya at dali-daling umalis sa classroom. Sana pinagtripan na lang nya ako kaysa dinelete nya pa yung picture na yun.

Sabihin nyo ng mababaw ako pero isang picture na lang yun sakin e tapos buburahin lang nya? Nakakainis talaga. Bakit ba kapag tungkol dito ang bilis kong maiyak? Nakakaasar talaga.

VANE’S POV

Padabog na umupo si Jace sa upuan nya. Magkasalubong na magkasalubong ang kilay nya at anytime mukha syang susuntok. Ano bang nangyari? Isang linggo silang walang kibuan tapos ngayon nag-away? Pero kasi mali si Jace bakit naman nya dinelete yung picture e mahalaga yun kay Yannababes.

“Ano bang ginawa mo?” si Mac lang yata ang may lakas ng loob na kausapin si Jace. Oo halos lahat kami dito nakatahimik lang, di na rin naming sinundan si Yanna dahil papaalisin din kami nun.

Hindi naman umimik si Jace. Lumapit si Rein kay Mac pero nasa bandang likod lang sya ng pinsan nya.

“Jace naman kasi importante yung picture na yun hindi naman aasta si Yanna nang ganun kung wala lang yun.” Sabi ni Rein at napakamot ng ulo.

“Alam mo pre ako sayo magsorry ka na.” singit pa ni Eric sa kanila. Hindi na naman umimik si Jace pero nawala na yung nakakatakot nyang aura. Nakakunot lang ang noo at para na po syang bata. (-________-)

“Sino ba yun?” Napa-hah kami kay Jace. Anong sinasabi nya? Umiwas sya ng tingin.

“Yung a-ano. Y-yung dalawang bata sa picture?” pasunod nya. Ah~

~~, Bakit naman nya tinanong? Hmmm?

“Ah yung magkahawak ang kamay?” wala sa wisyong tanong ni Zyrel. Lalo namang namang kumunot ang noo ni Jace na parang naasar. Ehem. Natatawa na talaga ako sa inaasal ni Jace. XD

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon