#33

2.6K 50 2
                                    


THIRD POV

"Sandali! Vane ano ba?!" tumigil si Vane sa paglalakad at inis syang tiningnan. "Ano na naman ba? Hindi mo ba naiintindihan na tapos na tayo?!" inis na tanong nito kay Eric pero hinawakan lang sya sa balikat nito, "mag-usap muna tay—" ipapakiusap nya sana pero tinabig na sya ng malakas ni Vanessa.

"Fvck naman! Ano nakipagbreak ka kasi nagtago ako sayo ng sikreto na hindi naman tungkol satin?! Vanessa naman! Hindi naman sapat na dahilan yun para makipaghiwalay ka!!" napaihip na lang sa hangin si Vanessa nang magsalita si Eric.

"Wala ka namang valid reason sa pagtago mo nun! Anong rason mo?! Kasi kaibigan mo si Jace?! Adi ayan magsama kayo ng gago mong kaibigan!! And wag mo kong pagsalitaan ng ganyan Eric, si Yanna ang usapan dito! Kaibigan ko yung usapan dito kaya wag na wag mong binabasta! Inayawan ko na yung kaibigan mo diba?! Pinapalayo ko na sya pero kayo sige lang sa kanya! Tapos sasabog tong pustahan na to?! Na in the first place alam nyo na?! Bakit ba hindi nyo man lang intindihin yung kaibigan ko ha?! Ang mahalaga kasi sa inyo yung kasayahan nyo!" nanggigil na sa galit si Vane habang sinasabi yun. Magkaharap silang nag-uusap sa di kalayuan sa clubhouse. Hindi na nakapagsalita si Eric at tiningnan lang si Vane dahil hindi na rin naman kumibo si Eric ay agad nang sumakay ng sasakyan si Vane na kararating lang doon.

Napahilamos na lang ng palad sa mukha si Eric habang tanaw tanaw ang sasakyan.

*

Pagkauwi na pagkauwi ni Yanna sa bahay nila ay nagdire-diretso ito sa kwarto ng kuya nya. Katok sya ng katok pero walang sumasagot marahil wala ito kaya tinawagan nya sa cellphone pero hindi rin ito sinasagot miski ang pinsan nya ay wala rin. Napaupo na lang sya sa kama nya at pinahiran ang luhang kumawala sa mata nya. Hindi na nya alam ang gagawin nya, hindi na nya alam kung sino pang kakausapin nya. Gusto nyang may makausap pero wala syang maisip kung sino. Napabuntong hininga na lang sya at tinawagan ang mama nya pero nakatatlong tawag sya nang sagutin pa lang ito ng mama nya.

(Good Evening, 'cess. What's the matter?) bungad sa kanya nang mama nya pero hindi sya agad nakapagsalita dahil may namumuo sa lalamunan na sa isang salita lang nya ay alam nyang iiyak sya. Huminga muna sya ng malalim bago magsalita,

"M-ma, kelan kayo uuwi?" tanong nya at pilit na ginagawang normal ang boses nya.

(By next month I guess? Sa graduation mo na mismo, why 'cess? May problema ba?)

"M-ma, pwede bang umuwi ka na bukas? P-please, kailangan ko k-kayo." Agad na pinahiran ni Yanna ang luha nya pero tuluy-tuloy lang ito sa pagbagsak.

(I'm sorry, 'cess. Makikipagmeet kami sa invest--)

"Ma please. Kahit ngayon lang, pagbigyan nyo na ko. Ibigay nyo naman yung oras nyo sakin, k-kailangan ko kayo e. P-please Ma." Pakiusap nito pero parang walang narinig ang mama nya.

(I'm really sorry, 'cess. Pero hindi namin pwedeng icancel yung meeting tomorrow and marami kaming ginagawa e. Sorry 'cess but promise by next week gagawan ko ng paraan para makauwi ako at ng papa mo.) napahigpit na lang ng hawak si Yanna sa bedsheet nya nang marinig ang sagot ng mama nya.

"Ma pati ba naman kayo? Akala ko si papa lang ang walang pakialam sakin pero bakit pati ikaw? M-ma kailangan ka ng anak mo e bakit ba puro na lang kayo trabaho? Bakit 'pag si Kuya pinapauwi kayo, uuwi agad kayo? Ma ngayon lang naman ako e." napakagat na lang sa ibabang labi si Yanna at inend na ang tawag. Napaubob na lang si Yanna sa tuhod nya at hinayaan na lang ang mga luhang magsipatakan sa luha nya.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon