#40 Last Chapter

7.2K 111 7
                                    

"Naks! Holding hands pa!" bungad ni Zyrel na kakarating lang sa room ng function hall. Dahil nga sila ang nakaassign mamaya ay may access sila sa room para makapaghanda. Black and white ang theme ng party, cocktail.

"Ang pretty mo Zyrel! Sana lagi kang mag-aayos." pang-aasar ni Rein nang mabati sila nito. Napanguso lang si Zyrel at naupo. "Maganda naman ako kahit di nag-aayos."

"Buhat bangko oh!" gatong pa ni Javi at tumawa ng malakas. "Heh!"

"Nasan na yung iba? Akala ko ba 6pm dapat nandito na?" nagkibit balikat lang si Rein. "7 ang start ng ball a--"

"filipino time, 8pm pa start."

"e kung alam nyo pala, bakit ang aga nyo?" agad na tanong ni zyrel at nanlaki ang mata. " ano na namang iniisip mo? magpeprepare tayo diba? papunta na raw sila." napanguso na lang si Zyrel at di na sumagot bagkus ay pinanlakihan lang nya ng mata si Javi.

Agad nyang kinuha ang chocolate chips sa lamesa at kinain. Dalawang chips na sabay kinagat kasabay ang pagbukas ng pinto. "Ang ayos ng mukha mo ganyan ka kumain!" bungad ni Mac nang una nyang matanaw si Zyrel. Pinanlakihan lang sya nito ng mata dahil puno ang bibig. "Wala ng bago kay Zyrel, di ka pa nasanay." dugtong ni Keith na kasunuran lang nito. "Wow chocolate chips penge!" napailing na lang silang lahat nang dumating si Lash at kukuha na sana sa pagkain nang tapikin sya nito. "Mga bata." napatsk na lang si Eric at naupo.

"Yung tatlo na lang kulang." puna ni Mac habang nagcecellphone. "Pero infairness ha naging tao kayo ngayon." sabat ni Zyrel at uminom ng tubig.

"Gwapo namin no?" Lash sabay kagat sa chips.

"Sila lang hindi ikaw, panget ka pa rin."

"Woah. Eric si Vane nandito na!" sambit ni Mac nang malingon ito sa window glass ng room. Simpleng lakad lang habang hawak ang phone nito pero makikita mong ibang Vanessa ang parating. Parang binaba mula sa langit dahil babaeng babae. Naka-dress na black with touch of white na may see-through na black sa balikat. Nasa isang side lang ang buhok na kulot at may white lace na nagsilbing headband.

Pagpasok nito sa room, "guys! muntik na kong matapilok kanina! Nakakahiya!"

Agad silang napatampal sa noo nang ibungad ni Vane sa kanila yon. Ang gandang babae biglang ganon ang sasabihin, sana sinarili na lang nya. "Oh bakit ganyan reaction nyo?"

Umiling lang silang lahat at di nagsalita. Naewan na lang sya at naupo sa tabi ni Lash at nakikain ng chips. "Kaya bumibilog e." agad na sinamaan ng tingin ni Vanessa si Eric pero umiwas lang ito ng tingin.

"Here comes the groom!" sambit ni Keith nang matanaw si Jace na prentang naglalakad. "Ang gwapo ni Jace! Yan ang gwapo!" agad na puna ni Zyrel habang nakatitig kay Jace. "Wag mong pag-interesan, may mahal yan." epal ni Eric.

"Di ko naman pinag-iinteresan yan no!"

Nang makapasok ng room si Jace ay agad nyang nilibot ang mata nya. "Wala pa yung hinahanap mo." sambit ni Rein. "Wala naman akong hinahanap." agad na depensa nito at nakipag-fist bump kila Eric.

7:23pm

"Marami-rami na ang fourth year, wala pa rin si Yanna." sambit ni Vanessa habang nakatanaw sa function hall mula sa room. Sila Eric ay nasa mini stage at inaayos ang set.

"Speaking of, nandito na ang prinsesa!" natatawang sabi ni Lash nang matanaw si Yanna. "Bakit natatawa ka?" nagtatakang tanong ni Javi at sumilip sa labas. "Nakakatawa si Jace e. Titig na titig, akala ko kung sino tinititigan si Yanna pala."

"Woah. Ang ganda ni Yannababes!" Naka-tube dress, white ang top habang ang baba ay black. Simple lang pero agaw-atensyon. Naka-jeweled pony bun at may ilang strands na nakalawit.

His PropertyWhere stories live. Discover now