#12.2 Wrong move

4.1K 66 4
                                    

YANNA'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" Napakamot ng ulo si Russel sabay upo sa lapag ng vacant room. 

Pauwi na sana ko kaso bigla tong sumulpot at hinila ako sa vacant room dito sa LA. Kating kati na ko umuwi e, gabi na kaya! Tss. Tinapos ko pa kasi yung research paper, si Jace naman iniwan ko na sa library. Tinulugan ba naman yung research paper nya. 

"Lakas ng loob mong umuwing mag-isa. Tss." sabi nito sakin. 

Yung totoo, ano bang nangyayari?!

"Hindi ka ba nasabihan ng boyfriend mo hah? Tsk."

"Nasabihan pero duh hindi naman sinabi kung bakit e. Baka mamaya ginugoodtime lang ako nun." sabi ko pero napaisip agad ako, bakit nya alam yun?

"Sundin mo na lang kung ayaw mong mapahamak."

"Eh bakit ba? Tsaka bakit ka ba nandito? Kung wala kang sasabihin e kung pwede lang ilayas mo yang sarili mo dito." 

"Well, inaabangan ka ni Darex. Remember him? Yung kinwento ko sayo." tumango lang ako. 

"Nag-aabang sa gate. Binabalaan kita, Yanna. Girlfriend ka ni Jace. Kahinaan ka nun. Ikaw ang target ni Darex. Hindi titigil yun hanggat hindi nakakaganti yun." 

Hindi ko alam kung anong irereact ko. 

Tumayo si Russel at pinat yung balikat ko. "Mag-ingat ka. Kung nagkaproblema just call me, okay?" 

Napailing na lang to. "You can trust me. I told you i'm harmless. We're harmless except Darex." tumango na lang ako sa kanya. Maya maya lang ay iniwan nya na ko. 

Ano ba tong napasukan ko? Bakit parang naging komplikado? 

Bumalik ulit ako sa library at nadatnan kong natutulog pa rin si Jace. Lumapit ako dito at ginising sya. Nakailang gising pa ko sa kanya bago sya nagising. 

Naghikab muna ito bago magsalita. 

"Oh?" antok na tanong nya. 

Napa-tss na lang ako. "Tara na. Uwi na tayo." 

Kumunot naman ang noo nya. "Bakit parang ang tamlay mo?" umiling lang ako at tumalikod na sa kanya. 

Hinatid na ko ni Jace samin. Walang imikan kanina habang naglalakad kami. 

"Jace" tawag ko dito habang nasa tapat kami ng bahay namin. 

Tumingin naman ito sakin.

"P-pwede bang itigil na natin to?" kasi natatakot ako. Ayoko ng ganto. Ayokong may mangyari na naman na ganto. 

*flashback

"T-ton! A-nndun yung b-batang l-lalaki sa g-gate!" natatakot na sumbong ng batang babae habang hinihila-hila ang damit ng batang lalaki. 

"Lay~ andito lang ako lagi. Di kita iiwan. Ako Hero mo diba?" sabi ng batang lalaki dito. 

"p-pwamise?" tumango ang batang lalaki at pinahid ang luha ng batang babae. 

His PropertyWhere stories live. Discover now