36.2

2.7K 49 4
                                    

THIRD POV

Halos lahat ng mga estudyante ay nakatanga na lang sa loob ng gym dahil ang mga teachers ay may biglaang meeting. Maya-maya lang ay pinatawag na silang sampu sa music room at magpractice na lang muna kaysa tumunganga rin sa gym.

Pagkarating nila sa loob ay kanya-kanya na silang pwesto at mga kapwa tahimik dahil sa antok. Hindi pa lumilipas ang limang minute ng may kumatok sa pinto kaya agad silang mga umayos. Ang adviser lang naman pala nila. "Jace?" hanap nito kay Jace.

"po?" agad na react ni Jace habang prenta itong nakaupo sa sahig.

"May kulang ka pang isang pirma sa clearance, mind doing the subject's requirement nang matapos ka na? Monday na ngayon and by Wednesday is your baccalaureate mass. You still have today and tomorrow." Tumango lang naman si Jace at nabaling na ang atensyon ni Ms. Tan sa iba para tanungin kung ayos na sila. Pagkaalis ni Ms. Tan ay tinanaw ni Javi ang mga kasamahan,

"practice tayo ngayon nang di naman tayo mapahiya sa ball." Mga nagtanguan na lang din sila at nilipat ni Javi ang tingin kay Yanna na busy sa kakacellphone.

"Yanna, tulungan mo muna si Jace total ikaw ang inassign ko sa kanya." Napatunghay naman si Yanna sa sinabi ni Javi at magsasalita na sana nang humindi si Jace at sinabing kaya na nya. Maya-maya lang ay nagpwestuhan na sila Eric sa mga instrument at mga nag-usap usap kung pano magiging takbo. Halos pinipilosopo naman ni Vane si Eric gayundin naman si Eric sa kanya,

"Bat di na lang kaya kayo magbalikan ha?" pag-eepal ni Keith pero agad na mga nagreact ang dalawa at halos masuka.

"Makikipagbalikan? Sa asong yan? Makikipaghalikan na lang sa public pa plus the fact na mukhang tae yung babae? Oh come on!" halos lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Vane at tumingin kay Eric. Napamura na lang sa isip si Mac dahil alam ng nagloko ang kaibigan dahil lang sa mukha nito.

"She's one of the best, pang-miss universe nga mukha e! Tsaka pre ako makikipagbalikan? Kung ayaw ng tao mas lalong ayoko. Ayoko sa mababaw na tao." Napaihip na lang sa hangin si Rein at pinigilan na yung dalawa baka kung san pa mapunta ang usapan pero hindi nagpatinag ang dalawa,

"At mas lalong ayaw ko sa taong mabilis sumuko at nagloloko agad!"

"Hindi naman yun susuko kung hindi mo halos pagmukhaing tanga sa lahat! Sa labas ng bahay nyo, sa mall, sa school!"

"So pride lang naman pala? Gosh grabe talaga kayong mga lalaki! Ang sabihin mo hindi ka lang makuntento at sabihin mo na mas masahol ka pa sa kaibigan mo!" ang tahimik na Jace ay nadamay pa sa usapan kahit tahimik na lang ito sa isang sulok at nagsasagot. Hindi na lang kumibo si Jace nang marinig iyon ni di rin lumingon. Nang mapansin ni Keith na unti-unti nang nanggigigil si Eric ay pinatigil na yung dalawa. Hindi na rin naman kumibo si Vane at inirapan na lang si Eric.

Halos napakamot na lang sa ulo si Zyrel at Lash dahil sa biglaang sagutan nila Vane. "Practice na nga tayo." Aya ni Mac kaya sumang-ayon na nga lang sila pero si Javi ay nilapitan si Yanna na busy pa rin sa kakacellphone.

"Katext mo na naman yung Darex?" pagkuha ng atensyon nya sa babae, tumango lang naman si Yanna. "may tinatanong lang ako kasi graduation na nila bukas." Tumango lang naman si Javi at mahinahon na kinuha ang cellphone ni Yanna,

"bakit?" nagtatakang tanong nya pero nginuso lang ni Javi si Jace na nasa sulok, "tulungan m—"

"hindi nga raw nya kailangan ng tul---"

"hindi nga nya matapos tapos yun kasi hindi nya alam kung pano." Dahil totoo naman. Kahit hindi nagsasabi si Jace ay nahalata na nila yun dahil pag ginagawa nya yung requirements e maya-maya lang din ay itatabi nya at iba ang gagawin.

His PropertyWhere stories live. Discover now