#22 Darex'

3.2K 69 1
                                    

THIRD POV

"Weh? Talaga? Pupunta sya dito?" Di makapaniwalang tanong ni Ross kay Russel. Tumango lang si Russel kay Ross habang nakafocus pa rin sa paglalaro ng billiard.

"Pero puro lalaki tayo dito, hindi---" di na natapos ni Jack yung sasabihin nya nang binatukan sya ni Klein. "E ano naman? May gagawin ka bang masama sa kany--"

"Ako wala, ewan ko kay Darex." Sinamaan naman ng tingin ni Darex si Jack pero nginisian lang sya nito. "Ako na naman nakita mo." Napa-tsk na lang si Darex at tinira yung dart.

"Oo nga naman. Nananahimik na yung tao e ginaganyan mo pa." Pagtatanggol ni Ross kay Darex pero agad na umarte ang dalawa na para bang nasusuka. "bromance! Ew!" Agad na nag-apir si Jack at Klein nang magkasabay ito sa pagsabi nun. Napailing na lang si Russel sa kalokohan at sinabi kay Klein na sya na yung titira.

"Ayos na ba Mama mo?" Tanong ni Klein kay Darex at hinagis salo ang maliit na bolang hawak nya.

"Yeap. Kakalabas lang kahapon." Sagot nito at umupo.

"pero pre, anong balak mo kay Yanna?" Tanong ni Ross na narinig ni Russel pero hindi na lang nya iyon pinansin. Ayos na silang lima at alam nyang hindi na to gagawa ng kalokohan. Dahil yun ang pakiusap ng Mama ni Darex sa kanya. Kaya pala tahimik ito nung mga nakaraang araw, yun pala ang dahilan.

"Ewan ko. Bahala na basta ang alam ko gusto ko sya." Napailing na lang si Russel sa narinig at tumira. Pagkatapos ay umupo sa upuan at uminom ng juice.

"Siguraduhin mong aayos ka, Darex." Napalingon naman sa kanya ang apat at kinunutan sya ng noo.

"She's fragile. Alam nyo lahat yun kaya kung kikilos ka sa kanya e ayusin mo lang."

"Naks! Di na masyadong kumokontra si Russel boy!" Ngiting sagot ni Ross at hinagis sa kanya ang throw pillow.

Minura lang sya ni Russel, "wag mo ring kalimutan na babae pa rin ni Jace si Yanna." Nagkibit balikat si Darex at iniba ang usapan.

"Bakit nga pala pupunta si Yanna dito?" Pagtatanong nya at agad na humiga sa carpet. Si Klein at si Ross naman ay agad na tinira ang cake. Nasa playroom nga pala sila sa bahay ni Russel. May malaking bintana rin ito kung san sakop ang isang dingding. Sliding window lang ito lang din ito at pag binukas ay preskong hangin lang kaya magandang playroom din ito para sa kanila.

"May isosoli raw sya at may ibibigay." Maikling sagot ni Russel.

"Tara basketball." Aya ni Jack nang makita ang bola ng basketball at dumaan na lang sa bintana. Pagkalabas din kasi doon ay basketball court sa labas ng bahay nila.Agad na sumunod ang apat at naglaro.

"Hoy Ross! Wag mong gawin na namang soccer yung bola ah!" Paalala ni Klein nang maalalang ginawa yun ni Ross dati, hindi nga nakabasag ng bintana o ano pero napunta ang bola sa pool.

"Oo! Napagkatuwaan ko lang naman dati!" Depensa ni Ross at inagaw ang bola kay Jack.

"Boom! Sablay! Try mong pangshoot paa mo pre!" Pang-aalaska ni Darex nang matapik nya ang bola kay Ross.

"Ako na naman pinagkatuwaan nyo!" Natatawang sagot ni Ross na agad naagaw ang bola kay Klein at pinasa agad kay Russel. Agad namang nashoot ni Russel ang bola. Pagkashoot ay agad na nasalo ni Klein ang bola at shinoot ulit. Pasok! Pagkakwan ay masasalo na sana ni Klein ulit ang bola pero agad na naagaw ni Ross.

"Gago ni Ross! Expert sa agawan ng bola!" Kumento ni Jack at inagaw ang bola dito. Naglaro lang sila ng naglaro,

"Magsoccer ka na nga lang ulit Ross!" Asik ni Darex at napaupo na lang dahil sa pagod. Agad ding umupo ang tatlo sa pagod pero si Ross ay patuloy lang sa pagsipa-sipa sa bola. Napangisi naman si Russel nang may maalala ito.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon