#10.1 What's happening?

4.7K 88 3
                                    

*TokTok

"Pasok! " - sigaw ko habang nagsusuklay. Ugh. Anong oras nab a? 6:25am na. Medyo maaga pa kaya for sure di ako malalate nito.

Bumukas yung pinto at niluwa si Ken. Ano namang kailangan nito? 

"Bakit?" - tanong ko sa kanya at inayos na yung mga gamit ko. Nakauniform na rin ito, first year college. Tss. Akala ko magbabakasyon lang sya ditto pero ditto pala mag-aaral.

"San ka ba galing? " - tanong nya at pinakialamanan yung cellphone ko na nakapatong lang sa table. 

"Hah? Nandito lang naman ako ah. " - sabi ko. Ano ba pinagsasabi nito?

"Loko. Kahapon, san ka ba galing? " - paglilinaw nya 

"Aah. Hindi ko alam tawag sa lugar na yun eh. " sabi ko. Tunay naman e, tsaka first time kong pumunta doon at ni di ko nga alam na may ganung lugar ditto sa Pilipinas e.

"ANO?Pumunta ka sa lugar na di mo alam tapos ginabi ka?! " - sigaw nito na parang gulat na gulat. OA kahit kelan. -____- 

"May kasama naman ako. " sagot ko dito.

"Sino ba kasama mo? " - tanong ni Ken sabay tapon sakin ng tingin na hindi ko maintindihan. 

"Si Jac-- ah sila Vane. " - sabi ko, muntikan na. Kung babanggitin ko yung name ni Jace for sure OA na naman to.

Tiningnan ako ng matagal ni Ken, 

"Ni Jace? Mag-ano ba kayo? " - tanong nya. Okay sabi ko nga kilala na nya ko. Great. At yes kilala nya yung mamaw nay un, ewan ko ba. Halos lahat ng tungkol sakin alam nya.

"Anong Jace ka dyan? Sila Va-- . " - di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinutol nya, 

"Tinawagan ng kuya mo sila Vanessa kaya wag mo ng itago pa, oh ano bakit kayo magkasama? " – Ken. Great Kuya Ace -_______-

"Psh. Basta. " - mahina kong sabi na di nakatingin sa kanya,

"Tsk. Tara na sa baba. Kayo magtuos ng kuya mo." - sabi nya at tumayo, Hah?

"Ikaw di ka kakain? Tsaka bakit naman kami magtutuos? " - tanong ko at sumunod na sa kanya.

"Kanina pa ko kumain. Late ka kayang umuwi kagabi kaya hah lagot ka na” pananakot nito. Inirapan ko lang sya at bumaba na.  

 Nakita ko si Kuya na magsisimula pa lang kumain. Okay kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.

"Oh kumain ka na. Kausapin mo kuya mo may problema yan tas magpaliwanag ka, siguraduhin mong totoo. " - sabi nya. Hanggang ngayon ba di pa sila ayos ni Ate Mayee?  

"La! Kuya! Alis na pa ako! " paalam ni Ken nung nasa pintuan na sya. Di man lang nagpaalam sakin. Tss. Madapa sana sya.

Umupo na ko sa harap ni Kuya at kumuha ng pagkain at nagsimulang kumain. Nakakapanibago, ang tahimik masyado.

Yun nga, natapos ang almusal ng tahimik lang. Tapos nun dumiretso sa sala si Kuya at binuksan yung tv. Inubos ko muna yung hot chocolate tapos sumunod ako sa kanya. Maaga pa naman kaya kakausapin ko muna tong panget kong kuya.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon