#26.5

2.2K 40 0
                                    

YANNA'S POV

Nandito ko ngayon sa playground ng village namin, what for? Javi. Halos mag-iisang buwan na rin since nalaman kong sya nga si Tonton. Nakausap na ko ni Rein at sinabi nga nyang nakausap nila si Javi. Narealize ko rin na wala rin naman akong mapapala kung hindi ko sya papatawarin. Iniintay ko sya dati, ngayon pa bang kilala ko na kung sino sya tsaka pa ba ko iiwas? Sasaya siguro ako kung magkakaayos kami dahil totoo lang din, hindi naman ako sumaya nang binibitawan ko yung past ko.

Kanina pa kami nakaupo dito sa bench ni Javi, nakatahimik lang at nakamasid sa mga ilan-ilang batang naglalaro. Kung ang Diyos nga nagpapatawad diba? Ako pa kaya?

"..sorry" inintay ko pa syang magsalita habang nakamasid pa rin ako sa mga batang nagtatakbuhan. "Nung bata tayo, pumunta kami ng Japan for good. Sinadya kong hindi magpaalam." Sinadya? Napangiti na lang ako ng mapakla. Alam kong pumunta sya ng Japan at naisip ko noon nab aka dahil bata pa kami ay hindi na nya talagang nagawang magpaalam pero sinadya?

"Kasi alam ko babalik ako. Alam ko kasi na kapag nagpaalam ako sayo, iiyak ka." Tingin mo ba hindi ako umiyak nung umalis ka na lang basta-basta? Hindi mo man lang ako inisip. Gusto ko man sabihin to sa kanya pero ayaw ding bumuka ng bibig ko.

"Bata pa tayo. Hindi ako nakakapag-isip ng masyado kasi bata pa tayo. Yun lagi ang dahilan ko, ang lame diba? After 3years I created fb account, una kong naisip na hanapin ka sa pamamagitan ng facebook. Hindi naman ako nagkamali at nahanap kita, I added you. Imemessage sana kita kaso naunahan ako ng takot." Kaya ba nung minsanang kaming magkachat at nung naopen ko yung profile nya ay 2011 pa kami facebook friends. Kaya pala nagtataka ko dahil alam ko ay transferee sya nung third year at bakit 2011 friends na kami sa facebook. Sa mga sinasabi nya ay alam kong inaattempt nya na kausapin ako kaso nauunahan sya ng takot.

"Year 2011 dun ko rin nakita si Keith personally. Kilala ko sya sa pangalan lang pero never ko pa syang nameet dahil lipat lipat din sila ng bansa at nung pag-alis namin sa Pilipinas ay syang pagstay nila. Pumunta sila noon sa Japan for vacation. Keith's my cousin, father side. Yung papa ko at mama nya ay magkapatid na sakto namang Japanese ang napangasawa ng mama nya while si Papa ay half jap. Nagkausap kami and nalaman kong sa L.Academy sya nag-aaral, same ng school na pinapasukan mo. I asked him kung kilala nya si Alyanna Castro and he said yes. Tinanong nya ko kung bakit ko natanong pero hindi na ko kumibo at ganun din sya. Hindi kami close ni Keith pero nagkakausap kami. After 2 years nabalitaan ko na uuwi kami ng Pilipinas at dun na raw ulit kami mag-aaral ni Kuya. Pinilit ko si Mama na sa LA ako mag-aral at pumayag naman sya. Hindi ko alam kung pano kita kakausapin kasi pinapangunahan ako ng takot. Lagi akong nakasunod sayo pero hindi mo naman napapansin yun and narinig kong nag-uusap yung mga kaibigan mo nun sa library, d-dun ko lang nalaman yung nangyari sayo. Nabanggit nila na nawalan ka ng alaala pero nagbalik din agad yun. Narinig ko yung pangalan ko at tanda ko pang hindi mo nga raw alam yung pangalan ko, tanging tonton lang. Dun nasagot yung tanong ko kung bakit hindi ka man lang nagulat nang ipapage ako ng school director, buong pangalan ko pa. Alam kong hindi mo ko nakilala kasi wala na kong salamin, pumuti pa ko lalo, nagkalaman laman ako, naging masculine kasi yung mukha at naiba yung hairstyle ko." Unti-unti na kong naliliwanagan at hindi ko alam ang irereact ko sa mga sinasabi nya. Totoo naman na hindi ko sya namukhaan at totoo ngang nawalan ako ng alaala noon pero bumalik din agad kaso hindi ko matandaan yung mga mukha at pangalan nila tanging mga scenes lang ang alam ko. Sakto rin na nabuklat ko ang photoalbum ko at may ilan ilang pictures at may sulat sa likod kaya kahit papano ay may mukha sila sa isip ko, sya at yung tatlong batang lalaki.

"Ang saya ko nang malaman kong kaklase kita nitong fourth year. Inoobserbahan lang kita at dun ko napansin na tahimik at may pagkamasungit ka. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, tanda mo ba nung kinausap kita sa rooftop? Ni di mo man lang ako kilala at higit sa lahat ni di mo man lang alam na kaklase mo ko. Nakakaloko alam mo ba yun pero tinawanan ko na lang. Nakaibigan ko na rin si Rein nun at iba pa hanggang lumipas ang araw at napapasama na ko sa inyo. Sabi ko wala ka man lang kaid-idea na nandito ako, ni di mo man lang nahalata. Pero agad akong kinabahan nang mapansin mo yung kwintas ko, kaba yung naramdaman ko kaya agad ko itong tinago at iniba ang usapan." Napansin ko sa peripheral vision ko na nilabas nya yung kwintas sa loob ng shirt nya. Yun yung kwintas na ibinigay ko sa kanya noon, kaya pala pamilyar. Kaya naman pala. Kung sana minanmanan ko ang kilos at kung sana hindi ko binaliwala yung mga hinala ko ay ako na ang nakatuklas kaso hindi. At isa pa, "Alam ko kasi brown ang mata ni Tonton kaya hindi ako nagpapadala sa mga hinala ko." Sambit ko. Nakita ko lang syang ngumiti ng bahagya at hinawakan yung kwintas,

His PropertyWhere stories live. Discover now