#23.2

3K 72 17
                                    


YANNA'S POV

"Bakit naman ako inimbita ng Mama mo?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay sa kotse. Kakasundo lang nya sakin kanina and guess what sya ang nagdadrive. Naka-mint green sunday dress lang ako at tinernuhan ng black heels, alangang magsuot ako ng kung ano e nakakahiya naman.

"Gusto ka lang nya makilala. Ang daldal kasi nung kapatid ko." Hirit nya pa sa huli kaya natawa na lang ako sa kanya. Hindi naman ako masyadong kinakabahan pero iniisip ko pa rin yung ugali ng parents nya. I mean baka mamaya kasi ano alam nyo na yun.

"Balak ko sana pag tayo na kaso biglang daldal naman nung kapatid ko." Dugtong nya pa. "Bakit? Magiging tayo ba?" Nginisian ko sya pero inirapan lang nya ko. Kita mo tong lalaking to dinaig pa ko.

"Sisiguraduhin kong oo. Dito na." Sabi nya at pinasok yung kotse sa loob. Naalala ko yung pagkidnap nya sakin nun para lang siguraduhin nilang magpractice ako ng piano. Nakapunta na ko't lahat dito pero ngayon ko lang yata mamimeet yung parents nya. Bago nya pa ko pagbuksan, inunahan ko na sya. "May kamay ako." Ngising bungad ko sa kanya at inirapan lang nya ko. Nakakadalawa na tong lalaking to ha.

Pagpasok namin sa loob ay binati lang kami nung maid nila at pamaya-maya ay sumigaw si Jace,

"MA!" Hinampas ko sya sa braso pero di nya ko pinansin. Ang bastos naman nire!

"coming!" Sigaw namang pabalik ng .. mama nya? Napatingin ako sa babaeng nasa mid 40 na pero bata pa ring tingnan.

Nakangiti syang lumapit samin,

"G-good evening po." Bati ko sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman sya sakin pabalik, "Good evening, beautiful lady. You can call me tita Nadine or much better mama." Napangiti na lang ako sa kanya habang nakatitig pa rin sya sakin. Medyo naiilang na nga ako e. May dumi ba ko sa mukha or what?

"Kaya naman pala nagustuhan ka ng anak ko e---"

"Ma!" Epal ni Jace kaya tinawanan lang sya ng mama-- ni tita Nadine. "Oh right. Let's have our dinner first."

"Pumunta na kayong dining area nakapagprepare na ko. Tawagin ko lang ang papa mo." Huling sabi ni tita nadine. "Yea whatever." Nakurot ko na lang si Jace sa braso at ngiting inintay si tita Nadine na makaakyat sa taas. Hinatak naman ako ni Jace sa dining area at nakita kong maraming pagkain. Okay fiesta ba?

Tiningnan ko lang ng masama si Jace nang maupo na ito habang ako ay nakatayo pa rin sa tabi nya. Tsk. "Tumayo ka nga dyan! Mahiya ka naman." Sabi ko sa kanya pero di nya ko pinansin. Nakarinig ako ng yabag at nung lumingon ako ay nakita kong may kasama na si tita Nadine, his dad i guess? Kasunuran lang ding bumaba yung kapatid ni Jace, si JB.

"Good evening po." Bati ko dito at kinalabit si Jace pero di naman sya tumayo. Tumango lang sakin ang papa nya at ngumiti.

"Call me Tito Gwen. So let's eat?"

"Sige po, t-tito."

"Hi ate!" Ngiting bati sakin ni JB kaya naghello lang din ako. Kamukha ni ano si tita Nadine habang si Jace nakuha ang mukha kay Tito Gwen.

Niyaya na nila kong umupo kaya umupo na rin ako sa tabi ni Jace. "I cooked this food sana magustuhan mo, Yanna." Ngiting sabi ni tita Nadine sakin. "It tastes good, tita Nadine." Puri ko sa luto nya dahil talaga namang masarap. Ngiti lang ang sinukli sakin ni Tita Nadine at pamaya-maya ay nagtanong tanong sya about sakin. Uhh hindi naman sakin big deal yun dahil she's just asking at yun lang. Paminsa-minsan nagtatanong din si Tito Gwen and JB. Si Jace? Tuluy-tuloy lang ang kain pero tuwing magsasalita si Tito Gwen eepal sya in a not good manner.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon