#22.4

3.2K 70 0
                                    


THIRD POV

'Great Ashley. Just great.' Nasabi na lang ni Yanna sa isip nya at umupo gayundin si Jace na umupo sa tabi nya. Tahimik lang silang dalawa na nakaupo habang sila ay kanya-kanya ng tingin sa menu.

Kasama ni Eric sa table si Vane, her cousins, Zyrel and Mac. While sa kabila, Cass, Ashley, Troy, Rein, Lash and Javi. Maya-maya ay lumapit na rin yung waiter sa kanilang dalawa para iabot yung isang menu. Si Jace ang may hawak nun at nilapag na lang sa table para makita nya.

Tahimik lang si Jace at nakikiramdam. "Anong oorderin mo?" pagbabasag nya sa katahimikan at tumingin kay Yanna. Nakatingin lang si Yanna sa menu at di sya pinansin. Maya-maya lang ay tinanong na silang dalawa kung ano ang oorderin nila,

"One seafood meal + extra rice + roasted beef, one vegetable salad, one choco-berry farfait and two iced tea. Yun lang." sabi ni Jace kaya napatingin si Yanna sa kanya nang paalisan na nya yung waiter. "We're going to share foods dahil mahihirapan ka lang." sabi ni Jace sa kanya kaya hindi na lang sya kumibo. Tahimik lang silang dalawa at parehas nakamasid lang sa labas. Nung dumating yung order nila ay napatingin si Eric sa gawi nila.

"Guys, they're going to share meal." Napatingin naman silang lahat sa pwesto nila Jace. Narinig din naman iyon ni Ashley dahil magkalikuran lang sila ni Eric.

"That's so sweet pero guys wag na natin silang tingnan baka di pa magkainan but first lemme take a picture of them." Sabay labas nya ng phone at kinunan ng litrato yung dalawa. Sinenyasan naman nya lahat na wag ng tingnan yung ex-couple.

"Inggit ka noh? Tsk tsk. Kawawa ka naman." Asar ni Lash kay Cass pero inirapan lang sya ni Cass at sumulyap sa dalawa.

Two pairs of spoon and fork yung nilagay yung waiter sa kanila kaya agad ding kinuha ni Yanna yung kutsara and tried to pero nahirapan lang din sya dahil nga hindi sya sanay sa kaliwa. Kung kanan lang ang nakikilos nya kayang kaya nya pero pinilit pa rin nyang kumain. "Baka matapon mo pa. Wag na." pigil ni Jace sa kanya at kinuha yung kutsara sa kamay nya. Nagugutom pa man din sya pero wala na rin syang nagawa. She get the parfait at yun na lang sana ang kakainin nya nang may kutsarang lumapat sa mukha nya. Napatingin sya dito at kay Jace, "Eat." Sabi ni Jace kay Yanna pero hindi kumibo si Yanna.

"Just eat kung ayaw mong magutom." Wala na rin syang nagawa at sinubo yung pagkain. Hindi nila alam na nakamasid sa kanila ang mga kasamahan nila na tahimik na nagtatawanan. "Aw so sweet! Kinikilig ako!" sambit ni Ashley habang nakatitig sa phone nyang nakunan iyon.

"Ay inggit yung isa. Buti nga." Pagpaparinig ni Lash at padabog na sumubo. "Baka kayong dalawa." Sabat ni Rein pero inirapan lang sya ni Lash.

"Indirect kiss! Omg. Same spoon! Sheez kinikilig talaga ako!" banggit pa ni Ashley at sumulyap kay Cass. Hindi nakawala sa mata nya ang bahagyang pagngiti ni Cass pero agad ding nawala iyon. Dun nakaramdam si Ashley na may something pero di na lang nya pinansin at kumain na.

**

5:30 na rin sila nakarating sa resthouse dahil mga 1:30 sila umalis ng restaurant at huminto pa sa isang lugar kaya natagalan sila. Mga bangag silang nakarating sa resthouse dahil mga antok na rin kaya mga nagsitulugan muna sila. Apat na kwarto ang meron sa resthouse nila Vane kaya hati silang lahat. "So pwede na sigurong tanggalin to?" tanong ni Yanna kay Ashley nang nasa loob na sila. Napakamot naman ng ulo si Ashley at ngumiti ng pang-asar, "hindi dahil mga antok tayong lahat wala naman sigurong mangyayari sa inyo. Hihihi! Ciao!" at agad na nagtatakbo si Ashley sa taas.

His PropertyWhere stories live. Discover now