#11.5 Agreeing

4.2K 97 16
                                    

"Tae talaga tong outing na to! Hooooo!" Zyrel sabay higa sa kama. Napailing na lang ako at umupo. Pano ba naman kasi after paggising, pinaglakad kami pabalik dito. Hindi ko naman akalain na napakaumaga nun e, palalakarin pa kami. Ang masaklap pa e, boys ang bumuhat nung tent. Tapos akala namin kakain pagkadating dito pero hindi raw. 

"Relax. Enjoyin na lang natin kesa mainis." Vane at tumingin sakin.

Tinaasan ko nga sya ng isang kilay.

"Anong meron?" tanong nito.

Kumunot ang noo ko, ano bang sinasabi nya? "Duh. Mukhang badtrip si Jace e di pa kayo magkasama. Tapos paggising ko nasa labas ka na, sya naman nakahiga pero gising." 

"Oo nga. Pero hoy may utang ka pang kwento samin!" Zyrel

"Walang taguan ano ba! Hahaha! Pero next time na yun halata namang wala ka sa mood magkwento. Sabihin mo na lang kung anong meron ngayon." Rein

"Tapos na." sabi ko na agad din naman nilang nagets.

"pero bakit?" sabay sabay pa nilang tanong. Kinwento ko naman yung nangyari kanina alangang isekreto ko pa? 

"Ba't naman kasi agad ganun sinabi mo?" Vane

"Nakipagdeal lang sya to make sure na merong real relationship na. Maybe he's pointing out na baka pag niligawan ka nya, di mo payagan or baka di mo pa sagutin." Zyrel

"If i were you, i agreed. Para rin naman yun sa sarili nya e, nakatulong ka pa." Rein. Tumango naman yung dalawa.

"Pano naman ako? Para ko na ring sinabi na ikulong ako sa kulungan. Tss." sagot ko sa kanila at nahiga sa kama. 

"Nasasamahan mo naman sya recently. May improvement naman ah? At sa nakikita namin, oo minsan naasar ka pero larger part e okay ka lang sa kanya. Sweet nyo ngang tingnan e. Tatanungin kita, anong tingin mo kay Jace? Ano yung nangyayari sa inyo?"

"Masaya naman syang kasama...he's sweet...Protective...He comforted me once...he's caring... nagagampanan nya yung pagiging boyfriend talaga.. moody.. short-tempered.. nakakainis minsan.." putol putol kong sagot sa kanila habang nakatitig sa kisame.

"Pero hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng boyfriend lalo na kung sya." biglang hirit ko ng ganun. Binato naman ako ni Rein ng unan pero umiwas agad ako. 

"Pero sa totoo lang? Okay lang ba sayo na boyfriend mo sya?" Napaisip agad ako. "H-hindi ko alam." 

"Oh come on Yanna! Answer it!" seryosong sabi nya sakin. Naalala ko na naman yung pag-uusap namin.

"O-oo na hindi na ewan. Oo kasi hindi ko alam, naging komportable ako sa kanya na ewan. Oo kasi parang may something na hindi mapaliwanag. Ayoko rin kasi hindi ko naman nga pinangarap na magkaboyfriend."

"Eh anong naramdaman mo kanina? Nung parang nagalit sya at binawi na yung sinabi nya?" Vane

"kailangan ko bang sagutin yan?" pabirong tanong ko sa kanila pero nakita kong seryoso ang mga ito kaya sinagot ko na.

His PropertyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora