#21

2.9K 68 3
                                    


THIRD POV

"Uy Yanna ko, bakit?" papasok pa lang si Lash sa gate nila Mac nang lumabas si Yanna na umiiyak. Nagulat si Lash nang makitang umiiyak to buti na lang ay nahawakan nya agad ang braso nito.

"Sht." Nasambit na lang ni Lash at tiningnan yung kotse nila kung nandun pa. Agad na binuksan ni Lash ang pinto sa likod at pinapasok si Yanna doon. Nakatingin lang sa kanila ang pinsan nyang nasa driver seat pati yung batang pinsang lalaki nya na nakaupo sa backseat.

Paalis na sana sila nang sumigaw ang batang lalaki, Leian, na may lumabas daw na babaeng umiiyak. Pinapanood kasi ni Leian ang kuya Lash nya na pumasok sa loob kaso yun nga ang nakita nung bata kaya napalingon din ang pinsan ni Lash na si Dave. Galing kasi si Lash sa kanila kaya nagpahatid ito sa pinsan nyang si Dave.

"Dun tayo samin." Sabi ni Lash at nginusuan si Leian na minostra na dun umupo sa harap pero agad na umiling si Leian. Napailing na lang si Dave nang di sundin ni Leian si Lash kaya pinaandar na rin nya yung kotse. Tahimik lang sa loob ng kotse pero si Leian ay nakatitig lang kay Yanna.

"Ate, wag ka ng iyak." Sabi nito at hinawakan sa braso si Yanna. Hindi na naman umiiyak si Yanna pero naluluha pa rin ito. Tiningnan nya ang batang katabi nya at nginitian ito. Kung sino man ang makakakita sa kanya ngayon ay tsak kakaawan sya. Mugtong mugto ang mata nito at mapula-pula ang pisngi't ilong.

Kumunot naman ang noo ng batang lalaki. "Kuya Lash, namumula braso nya tsaka may ano ng kuko." Pagdadaldal ni Leian kay Lash kaya naman napalingon si Lash kay Yanna at tiningnan yung braso nya. Nung nakita nga nyang meron ay tumingin sya kay Yanna pero pumikit lang si Yanna at sumandal. Nag-ssh na lang si Lash kay Leian kaya agad na tumango ang bata. Kinuha ni Lash ang phone nya at tinext si Vane.

To: Vanessangpangit

Kasama ko si Yanna ko. Ako na bahala dito.

Hindi man nya alam yung nangyari pero alam nyang nag-aalala si Vanessa dito. Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ng magreply si Vane.

Vane: Thank God! Alagaan mo yan ha?

Lash: Oo nman. Yanna ko to e pero ano bang nangyari? Nkita ko na lng sya na umiiyak paglabas e.

Vane: May nangyari kasi then nag-usap sila ni Jace. Di ko na alam nangyari.

Lash: E nasan yung lalaking yun?

Vane: Ewan ko dun, wala kong pake.

Lash: Baliw! Dyan ka na nga.

Napakamot na lang ng ulo si Lash at tinago yung phone. Pagkadating nila sa bahay nila Lash ay agad na bumaba si Lash at inalalayan si Yanna. Bababa pa sana si Leian nang tinulak lang sya pabalik ni Lash kaya napasimangot na lang ang bata. Pagkaalis ng kotse ay pumasok sila sa loob ng bahay.

Walang tao sa bahay nila. "Tara sa kwarto, gamutin natin yung sugat mo." Aya ni Lash sa kanya at hinila. Pagpasok nila sa kwarto ni Lash ay pinaupo nya ito sa kama. Tahimik lang na nakaupo si Yanna doon at nakatitig lang sa carpet.

Umupo na rin si Lash sa tabi nya at hinatak papalapit sa kanya. Tiningnan nya ang braso ni Yanna at napangiwi na lang. "Kawawang kutis." Sambit ni Lash na kinangiti na lang ni Yanna. After gamutin at lagyan ng ointment ni Lash yung braso nya ay tinanong nya to,

"Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" pero tanging iling lang ang sagot ni Yanna sa kanya. Nagkibit balikat na lang si Lash at binuksan yung aircon nang maalala nyang nakalimutan nya tong buksan. Pagkaupo ni Lash ay pabirong inakbayan nya si Yanna.

His PropertyWhere stories live. Discover now