Hindi familiar sa'kin ang lugar pero naririnig ko pa rin naman ang kasiyahan, kaya malamang nandito pa rin kami sa kaharian ng sykan.

"Narito pa rin tayo sa kaharian ng sykan. Ngunit kailangan nating makabalik agad sa mga kasamahan natin." sagot niya. Nagtaka naman ako.

"Bakit?"

"Nararamdaman kong may hindi magandang binabalak ang mga kapatid ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Batid kong may masamang balak si haring nocter at haring tyler. Kung ano man iyon ay hindi ko alam."

Hindi na ako nakapagsalita. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay at bigla na naman kaming nakarating sa labas ng kwarto naming magkakaibigan. Parang bigla akong nahilo do'n.

Pumasok agad ako sa silid at nagulat pa sila nang makita kaming magkasama ni haring flevious. Agad na lumapit sa'kin si krixi at nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa'kin.

"Saan ka ba galing ha? Pinag-alala mo na naman kaming lahat." paiyak niyang sabi. Natawa naman ako, kahit kailan talaga siya lagi ang sobrang nag-aalala.

"Okay lang ako. Nag-ikot ikot lang ako sa labas." natatawang sabi ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at saka nginitian sila, ngumiti rin sila at parang nakahinga pa ng maluwag.

"Magpalit na kayo ng mga kasuotan niyo. Aalis na agad tayo." ani haring flevious kaya sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

"Ngunit tito, nais ng aming ina at ama na sa Zlatan kami dederetso." ani zionne.

"Batid ko na iyan, sapagkat ibinilin nila kayo sa akin. Bilisan ninyo, kailangan na agad nating lumisan." seryosong anang hari at saka lumabas ng kwarto.

Wala na kaming nagawang magkakaibigan kundi ang magpalit ng mga suot namin. Kagaya ng palagi naming suot suot, ay yun na rin ang suot namin. Parang ito na ang costume naming magkakaibigan sa bawat laban at paglalakbay namin.

Nang matapos kaming magpalit ng kasuotan ay agad din kaming lumabas ng kwarto, nasalubong na rin namin sina haring flevious at kuya hudson kaya naman sabay sabay na kaming naglakad palabas.

Hindi kami kilala ng mga romani, at hindi rin nila kami pinagtitinginan dahil hindi naman kami mga naka maskara tulad kanina. Pero may iilan na nagtataka kung bakit may mga dala kaming spada at pana.

Nang tuluyan kaming makalabas ng kaharian ay bigla na naman akong nagkaroon ng vision, hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit.

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni zionne. Siya ang malapit sa'kin.

"Nagkaroon na naman ako ng vision." sagot ko sa kanya.

"Vision? Anong vision?" sabay kaming nagulat ni zionne at lumingon kay haring flevious.

'Narinig niya.'

"Sino ang may vision?" tanong niya.

Tumingin pa muna kami ni zionne sa mga kasama naming nasa unahan. At buti nalang ay kampante silang naglalakad, mukhang hindi nila narinig si haring flevious.

"Ako po, mahal na hari." sagot ko.

Kita ko ang gulat sa mukha ni haring flevious. Napa-atras pa siya at hindi makapaniwalang tumitig sa'kin.

'Nakaka shocked ba? Ako rin eh.'

"I-Ikaw?" utal na tanong ng hari. Kumunot ang noo ko dahil do'n.

"Opo tito, pinagpala siyang magkaroon ng vision. Kahit noong nasa mundo pa kami ng mga tao." si zionne ang sumagot. Gulat pa rin ang mukha ng hari at parang may gusto siyang sabihin o ano. Parang pinagpapawisan rin siya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now