Humahanga ako sa paraan kung paano siya makipaglaban. Lalo na noong unang pagkikita naming dalawa.

Mag-isa akong nanunugis noon sa isa sa mga gubat ng askati. At nakarating ako sa gubat kung saan ko narinig ang tunog ng mga mababangis na hayop. Nagtataka ako nang makitang may dalawang mabangis na hayop na parang may hinahanap sa paligid, at nagulat ako nang makita ko ang isang familiar na nilalang.

'Mahal na diwata.'

Noong una kong makita ang mukha ni binibining aliho ay bumalik lahat ng alaala namin ng diwatang inibig ko noon na si diwatang ISLEEN. Diwata siya ng hangin at mga ibon. Kaya niyang makakita ng mga mangyayari sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng panaginip.

At ang akala ko noon ay nagbalik siya para sa akin, ngunit nang malaman kong nagmula siya sa mundo ng mga tao ay nakaramdam ako ng matinding lungkot.

Pati ang aking alagang si flurry na dating alaga ng diwatang si Isleen ay mukhang nakikilala rin ang mukha ni binibining aliho bilang dati niyang tagapangalaga.

Sa tagal na pananatili nila rito sa mundo namin ay mas lalong gumaan ang nararamdaman ko tuwing nasisilayan ko ang magandang mukha ni binibining aliho. Palaging bumabalik sa alaala ko ang mga sandaling kasama ko ang dati kong iniibig na si diwatang Isleen. Sa kasamaang palad ay binawian siya ng buhay, nang dahil sa akin.

Ipinagbabawal sa kanila ang umibig sa mga kagaya ko, ngunit matigas ang ulo ko at hindi ako nakinig sa kapatid kong si haring phoebus. Kung sana ay nakinig ako sa kanya ay narito pa sana ang diwata, kahit palihim ko nalang siyang mapagmasdan mula sa malayo ay masaya na ako roon. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya.

~*~

Nakarating na kami sa bayan ng sykan at kagaya ng sinabi ni hudson ay tumuloy kami sa bahay panuluyan, upang magamot ni prinsesa zyleigh si binibining aliho, at makapagpalit na rin kami ng mga kasuotan para sa pagtitipon sa kaharian ng sykan.

"Mahal na hari, narito ang inyong silid." rinig kong ani hudson at tinuro ang kaharap na silid. Ang akala ko ay iisang silid lang kaming lahat.

Tumango ako at tiningnan muli si binibining aliho bago pumasok sa silid.

Nag-aalala ako, at nakakaramdam na naman ako ng pagsisisi. Kung sana ay hindi ko siya pinayagang sumama sa panunugis namin kanina ay sana hindi siya napahamak. Sa kagustuhan kong kasama ko siya at nakikita ko siya palagi ay hindi ko na naisip ang kapahamakan na maaaring mangyari sa kanya.

Biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Agad na lumapit sa akin si hudson at nag-aalalang binigyan ako ng gamot upang hindi ako atakihin sa aking karamdaman.

"Maupo na muna kayo, mahal na hari." inalalayan ako ni hudson pa-upo sa isang kama na narito sa silid.

"Maraming salamat."

"Pupuntahan ko lang ang mga kasamahan natin at titingnan ang kalagayan ni binibining aliho." tumungo si hudson at saka naglakad palabas ng silid.

~*~

XYVYN'S POV

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin kay aliho. Sobrang namumutla na siya at kinakabahan ako dahil halatang nanghihina siya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang humiga siya sa bed. Nagpilit lang siya ng ngiti at saka bumaling kay zy na ngayon ay umiiyak pa rin.

"Wag ka na ngang umiyak jan, para naman akong mamamatay niyan eh." biro ni aliho sa kanya.

Ngumuso lang si Zy at saka pinunasan ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay niya. Natawa ako dahil sa ginagaw niyang 'yon. Para siyang bata kung umiyak.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now