Umatake sila sa'min kaya muli na namang sumigaw ang mga kaibigan namin. Ginagamit nila ang mga kakayahan nilang pasakitin ang ulo ninuman.

Nagulat kami nang biglang naghagis ng talisman si Zyleigh na agad naman nagliwanag at binigyan kami ng pananggalang.

Gusto kong humanga nang gawin niya 'yon. Hindi ko naisip na kaya niya talagang gamitin ang talisman na mula sa kaharian ng Zlatan. Mukhang masyado kong minamaliit ang kakayahan ng prinsesa.

"Hindi magtatagal ang pananggalang na ito. Kailangan niyong maghanda, kakalabanin natin sila." ani Zionne at nilabas ang makapangyarihang piano niya.

"Huhu nakakatakot ang itsura nila." muling usal na naman ni krixi.

"Mas nakakatakot ang itsura mo wag kang mag-alala." biro sa kanya ni Cypher.

Kahit kailan talaga puro kalokohan ang isang 'to. Nasa panganib na kami lahat lahat, nagagawa niya pang mang-asar.

"Tigilan moko cypher ah! Baka ikaw ang unang ipakain ko sa mga halimaw na Glabro na 'yan." banta sa kanya ni krixi na tinawanan naman nitong isa.

Muli kaming napalingon nang biglang dumami ang mga glabro.

"Ay jusko lord!! Please guide us. Kung mamatay man kami ngayon ay si cypher sana ang mauuna." sambit na naman ni Krixi. Di talaga siya titigil.

Mukhang napikon naman si cypher sa kanya kaya hinampas siya nito ng pamaypay niya.

"Maghanda na kayo." sabi ni Zy at saka kami sabay sabay na sumugod sa mga glabro.

Si Zionne ay lumipad sa ere gamit ang spiritual na lakas niya at saka naghagis ng spiritual string sa mga glabro mula sa piano niya, kaya nanghina ang mga ito. Si Zy naman ang tuluyang pumapaslang sa mga ito, na hindi ko akalaing magaling gumamit ng spada.

Tumalon ako ng paikot at saka sinaksak ang isang glabro, nagulat naman ako nang bigla akong itulak ni Aliho at saka sinaksak ang glabro na nasa likuran ko. Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kanya nang tumalon siya papunta sa may malaking bato, at doon pumwesto upang gamitin ang spiritual crossbow niya.

Napalingon naman ako kay cypher nang sumigaw ito at nakitang natumba siya. Dadamputin na sana siya ng glabro pero bigla itong natumba nang may lumipad na shuriken. Napangiti ako nang mapagtantong galing  'yon kay krixi. Tinulungan naman ni reese na makatayo si cypher. Hinarang ni cypher ang pamaypay niya sa kanila ni reese nang may umatake sa likuran nila, kaya imbis na masaktan sila ay ang glabro ang natumba. Agad naman itong pinana ni reese dahilan para hindi na ito nakatayo.

Tumalon ako palapit kay kenji at saka siya tinulungan sa dalawang glabro na kaharap niya. Magkatalikuran kaming dalawa habang nakikipaglaban. Nakita kong may sumugod na dalawang glabro kay krixi, agad namang sinipa ni krixi ang isa at nagulat siya nang bigla itong natumba. May tumamang palaso sa dalawang glabro mula sa crossbow ni Aliho. Napatingin ako sa gawi ni Aliho at tutok na tutok siya sa pagpa-pana. Agad naman akong tumakbo papunta kay Zy nang makita kong patalikod siyang sinugod ng isang glabro, sinaksak ko 'yon na agad naman nitong ikinamatay.

Bigla akong natigilan nang sumakit ang ulo ko, mukhang tinamaan yata ako ng powers nila. Nanghina ako at nanlabo ang paningin ko. Hindi ko na magawang lumaban. Mas natakot naman ako para sa'min nang pati ang mga kaibigan namin ay napaupo. Mukhang pati sila ay nanghina gaya ko.

Nakita kong tumalon si Zionne pababa at saka kami tinulungang pumunta sa may gilid. Si Zyleigh naman ang nagsilbi naming pananggalang laban sa mga glabro. Tumalon si Aliho sa tabi niya kaya dalawa silang nakipaglaban sa mga ito.

Gusto kong humanga sa paraan ng pakikilaban nilang dalawa.

Si Zy na magaling at mabilis na parang ang gaan ng spada niya. Sinipa niya ang isang glabro at saka umikot para saksakin naman ang glabro na umatake sa kanya mula sa likuran niya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now