'Anong meron?'

Lakas ng kabog ng dibdib ko. Biglang umilaw ang shuriken ko na ipinagtaka namin ni Kenji. Nagkatinginan kaming dalawa at parehong nagulat, hindi namin alam kung ano ang nangyayari.

Lumingon uli kami sa mga kasama namin sina Zionne at Zyleigh ay nakatago sa isang puno at bahagyang nakasilip sa unahan namin, si Cypher naman at Reese ay nasa katabing puno nila. Samantalang si Elijah at Xyvyn ay nagulat ako kung paano nila nagawang maka-akyat agad sa may puno at magkabilaang sanga pa sila, nasa baba naman nila si Ica.

Bigla akong napasigaw nang may sumulpot sa likuran ko at hinawakan ako sa balikat. Agad naman itong sinipa ni Kenji at sinaksak ng spada. Tapos may dalawa na namang lumabas mula sa kung saan at akmang atakihin kami pero natumba na sila nang may tumamang palaso sa mga dibdib nila. Ang isa ay galing kay Ica at ang isa naman ay galing sa mahiwagang crossbow ni Elijah.

'Wooohhh.'

Napalingon naman ako sa iba nang marinig kong sumigaw si Cypher, inatake siya ng kakaibang nilalang, hayop ba o ano. Matulis ang mga kuko nila at kawangis nila ang tao pero puro balahibo ang balat nila. Malalaki ang mga mata nila na kulay pula. Mahahaba ang tenga at buhok nila. May paa sila na malalaki at mahaba. Matangkad din sila, hanggang dibdib lang ako.

Agad na pinangsangga ni Cypher ang pamaymay niya  kaya imbis na siya ang matumba ay yung halimaw ang natumba. Agad na umikot si reese at saka pinana ang halimaw. Si Zionne naman ay biglang umupo na agad namang hinarangan ni Zyleigh, naglabas ng piano si zionne mula sa kung saan na binalot ng liwanag at saka tumugtog, na ipinagtaka ko naman. Hinagis niya ang kamay niya papunta sa direction ng pasugod na halimaw sa kanila, may lumabas mula dito na liwanag na parang string ng gitara, tumama ito sa dalawang halimaw at agad naman itong natumba.

'WOW!'

Narinig ko namang nag flute si Xyvyn na ipinagtaka ko uli, pero nagulat ako nang may kulay puting ilaw na lumabas do'n at pumasok sa katawan ng dalawang halimaw dahilan para maglaho ito. Agad naman akong hinila ni Kenji nang may tumalon na halimaw sa harapan ko at saka niya ito sinaksak, pero biglang may sumulpot na naman sa likuran ko at hinawakan ako sa balikat. Hindi ako makagalaw, pero bigla naman itong natumba at napalingon ako sa gawi ni Ica. Ngumiti siya sa'kin at saka tumango. Siya ang pumana sa halimaw.
Nagulat ako nang may sumulpot na halimaw mula sa likuran niya kaya agad kong pinakawalan ang shuriken ko papunta sa direction niya at agad naman itong natumba. Gulat din siyang napalingon sa halimaw, ngumiti siya sa'kin at kumindat pa. Ngumiti din ako.

'Paano ko nagawa 'yon?'

Nagulat ako nang sumigaw si Reese kaya napalingon ako sa kanila, sabay silang natumba ni Cypher. Nang akmang sasaksakin na sila ng matutulis na kamay ng halimaw ay biglang tumalon si Elijah mula sa puno at saka ito sinaksak. Gusto kong humanga sa ginawa niyang 'yon, ang cool niya.

May sumugod na namang halimaw kay Elijah, umikot siya papunta sa likuran nito at saka niya ito sinaksak. Bago natumba ang halimaw ay tumalon si Elijah dito at saka patalon ding sinaksak ang isa pang pasugod na halimaw. Sabay na bumagsak ang dalawang halimaw in just a blink!!

'Grabe, ang astig niya.'

Napanganga ako habang nakatitig kay Aliho.

Agad kong pinalipad papunta sa likod ni Zionne ang shuriken ko nang mapansin kong may halimaw na umatake mula sa likuran niya. Tinamaan ko ito, pero hindi 'yon natumba. Agad na binunot ni Zyleigh ang dagger niya mula sa side belt pocket ng short niya at saka hinagis ito sa halimaw na agad din namang sumapol sa mata nito at natumba.

Shit!!! Grabe ang galing niya.

May sumulpot na dalawang halimaw sa may puno kung nasaan si Xyvyn, agad na tumakbo si Kenji doon at saka sinaksak ang isa. Nang susugurin siya ng isa pa ay may tumama na naman na puting ilaw mula sa flute ni Xyvyn at agad itong naglaho. Tinulungan ni Kenji si Ica na makatayo dahil natumba ito sa biglaang pag-atake ng dalawang halimaw na 'yon.

Nang makitang naubos na namin ang mga halimaw ay napa-upo ako dahil sa panghihina.

'Walanjo!! Hindi pa kami nakakatagal sa paglalakbay ay humarap na agad kami sa matinding labanan!'

Napatingin uli ako sa kanilang lahat at talaga namang gusto kong magulat at humanga sa galing nila. Lalong lalo na si Zy at Elie na akala mo sanay na sanay sa labanan. Nagulat din ako sa galing ni Ica sa pag pana. Si Reese na akala ko puro arte lang pero magaling din palang makipaglaban. Si Cypher na kanina lang ay takot na takot pero parang ambilis niyang natutunan kung paano gamitin ang weapon niyang pamaypay. Si kenji na magaling gumamit ng spada at mabilis kumilos. Si Xyvyn na kalmada lang tumugtog sa taas ng puno gamit ang mahiwagang flute niya, at si Zionne na may magical piano at spiritual string.

Grabe!!! Ako lang yata ang walang silbi.

"Are you okay?" tanong ni Kenji nang makalapit siya sa'kin.

Hindi ako sumagot dahil nanginginig parin ako.

"Kailangan na nating umalis. Baka dumating ang  mga kasamahan nila at mas mahirapan na tayong kalabanin sila." rinig kong sabi ni Xyvyn.

Agad namang nagsi-tayuan sina Reese at Cypher na napaupo din pala kagaya ko. Nakita kong inalok sa'kin ni kenji ang kamay niya para tulungan akong makatayo pero tumayo akong mag-isa.

'Duhhh!! Ano akala niya sa'kin pilay?'

Nang makatayo ako ay na out of balance ako, agad akong nahawakan ni Kenji. Ngumiti siya sa'kin na parang sinasabing, hindi ko pa kayang mag-isa. Agad ko siyang tinulak at saka inirapan.

Sumunod na agad ako sa mga kaibigan namin. Kagaya ng nasa plano ay ganon parin ang posisyon namin. Si Zionne at Zyleigh ang nasa unahan, kasunod nila si Cypher na parang nanghihina. Si Reese na cool lang na naglalakad at palingon lingon sa gilid niya. As usual, nauuna na naman ako kay Kenji. Hindi ko magawang lumingon sa likuran ko dahil feeling ko nakatingin si Kenji sa likuran ko, o baka praning lang pala ako.

Tumagal ang paglalakad namin at hindi na talaga ako mapakali, feeling ko anytime ay biglang may susulpot na halimaw sa gilid o sa harapan ko. Hindi ko parin kasabay si kenji at wala na akong pakialam dun.

"Pwede ba akong sumabay sayo?" biglang sumulpot si Ica sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Ha? Pero baka--"

"Okay lang 'yan. Nabo-boring ako mag-isa hindi ko naman makausap si Vyn, masyadong seryoso." nakangiting aniya

Napalingon ako sa likuran namin at busy si Elie sa pakikipag-usap kay Kenji. Tapos si Xyvyn naman na nasa unahan nila.

'Kaya pala hindi sumabay sa'kin.'

"Ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Ica. Lumingon ako sa kanya nang may pagtataka.

"Eh?"

"Yung nangyari kanina sa'tin. Baka kako hindi ka pa maayos." nakangiting aniya.

"Ahh hindi parin ako maka get over. Hahaha feeling ko nga anytime biglang may susulpot na naman mula sa kung saan eh." sagot ko sa kanya.

Natawa naman siya. "Yeah same here. Grabe yung gulat at takot ko kanina, kaya ngayon dina ako mapakali." natatawang aniya.

"Pero ang galing mo kanina. Di ako makapaniwalang marunong kang pumana. Hindi lang marunong, magaling pa." compliment ko sa kanya. Totoo naman na diko talaga inaasahan na magaling siya.

"Ikaw din naman ah, ang galing mo din kaya gumamit ng shuriken." nakangiting sabi din niya.

"Ehh automatic naman 'to. Kung baga ihahagis ko lang at kusang tatama sa kalaban. Effortless."

"Kahit pa, yung ginawa mong pagligtas sa'kin kanina ay malaking bagay na 'yon. Utang ko ang buhay ko sayo."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya, ang sarap sa pakiramdam ng sinabi niyang 'yon.

"Niligtas mo din kaya buhay ko." nakangiting sabi ko naman.

"That's what friends do."

Nagtawanan naman kami.

'HAYYYY!'

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now