"We need to take her to the hospital!!" sigaw ni Ica.

Binuhat naman agad ni kenji ang kapatid ko at nanghina na naman ako sa nakita. Puro dugo ang sahig na binagsakan niya.

"Susmaryosep!" di makapaniwalang usal ni ma'am rona.

"Malija? You did this?" galit na sigaw ni dean. Napayuko naman si Malija at kita ko pa na nanginginig siya.

Binato niya sa harap niya ang baseball bat at parang pati siya ay di makapaniwala sa ginagawa niya. Gusto ko siyang sampalin hanggang sa maubos ang lakas ko. Gusto ko din iparanas sa kanya ang ginawa niya sa kapatid ko.

"Go to the guidance office now, I will call your parents!" sigaw ni dean. "Miss Ocampo, call the police now. At ipahuli ang mga bodyguard na ito." utos ni dean sa secretary niya at saka tumalikod.

Lumapit naman sa'kin si reese at saka nag-aalalang tiningnan ang kabuuan ko.

"Okay ka lang? Dalhin ka namin sa clinic." nag-aalalang aniya pero agad akong umiling.

"S-si Elijah." nanghihinang usal ko.

"Dadalhin na siya sa hospital, magiging maayos din siya."

Doon ko na naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

Kasalanan ko 'to.

"Tara na sa clinic."

Nakita kong lumapit sina Cypher sa amin, habang inalalayan naman akong makatayo ni Zionne at Reese.

Nasalubong ko ang tingin ni Xyvyn at may kakaiba sa tingin niyang 'yon.

"Caddel are you okay?" nag-aalalang lumapit sa'kin si ma'am Rona.

Ngumiti ako para ipakita na ayos lang ako. "Ayos lang po ako."

"Ikaw Riaz?"tanong naman ni ma'am kay Reese.

"Ayos lang din po ako." nakangiting sagot ni Reese.

"Punta na kayo sa clinic ngayon."

"Opo maam."

"Kayo din Ainsley and Waltons." baling naman ni ma'am kala Zionne at Xyvyn.

"Susunod po agad kami kala kenji sa hospital miss." ani Zionne.

"Why?"

"Kaibigan po namin si Miss Elijah. At tsaka kapatid po siya ni Zyleigh, Miss."

"Really? Okay okay!! But make sure na magpapa-tingin kayo sa doctor. Baka mapano kayo. Tsk tsk tsk, ano ba ang naisip ng mga body guards na ito at pumatol sa inyo." di makapaniwalang sabi ni ma'am Rona, napapailing pa siya.

"Sige po." nasabi nalang ni Zionne saka ako inalalayang maglakad.

Si Cypher naman ang naka-alalay kay Reese, habang si Rowan at Riley naman ang nasa tabi ni Xyvyn.

Gusto ko namang ipagtaka ang ginagawa ni Zionne sa'kin. Hindi rin naman mukhang maayos ang kalagayan niya dahil nasaktan din siya sa nangyari pero bakit parang mas inaalala niya ako?

Gaya ng sinabi ni Zionne kay ma'am Rona ay dumeretso kami ng hospital, sa may emergency area kami agad pumunta.

Naabutan namin sina krixi, kenji at Ica sa labas ng emergency room. Nakaupo si Ica sa may upuan na nando'n habang si krixi naman di mapakali sa kinatatayuan niya.

"Oh Zyleigh." si Kenji ang unang nakapansin sa'min. "Bakit andito kayo? Sana nagpatingin muna kayo." may halong pag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa'min isa isa.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now