"Ohh? Sumali ka sa ibang sport? Anong sport?" di makapaniwalang tanong ni Riley.

"Bakit? Hindi niyo ba alam na siya ang isa sa representative natin ng archery?" takang tanong din ni coach.

"Wooohh? Dinga? Marunong ka bang pumana Vyn?" biro ni Rowan.

"Oo naman, gusto mo subukan ko sayo?" biro din ni Xyvyn sa kanya.

Natawa naman kami.

"Gamitin mo skills ni Miya, pre." natatawang sabi ni riley, ang tinutukoy ay 'yong babaeng hero sa laro na Mobile Legends.

"Pwede din yung kay Irithel hahaha." gatong naman ni rowan.

"Oo tas naka inspire?" natatawang ani riley, saka sila sabay na nagtawanan. Nag apir pa silang dalawa na parang tuwang-tuwa talaga sa mga pinagsasabi nila.

Parehong Pro player sina Rowan at Riley kaya pagdating sa kalokohan ay mas nagkakasundo silang dalawa.

"Tigilan niyo na nga yan, kaka ML niyo yan eh." saway ni coach sa kanilang dalawa. "So ayun na nga, kailangan hindi ka parin mawawala sa training Waltons, maliwanag?" seryosong ani coach.

"Makaka-asa ka coach." sagot naman ni Xyvyn.

"O siya, sige na. Pumasok na kayo at kakausapin ko din ang isa pang representative."

"Sino coach?" tanong ni Cypher.

"Diko pa kilala, pinatawag lang ako ni dean para makausap at makilala ang player."

"Lalaki din ba coach?" si Rowan.

"Hindi ko alam, pero ang alam ko ay third year."

"Sure lalaki yan, sino namang babae ang marunong mag archery? Sa movie pwede pa, pero in real life? Malabo." si Cypher.

"Oo nga, tsaka sa arte ng mga babae dito? Eh ayaw nga ng mga yun na napuputikan ang mga sandal nila." natatawang sang-ayon naman ni Riley.

Well, tama naman sila. Sino nga naman ang babae ditong marunong mag archery? Eh kami ngang mga lalaki hindi marunong eh.

"Malalaman natin, sige na. Mauna na ako at baka diko maabutan 'yon." ani coach at saka tumalikod na at saka naglakad paalis.

"Hahaha ibang klase din talaga 'to si coach eh." si Rowan.

"Oo nga, nakaka-bilib ang pagiging determinado." napapailing na ani Riley.

Nauna nang maglakad si Xyvyn kaya sumunod naman kami sa kanya.

"Hoy Vyn, kelan ka nagpa-register sa archery?" tanong ni Rowan saka sumabay kay Xyvyn.

"Kahapon lang."

"Diko akalain marunong ka talagang pumana?"

"Sabi ko naman sayo hindi mo malalaman kung hindi natin susubukan sayo." biro ni Xyvyn.

"Hahaha bweset."

Napansin ko ang pagiging tahimik ni Zionne kaya lumingon ako sa kanya. Naka earphone naman pala siya kaya hindi ko na siya pinansin.

Isa sa mga ugali ni Zionne, kapag gusto niya ng tahimik ay nag e-earphone siya. Naniniwala siyang music ang nagpapakalma sa kanya. Pareho sila ni Xyvyn na mahilig sa music, marami rin silang alam na iba't ibang instrument. Si Xyvyn naman ay mahilig din kumanta, maganda ang boses niya. Para sa'kin nga mas magaling pa si Xyvyn kumpara sa ibang mga singer.

Magpinsan sina Xyvyn at Zionne, yun ang sabi nila. Pero magkaiba sila ng middle name at surname. Ang paliwanag sa'min ng dalawa ay medyo malayong pinsan na, pero sobrang close nilang dalawa. Ang alam ko pa nga ay magkasama sila sa iisang bahay.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now