"Perfect!!!" natatawang aniya.

Nagtawanan naman ang mga walang kwentang studyante na akala mo nakakatawa ang ginawang iyon ng clown na babae na 'to.

Dahan dahan kong inalis ang ibang spaghetti sa braso ko at nang akmang tatayo ay natigilan din dahil sa sigaw ng isang babae.

"What's wrong with you?" sigaw ng babae saka hinila ang babae na yun.

"Ohh not now reese, I don't like talking to animals. I'm not in the mood to fight with you now, maybe next time okay?." maarteng sabi nung babaeng mukhang clown.

'Reese? Parang familiar ang name niya.'

"But you already an animals." sagot naman nung reese daw.

Pabato niyang binitawan iyong mukhang clown kaya muntik na itong matumba, may nakahawak sa kanya kaya hindi siya tuluyang sumalampak.

Natigilan ako nang makita kung sino iyon.

How?

Paanong nangyaring nakikita ko siya dito ngayon?

Paanong nangyaring andito siya?

'Jaxon!!'

"K-kenji!" utal na ani reese nang makita ang nasa harap niya ngayon na siya ring sumalo sa babaeng clown na iyon.

'Kenji? Sino si Kenji?'

"What happened here?" biglang sumulpot ang lalaki parang familiar sakin ang boses na iyon.

Medyo nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko siya makita.

"How dare you pushed me!!" sigaw nung babaeng clown.

Ngayon ko lang siya natitigan at sobrang familiar din ng mukha niya.

"Ikaw ang nauna." sagot nung reese. Medyo kabado pa siya at parang naiilang sa titig ni Jaxon sa kanya, parang galit kasi ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Jaxon.

"What did I do to you? You're not the one I'm tripping over, but you suddenly pulled my arm and pushed me. What the hell is wrong with you?" sigaw nung clown, ramdam ko ang pag-iinarte sa boses niya.

"Dahil tinapon mo ang spaghetti ko, dumaan lang ako dito tapos bigla mong dadamputin ang pagkain ko para lang itapon at maging bida ka?" sinabayan nung reese ang pagtataray nung babaeng clown.

"You did that?" rinig kong tanong ni Jaxon kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod na sa'kin ang ibang studyante at nahaharangan ako ng kung sino. Kung sino man siya ay nagpapasalamat ako dahil sa ginawa niyang pagharang sa'kin kahit na alam kong hindi niya naman sinasadya.

Nakita kong pumasok si krixi sa nagkakagulo at walang ano ano'y sinampal iyong babaeng clown.

Napamaang ang lahat dahil sa ginawa niya, kahit ako ay hindi rin makapaniwala. Nagsigawan ang mga nanonood, agad namang pumagitna ang mga lalaking hindi ko kilala. Dun ko din nakita ng tuluyan kung sino ang may-ari ng familiar na boses na iyon, yung lalaking humarang sa'kin.

Walang iba kundi si Cypher. Ang matalik na kaibigan ni Jaxon.

Napayuko ako dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Fuck you!! Who the hell are you? Why did you slapped me!!?. Arrggg." sigaw nung clown, napatingin ako sa kanya at nakitang galit na galit niyang sinugod si Krixi.

Pero hindi pa man siya nakalapit sa kaibigan ko ay agad na siyang hinila ni Jaxon at ng isang lalaking hindi ko din kilala. May humawak naman na dalawang lalaki din kay krixi. Galit na galit si Krixi at yung babae habang nakatingin sa isa't isa. Pumagitna naman sa kanila si Cypher at isa pang lalaki.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now