Her passive ability, Molina’s Gift, allows her to avoid fatal damage, which allows her to escape every two and a half minutes.

Bumalik si Elijah mula sa kusina ng nakasimangot. Gusto kong magtaka pero hindi ko na nagawa.

Saka ko naalala na may mga tao nga palang nagmamasid sa labas ng bahay namin. Totoong nakalimutan ko sila dahil sa sobrang aliw sa laro.

'Baka nabadtrip siya dahil hindi pa rin umaalis ang mga taong yun.'

"Settings niyo na yan." natatawang ani Omar.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay nahihirapan ng mag Defend si Ace sa base namin.

Pero sabay sabay kaming lahat na napa Ohhh nang ma Wipe out na naman sila.

"Walastik, hindi ko namalayan na nakabalik na si boss." ani Gian.

"End na." seryosong sabi ni Elijah.

Sabay sabay kaming nag lakad sa mid.

'Ang hero pala namin.'

"Victoryy-eeeeeeeehhhhhhh." pang-aasar ni Ace sa tatlo at pinalakasan pa ang volume ng cellphone niya.

"Yabang mo, nabuhat ka lang naman ni boss." sabi ni Gian.

"Hahaha wala pala kayo eh." di talaga tumigil si Ace sa pang-aasar sa mga kaibigan.

Tumingin uli ako kay Elijah at nakitang bumuntong hininga siya.

"Tara sa ministop." biglang aya niya.

Sabay sabay natigilan at napatingin sa kanya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Gusto ko mag kape, naubos na pala kape natin dika bumili." seryosong sabi niya.

Napa face palm ako.

'Walangya!! Akala ko naman kung napano, kaya pala antagal niya sa kusina. Malamang naghanap siya.'

"Pero boss, diba may mga tao pa sa labas?" nag-aalalang tanong ni Omar.

"Oo nga, boss. Baka sundan tayo at sa daan tayo yariin." gatong din ni Gian.

"Takot kayo?" kunot noo niyang tanong sa kanila.

Tumango ako kahit hindi ako ang tinanong niya. Inismiran niya lang ako saka naglakad papasok sa kwarto niya.

Paglabas niya ay nakasuot na siya ng Jacket at sumbrero.

'Seryoso talaga siyang lalabas siya?'

"Kung ayaw niyong sumama ay maiwan kayo dito."

Pagkasabi niya nun ay agad kaming nagsitayuan, pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng sumbrero at Jacket, At dahil nga mga walang Jacket ang apat, ay ako ang ginulo nila. Pinahiram ko sila ng tig iisang Jacket, buti at puro panlalaki ang mga Jacket ko at kasya pa sa kanila.

Paglabas namin ng kwarto ay ang naiinip na mukha ni Elijah ang bumungad sa amin.

"Huwag kayong magpahalata na alam natin na may naka-masid sa atin." bilin ni Elijah.

Tumango naman kaming lima saka sumunod sa kanyang lumabas ng bahay. Nilock muna namin ang pinto ng bahay saka walang lingon lingon na umalis.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang si Elijah habang nag-kukulitan naman ang apat.

"Grabe, tangina kung si Boss ang kakampi natin sa tourna siguradong durog ang kalaban natin." natatawang ani Omar.

"Ano pa nga ba. Malamang uuwi ang kalaban na umiiyak." gatong naman ni Ace.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now