EPILOGUE

3.4K 123 24
                                    


*-*

Yara's POV

[5 years have passed]

“Mom, dad, gusto ko manood ng barbie.”

Halos sabay kaming napalingon ni Tyzell sa anak naming si Silverio nang magsalita ito.

“Barbie? Again?!” Nagsalubong ang dalawang kilay ng aking asawa.

Ngumuso ang aming anak at naglakad palapit sa aming kinauupuan. Napansin ko pa na parang may tinatago siya sa kanyang likuran.

“Nagpabili po ako kay tito Taylor ng bagong CD ng barbie.” Wika ng bata sabay pakita ng tatlong CD ng barbie.

Yun pala ang tinatago nito.

Bumaling ang paningin namin ng aking asawa kay Taylor na nakatayo lang sa sulok.

Nagawa pa niyang yumuko para iwasan ang tingin naming mag-asawa.

“D*mn!” Rinig kong bulalas ng aking asawa.

Muli siyang bumaling sa tatlong CD na hawak ng aming panganay na anak.

Bumuntong hininga siya at tumingin nang diretso sa gray na mga mata ng aming anak.

“Son, are you a gay?” Marahan niyang tanong.

Mabilis na umiling ang aming anak, nagsalubo rin ang dalawa nitong makakapal na kilay.

“No! I'm not a gay, dad. Gusto ko lang talagang manood ng barbie.” Depensa ng anak namin sa sarili niya.

Sumasangayon naman ako doon. Dahil kita naman sa galaw ng anak namin na lalaki siya. Pero mahilig lang siya sa mga barbie.

Napakagat labi nalang si Tyzell dahil sa sinabi ng anak namin.

“Pwede na ba akong manood ng barbie? Mom, dad?” Muling tanong ng anak namin.

“Yeah,” Ang asawa ko ang sumagot.

“Thanks, dad!” Galak na sabi ng anak namin at patakbong umalis para tumungo sa kwarto niya.

Halos sabay naming bumaling ng tingin ni Tyzell sa screen ng TV.

Nandito kasi kami ngayon sa living room, nanonood ng balita.

Limang taon na ang lumipas simula nung map*tay ni Tyzell si Lucia Suarez doon sa Japan.

Limang taon na rin ang lumipas simula nang masampahan ng d*ath penalty sina Theo, Abigail, Martin at Roan.

Sa United States sila hinatulan ng d*ath penalty dahil nasa US ang main office ng agency namin.

Nasampahan sila ng d*ath penalty because they break cr'minal law.

Nalaman rin kasi sa ginawang imbestigasyon ng team na marami na silang nap*tay na mga inosenteng tao, hindi lang dito sa Asia kundi pati sa Europe, North America, and South America.

Nahanap rin ang hidden laboratory ng mga Suarez sa mismong gitna ng pacific ocean.

Nakuha ang napakaraming uri ng dr*gs na gawa nila doon. Ang mga dr*gs na iyon ay aabot sa 5.3 Billion ang halaga.

Ang mga dr*gs na nakuha sa hidden laboratory nila ay sinunog at binaon sa ilalim ng lupa.

Ang pera naman ay ganon rin.

Sinira rin ang hidden laboratory nila na nakapwesto sa mismong gitna ng pacific ocean.

Lahat ng mga tauhan at ka koneksyon nila sa ilegal nilang ginagawa ay sinampahan din ng d*ath penalty.

At dahil si Tyzell ang dahilan kung bakit nahuli ang buong grupo ng mga Suarez, ginawaran siya ng Agency namin ng award at tumaas rin ang posisyon niya sa agency.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now