CHAPTER 14

2.7K 106 2
                                    

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE

C H A P T E R 14

*-*

Yara's POV

“Good evening, ma'am.” Bati sa akin ng lalaking waiter na sumalubong sa akin pagpasok ko sa restaurant.

“Good evening, for solo table please.” Ngumiti ako.

“This way, ma'am.” Lumakad ito patungo sa pinakadulong bahagi ng restaurant.

Inihatid niya ako sa lamesa na gusto ko. Umupo muna ako sa bakanteng upuan na nandoon, tapos hiningi ko ang menu doon sa waiter na naghatid sa akin.

“I want this Chicken Kebab, one cup of  rice, and one glass of red wine.” Ngumiti ako sa waiter at ibinalik sa kanya ang menu.

“Please wait for a few minutes, ma'am.” Saad ng waiter at umalis na siya.

Pasimple kong ibinaba sa sahig ang itim kong backpack. Pa silip-silip ako sa paligid kung may nakatingin ba sa akin, nang makita kong wala agad kung binuksan ang backpack.

Kinuha ko ang hearing device na nandoon, isinuot ko iyon sa kanang tainga ko. Nang maisuot ko na ang device, muli kong isinarado ang aking backpack.

Umayos ako sa aking pagkakaupo nang makita kong naglalakad na pabalik ang waiter. May tulak itong isang metal na cart kung saan nakalagay ang mga inorder ko.

Nang makalapit na ang waiter sa akin ay siya na ang nagkusang maglapag sa mga pagkain ko sa ibabaw ng mesa. Matapos niyang ayusin ang pagkain ko, matuwid itong tumayo habang ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.

“Enjoy your dinner, ma'am.” Akmang tatalikuran na ako ng waiter, pero kaagad din itong napahinto nang magsalita ako.

“Is Arnell Ramos is on duty?” Tanong ko sa waiter. Seryuso ang mukhang kong nakatingin sa kanya.

“I'm Arnell Ramos, ma'am. Why are you looking for me?” Halata sa mukha nito ang pagtataka.

Ngumiti ako. “Gusto ko kasing magpahatid sa iyo sa underground mamaya pagkatapos kong kumain.”

Mabilis na nagbago ang expression ng mukha niya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin nang diretso ang kanyang seryusong mga mata.

“Sino po sila, ma'am?” Tanong niya. Halata sa boses nito na pinipilit niyang maging magalang.

“Yara Ricka Consuelo Vargas Nithercott.” Bigkas ko sa buo kong pangalan.

Medyo namilog ang mga mata. Mabilis na luminga-linga sa paligid bago yumuko sa akin ng tatlong beses.

“Good evening, Queen Nithercott.” Muling gumalang ang boses niya.

“Pagnatapos na akong kumain ay tatawagin kita. Gusto kong ihatid mo ako sa underground. Naiintindihan mo?”

Mabilis itong yumuko. “Copy, queen.”

“You can go now.” Bumaling na ako sa pagkain ko.

Nang makaalis na si Arnell Ramos sa harapan ng table ko, agad na akong nagsimulang kumain. Pormal ang bawat pagsubo at pagnguya na ginagawa ko, habang ang aking mga mata ay pasimpleng nililibot sa paligid.

Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Mukhang kanina niya pa ako sinusundan at bantay sarado niya ang galaw ko.

Matapos kong kumain ay kaagad kong tinawag si Arnell Ramos. Katulad ng aming napagkasunduan, inihatid niya ako sa pintuan patungo sa underground.

Walang imik akong pumasok sa pintuan, agad namang isinarado ni Arnell ang pintuan at iniwan akong mag-isa dito sa loob ng madilim na silid.

Kinapa ko ang switch ng ilaw na nasa gilid ng door way, nang makapa ko iyon ay agad kung pinindot dahilan upang lumiwanag ang buong paligid.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now