CHAPTER 19

2.7K 91 0
                                    


*-*

Yara's POV

“Hindi mo na nga ako kailangan dalhin sa doctor, love. Hindi naman ako na pano, e. Tingnan mo nga ako, oh. Wala naman akong sugat o kaya'y galos sa katawan.”

“Wife, even if you aren't hurt by what happened kailangan mo paring masuri ng doctor.”

Na pa buga nalang ako ng hangin dahil sa pagpupumilit ni Tyzell na dalhin ako sa doctor. Kakauwi niya lang dito sa mansion. Matapos kasing kunin ni Taylor ang walang malay na Suarez ay agad kong tinawagan ang aking asawa at sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

“Hindi naman ako nasaktan, e. Tingnan mo nga itong kabuuan ko, ni galos ay wala.” Saad ko.

“Wife, please! I'm just concern for you condition. So please, let me take you to the doctor.” Humakbang siya palapit sa akin ay maingat na hinawakan ang magkabila kong pisngi, hinaplos niya iyon gamit ang hinlalaki niya. “Please!” Nagsusumamo ang mga mata niya na tumingin sa mata ko.

“Oo na, pupunta na tayo sa doctor. Ang over acting mo naman, kita mo naman na hindi ako na pano.” Inirapan ko siya.

Mahina siyang tumawa. “I'm just concern about your condition, wife.” Binitawan niya ang pisngi ko at ang kanang kamay ko naman ay hinawakan niya. Pinag salikop niya ang mga kamay namin.

Lumakad kami palabas sa mansion. Sumakay kami sa kanyang kotse na nakaparada sa mismong harapan ng mansion.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa mga pinsalang naidulot ng bakbakan na nangyari kanina dito sa labas.

Medyo malaki talaga kasi ang nagawang pinsala nung mga bala na bumaon sa dingding ng mansion. Nagkabutas-butas ang mga dingding at yung mga salamin ng bintana ay nabasag.

“Nasira nila ang harapan ng mansion mo.” Baling ko kay Tyzell nang maramdaman kong pinatakbo niya na ang kotse namin.

“Bahala na ang architect diyan.” Wika niya. “Whenever they attack they always destroyed my mansion , so that's why I always spending money just for renovations of that mansion.” Dagdag niya pa.

Ibig niyang sabihin ay sanay na siyang nasisira ng mga kalaban niya ang kanyang tahanan. “Ilang beses na bang nasira ang mansion mo?” Tanong ko.

“Hundred times, I'm not sure.” Nagkibit-balikat siya.

Para naman akong napako sa aking kinauupuan dahil sa isinagot niya sa akin. “Seryuso? Daang beses na? Hindi ka ba nagbibiro?”

“I'm not joker, wife.” Lumingon siya sa akin. “I have many enemies, wife. Kaya hindi nakakapagtaka kung marami ang pwedeng umat*ke sa akin araw-araw.” Aniya at muling ibinaling ang paningin sa kalsada.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na umimik. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng aking upuan at unti unting pumikit para umidlip muna. Nakaramdam na naman kasi ako ng antok.

Habang nakapikit ako ay may isang imahe na biglang sumulpot sa aking isipan. Mabilis ang napamulat nang dahil doon.

Si Maui, wala na siya! Pin*tay siya ng mga kalaban kanina. Pero si na judy Mae at Cedrick naman kaya. Asan kaya yung dalawang iyon?

Alam kong magkasama silang tatlo kanina, ngunit si Maui nalang ang nakabalik sa mansion. Ano kayang nangyari doon sa dalawa?

Tahimik lang kami ni Tyzell sa buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa hospital. Ipinarada niya muna ang kotse namin sa parking lot ng hospital, bago siya bumaba para pagbuksan ako ng pintuan.

Inalalayan niya akong maglakad papasok sa hospital, pakiramdam ko ay isa akong babasaging bagay na kailangan niyang ingatan.

Dumiretso kami sa clinic ng hospital. Nang makapasok na kami sa clinic ay agad na umangat sa amin ang paningin nung babaeng doctor na naka upo sa isang swivel chair.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now