CHAPTER 36

2.2K 81 5
                                    


*-*

Yara's POV

“Wife, huwag na huwag kang lalabas sa kwarto natin kahit na ano pa ang mangyari.”

Kumunot ang aking noo nang dahil sa sinabi ng aking asawa.

Hindi naman sa hindi ko maintidihan ang sinabi niya, pero nagtataka lang ako kung ano ang dahilan niya.

“Bakit?” Naguguluhan kong tanong, inayos ko rin ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Ichika.

Ang cellphone ni Ichika ang ginamit ko para tawagan ang aking asawa. Na kay Tyzell kasi ang cellphone ko.

Nang sabihin ni Ichika sa akin na babalik si Tyzell dito sa Tokyo, agad akong humiram ng cellphone sa kanya para tawagan ang aking asawa.

“Nandiyan si Lucia sa Tokyo and she might have a bad plan for you.”

Ibigsabihin ay tama ang hinala ko? Naisahan na naman kami ni Lucia Suarez.

Iniligaw niya kami gamit lang rin ang Birdwatcher Virus na ginamit namin sa kanya.

Ang talino talaga ng babaeng iyon.

“Sige, sige. Nasaan ka na ba ngayon?” Tanong ko sa asawa ko.

“I'm here in New Chitose Airport, babalik ako diyan sa Tokyo.” Sagot niya.

“Mag-ingat ka.”

“You are the one who need to be more careful, wife.” Wika niya. “Pag nakabalik na ako diyan sa Tokyo, didiretso ako diyan sa mansion.” Dagdag niya pa.

“Mabuti naman kung ganon.” Usal ko.

“Okay, I love you, wife.”

“I love you too, love.” Sagot ko.

Ako na rin mismo ang pumutol sa tawag namin. Ibinalik ko kay Ichika ang cellphone niya at nagpasalamat.

“Pwede mo na akong iwan, Ichika.” Ngumiti ako.

Yumuko naman siya. “Masusunod po, joō.” Aniya at lumabas na sa aking kwarto.

Nang tuluyan nang nakalabas si Ichika sa kwarto ay tumayo ako sa aking wheelchair, lumipat ako nang upo sa dulo ng malapad at malambot na kama.

Lumingon ako sa bintana na nasa gilid ko. Galing dito sa aking pwesto ay kita ko ang labas ng mansion.

Nakapwesto sa labas ang mga tauhan ni Tyzell na iniwan niya rito sa mansion.

Dahil naka masid ako sa labas ng mansion ay nakita ko kung paano biglaan humandusay yung isang tauhan ni Tyzell sa lupa.

Bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa aking nasaksihan. Napahawak ako sa aking malaking tiyan.

Sunod-sunod na humandusay sa lupa ang mga tauhan ni Tyzell, yung iba namang tauhan ay naalarma sa nangyayari.

Hawak na nila ang kanya-kanya nilang mga bar*l, habang nililibot ang paningin sa paligid.

Sinubukan ko ring hanapin kung sino ang bumar*l sa mga tauhan ng aking asawa, ngunit wala akong makita.

Mukhang nasa isang mataas at malayo na pwesto ang gunman.

Umangat ang aking paningin sa isang matayog na building na nasa 'di kalayuan nitong mansion.

8 storey building iyon at posibleng nandoon nakapwesto ang gunman.

Umalis ako sa aking pwesto at muling umupo sa wheelchair. Kailangan kong lumabas sa kwartong 'to at umalis dito sa mansion.

Kailangan kong tumakas para sa kaligtasan ko at nitong anak namin ni Tyzell.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now