CHAPTER 6

3.6K 152 0
                                    


Yara's POV

“Pano niyo nakilala ni d'yos ang isa't isa?” Inabutan ako ni Agatha ng isang baso ng red wine.

“Binili niya ako sa mga kaibigan ko.” Tinaggap ko ang baso. “500 Million.”

Napangisi si Agatha. “Hindi ako makapaniwala na bumili ng babae si D'yos para maging asawa.” Umiling-iling siya.

Hindi ako umimik. Yumuko nalang ako at pinaikot-ikot ang wine sa loob ng baso.

Wala si Tyzell ngayon dito sa mesa na kinaroroonan namin. Nagpaalam siya sa akin kanina. May titingnan lang daw nila ni Taylor. Mukhang may transakyon silang pupuntahan.

“Anong trabaho mo, Yar?” Muling nagtanong si Agatha.

Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Medyo namumula na siya. Mukhang natamaan na ng alak. Kanina pa kasi siya umiinom ng alak. Ako naman ay hanggang wine lang.

Ayaw kong malasing. Baka kung may mangyaring hindi maganda dito sa party. Hindi ko pa naman kayang kontrolin ang sarili ko kapag tinamaan na ako ng alak.

“Detective ako.” Sagot ko.

Kita ko kung pano dumaan ang gulat sa mga mata ni Agatha. “Kalaban ka pala dati ng organization.” Mahina itong tumawa. “Pambihira. Kung hindi ka lang asawa ni D'yos, bin*sag ko na iyang ulo mo ngayon. Hindi pwede ang alagad ng pulisya dito, e.”

Bumuntong hininga ako. Mahina ring tumawa. “Mabuti nalang talaga asawa niya ako.”

“Ilang kaso na ang na solve mo?”

“Walo na.”

“Ilang taon ka ng magsimula kang mag solve ng mga kaso?”

“13 years old ako.”

“Unang case?”

“The case of former President Tolentino.”

“Wow!” Mangha niyang usal. “Ikaw pala iyung bata na nakasolve ng kasong iyon. Napakalaking kr*min nun.”

“Madali lang naman iyung kaso. Dating presidente nga lang ang naging biktima kaya naging usap usapan sa buong bansa.” Natawa ako.

Mahina siyang tumawa. Muli kaming natahimik. Ang hawak kong wine ay ininom ko na.

Pasulyap sulyap ako sa paligid. Sinusuri si Tyzell, ngunit wala parin siya. Mukhang matagal ang kanilang transakyon.

Bumuntong hininga nalang ako. Kita kong may lumapit na babae kay Agatha. Naka tuxedong itim ang babae iyon. Yumuko ito kay Agatha at may ibinulong.

Tumango-tango si Agatha sa binulong ng babae. Ilang saglit pa'y nagpaalam siya sa akin na aalis na sila.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Paika-ika itong lumakad palabas sa venue, inalalayan nalang siya nung babaeng naka black tux na lumapit sa kanya. Mukhang iyung babae na iyon ang kanang kamay ni Agatha.

Nang mawala na sa paningin ko si Agatha ay muli kong inilibot ang paningin ko sa mga tao. Wala parin sila Tyzell at Taylor.

Isang waiter ang lumapit sa akin at inalok ako ng wine. Ngumiti ako sa waiter at tinanggap ang wine na inabot niya sa akin.

Nang makatalikod na ang waiter ay inilapag ko sa ibabaw ng table ang wine. Hindi ko ito iinumin.

Masama ang kutob ko dito sa wine na 'to. Nakakapagtaka lang kasi na isang basong wine lang ang dala ang waiter. Mukhang may nag-utos sa kanya na ipadala ito sa akin.

Sino kaya? Sigurado akong kalaban ito si Tyzell.

Tinitigan ko ang pulang wine na laman ng baso. Napangisi nalang ako ng mapansin ko ang mala alikabok na nakahalo sa inumin.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now