CHAPTER 20

2.3K 94 20
                                    


(R18) Slight : )

*-*

Yara's POV

Anim na buwan na akong buntis kaya malaki na ang tiyan ko. Halatang-halata na nabuntis ako.

Iyon ang din dahilan ni Tyzell na dinagdagan niya ang mga bodyguard dito sa nilipatan naming mansion.

Lumipat kami dito noong gabing nahuli namin si Martin Suarez. Nang makuha na ni Agatha si Suarez ay agad din kaming umalis ng aking asawa doon sa dati naming tinitirhan at lumipat kami dito.

Medyo maliit ang mansion na ito kaysa doon sa dati naming tinitirhan. Ngunit mas safe namin kami dito dahil malayo ito sa syudad.

Napapaligiran kasi ng mga kahoy ang mansion na ito, sa maikling salita ay nasa gitna ng kagubatan ang mansion na ito.

Napapaligiran ng mataas na pader ang mansion, bago din makapasok ang kung sino ay may haharang muna na isang batalyon na bodyguard na nakaabang sa labas ng gate.

Ang mga bintana at pintuan rin nitong mansion ay may nakakonekta na maliit na scanner machine, kung hindi ka kilala nung machine ay kukuryentehin ka nito.

Protektadong protektado ako sa lugar na ito, iyon ang pakiramdam ko. May personal na doctor at nurse na din akong kasama. Sila ang nag aalaga sa akin tuwing hindi pa nakakauwi si Tyzell sa gabi.

Napahinto ako sa pagbabasa ng libro nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Ipiniko ko muna ang pahina ng libro na aking binabasa bago iyon itiniklop at inilapag sa aking tabi.

“Pananghalian mo na po, queen. Kailangan mo na din pong inumin ang vitamins mo.” Boses ng aking nurse na si Karen Hope Castor ang aking narinig galing sa labas ng kwarto.

“Pumasok ka.” Saad ko naman.

Marahang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Tumambad sa aking mga mata ang batang nurse na si Karen Hope.

Nahihiya itong ngumiti sa akin, tipid lang din akong ngumiti sa kanya at ibinaling ang paningin sa cart na itinutulak niya palapit sa kama ko.

“Mas dinamihan po ni doc ang inihanda niyang prutas para sa iyo dahil mas nakakabuti daw po iyan sa kalusugan mo po. May fresh orange juice din po siyang ginawa para sa iyo, wala po iyang halong kimikal at purong juice lang po iyan ng orange na bagong bili sa manila.” Saad ng nurse habang inaayos ang aking pagkain sa isang maliit na lamesa na naka pwesto sa tabi lang din ng aking kama.

“Salamat.” Usal ko.

Matapos ayusin nung nurse ang mga pagkain ko ay yumuko siya sa akin. “Huwag mo pong kalimutan na inumin ang vitamins, queen. Importante po iyan para sa iyo at para sa baby na nasa tiyan mo po.” Saad niya.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Ilang saglit pa'y lumabas na siya sa aking kwarto dala ang cart na tulak-tulak niya.

Nag umpisa na din akong kumain. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labas ng malaking bintana na nasa aking gilid.

Kitang-kita ko doon ang mga halaman na nakatanim sa malawak na hardin ng mansion. May mga insekto din katulad ng mga paro-paro at bubuyog na nagliliparan sa mga makukulay na bulaklak nung mga halaman.

Napa buga nalang ako ng hangin at tinapos ang aking pagkain. Hindi ko naubos ang aking pananghalian dahil subrang rami nito, yung prutas nalang ang nilantakan at pagkatapos ay uminom na ang bitamin ko.

Inayos ko ang mga pinggan na nagamit ko. Pinagpatong-patong ko ang mga iyon at ipwenisto sa mismong gitna ng mesa. Mamaya ay kukunin na iyan ni Nurse Karen Hope.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin