CHAPTER 7

3.9K 145 0
                                    

Yara's POV

Muli kong sinarado ang maleta. Tumayo ako para umalis na sa lugar na iyon. Tapos na ang krimin na ito. P*tay na ang may pakana kaya wala na akong dapat pang problemahin.

Si Abby? Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil halatang dumaan siya sa matinding paghihirap bago naputulan ng hininga.

Kaso nagsinungaling din siya sa akin. Pinaniwala niya akong misyon ang pupuntahan namin, pero ibinenta lang pala nila ako ni Toby. Ibinenta nila ako kay Tyzell sa halagang 500 Million.

Mga mukhang pera! Akala ko totoo silang kaibigan iyon pala'y plastic lang din pala sila. Para na din nila akong tinraydor sa ginawa nilang pagbenta sa akin.

Sa CR ako tumungo para linisin ang mga d*gong natalsikan sa aking mukha at damit. Alangan naman na dumiretso ako sa venue ng party na ganito ang hitsura ko.

Baka makita pa ako ng mga tauhan ni Rodrigo Saurez na nasa paligid lang. Alam kong wala pang nakakaalam sa nagawa ko, pero alam kong darating din ang oras na malalaman nila ito.

Isang napakalaking isda lang naman ang na p*gutan ko ng ulo. Sigurado akong malaki itong gulo. Baka'y dito pa magsimula ang lahat ng problema ko.

Hindi ko kasi ma kontrol ang sarili ko kanina. Kusa nalang gumalaw ang kamay ko na p*gutan siya. Masyado akong nilamon ng galit dahil sa ginawa niya sa babae.

Napakahayop niya kasi. Nagawa niyang baboyin ang katawan ng babaeng iyon kahit na ito'y w*la ng buhay. Siguro'y gumamit siya ng dr*ga kanina kaya niya iyon nagawa.

Nang malinis ko na ang sarili ko ay agad na akong bumalik sa venue. Marami paring tao sa party. Rinig na rinig ko ang mga pinag-uusapan nila, tungkol lang ang lahat sa underground society.

Naglakad ako patungo sa table namin kanina ni Agatha nang makita kong bakante parin iyon, ngunit napahinto din agad ako nang sumulpot sa harapan ko si Taylor.

“Hinihintay ka po ni lord Nithercott sa labas, queen.” Mahina nitong bulong sa tainga ko na akala mo'y ayaw niyang iparinig sa ibang tao ang sinabi niya sa akin.

“Sige.” Tumango ako.

“Sumunod ka po sa akin.”

Tinalikuran niya na ako at agad naman akong sumunod sa kanya. Lumabas kami sa venue ng patry. Nakita ko kaagad si Tyzell na naghihintay sa akin sa hallway patungo sa elevator.

“Where are you f*cking from and why did you suddenly f*cking disappear, wife?!” Sinalubong ako nito.

“May inasikaso lang ako.” Ngumiti ako.

Kumunot ang noo niya. “Trouble?”

“Gano'n na nga at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction mo pag nalaman mo kung sino ang nakalaban ko.” Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga.

Mas lalo namang kumunot ang noo niya. “Who?” Nag-alala niya akong tinitigan sa mga mata ko.

“Si Rodrigo Saurez.”

Sumeryoso ang mukha niya. Ang bilis niyang magpalit ng expression sa mukha. Siguro ay talent niya iyon.

“That b*stard?” Bumaling siya kay Taylor. “Find that assh*le. I will make him pay for what he f*cking did to my—”

“Huwag na.” Pigil ko sa kanya. “Hindi iyon kailangan, love. Utusan mo nalang ang mga tauhan mo na ayusin ang b*ngkay niya. Pati iyung mga b*ngkay ng dalawang babae.”

“Don't tell me you—”

“Yes, love. I did. I ended his life using his own katana. Siguro ang mga kapamilya niya nalang ang problema natin. Sorry.”

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon