CHAPTER 18

2.4K 94 2
                                    

*-*

Yara's POV

“Oh? Anong klasing titig 'yan, Yara?”

Na ikurap ko ang aking mga mata nang dahil sa tanong ni Judy Mae sa akin. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanilang tatlo habang kami ay naka-upo na dito sa sala.

“W-wala lang.” Mabilis akong umiling-iling at pilit na ngumiti sa kanilang tatlo. “Pasensiya talaga. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nandito kayo ngayon sa aking harapan.” At hindi din ako makapaniwala na kinausap kayo ni Tyzell.

“Naiintidihan ka namin, Yar.” Saad ni Maui at nginitian nila akong tatlo.

Tipid din akong ngumiti sa kanila. Pasimple kong ibinaling ang aking paningin sa mga tauhan ni Tyzell na nasa paligid lang nakamasid sa amin.

“Kumusta ka na pala, Yar? Kumusta ang buhay may asawa.” Tanong ni Cedrick.

“Mabuti naman.” Sagot ko. “Subrang bait ng asawa ko, subrang maalalahanin, at subrang maalaga.”

“Mabuti naman kung ganon. Halata naman sa pamumuhay mo ngayon.” Tumango-tango si Cedrick at inilibot ang paningin sa kabuuhan ng mansion. “Sa isang mansion ka na ngayon nakatira. Subrang yaman kasi ng asawa ko. Ang swerte-swerte mo naman, Yar.” Dagdag pa nito.

“Ang negosyo niyo, kumusta?” Si Maui naman ang nagtanong.

“Mabuti naman ang mga negosyo ng asawa ko. May pinapagawa siyang mall at hotel sa Parañaque.” Umayos ako sa aking pagkakaupo, iniyos ko din sa likod ng aking tainga ang aking buhok.

“Yung isa niyo pang negosyo?” Tinaasan ako ng kilay ni Maui.

Napatitig ako sa mukha niya dahil sa tanong niya na yun. “Anong isa pang negosyo?”

“Yar, alam namin kung sino ang asawa mo. Kilalang-kilala namin siya. Hindi mo kami madadala diyan sa pagmaang-maangan mo.” Ngumiti si Maui. “Kumusta ang underground businesses niyo si Tyzell? Malaki ba ang kita ng mga ilegal niyong negosyo?”

Napalunok ko. Ito na nga ba ang nasa isip ko kanina. Aabot sa punto na bubuksan nila ang topiko tungkol sa negosyo ng asawa ko.

“Kailangan ko ang sagot mo, Yar.”

Bumuntong hininga muna ako. “Mabuti naman ang negosyo namin doon. Sunod-sunod yung mga transakyon niya.” Ngumiti ako. “Bakit mo pala naitanong, Maui?” Tinaasan ko siya ng kilay, habang hindi parin naglalaho ang ngiti sa aking labi.

“Diba galit ka sa mga mafia na tulad ng iyong asawa? Pero, bakit ngayon kasado ka na sa isang mafia lord? Saan na punta yung galit mo sa mga tulad nila?” Halata na sa boses niya na galit siya sa akin. “T-tapos, nagawa mo pang umalis sa agency para lang masamahan mo sa kasamaan yung asawa mo.” Pansin ko pang idiniin niya ang pagkakabigkas niya sa salitang 'kasamaan'.

“Mahal ko siya.” Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. “Mahal na mahal ko siya kaya tanggap ko siya kahit gaano pa siya ka sama. Pasensiya na kung nag salita ako ng tapos noon. Hindi ko naman alam na sa isang tulad niya ako mahuhulog.”

Nakita kong umiling-iling si Maui. “Isang leader na sindíkato ang minahal mo, Yar.” Itinuro niya ako. “Hindi ko siya matanggap para sa iyo. Hindi siya bagay para sayo!”

“Tama na, Maui.” Awat ni Judy sa kanya.

“Siguro, marami ka na ring na p*tay na mga inosenteng tao!”

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at matalim ang mga mata na tumingin kay Maui. Kita ko kung paano dumaan ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa ginawa kong pagtitig sa kanya.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now