CHAPTER 5

4.3K 160 4
                                    


Yara's POV

“Bakit kailangan ako doon? Hindi naman ako miyembro sa underground organization mo.” Nakanguso kong tanong kay Tyzell habang nakatingin sa dress na susuotin ko daw mamaya sa underground party na pupuntahan naming dalawa.

Nagtataka nga ako kung bakit niya ako nais isama doon, e, hindi naman ako kasali sa underground members niya. Asawa niya ako at hindi ka  grupo.

Kanina niya lang ito sinabi sa akin nong nakauwi na kami galing sa construction site ng pinapagawa niyang hotel sa parañaque.

“You're my queen that's why I need you by my side later, wife.” Niyakap niya ako galing sa likod.

“Gaano ba ka importante ang party na iyon? I'm sure na lahat ng pag-uusapan niyo doon ay tungkol lang sa mga underground businesses niyo. Baka ma bored lang ako doon mamaya.” Turan ko. Nakatuon lang ang pansin ko sa bodycon black dress na naka nakalatag sa ibabaw ng kama namin.

Mahaba naman iyung dress at hindi naman bigdeal para sa akin na magsuot ng ganitong klase ng damit. Minsan na din akong nakasuot ng ganito sa mga misyon ko.

“Samahan mo lang ako doon.” Ramdam ko na isiniksik niya ang kanyang baba sa aking leeg. Ramdam ko ngayon ang hininga niya sa aking leeg dahin upang magtayuan ang mga balahibo ko sa batok.

“Mukhang wala naman akong pagpipilian.” Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at marahang humarap sa kanya. “Siguraduhin mo lang na safe ako.”

“Even if you don't ask me to protect you, I will do it anyway. That is my responsibility as your husband and as your king, my queen.” Inayos niya ang ibang hibla ng buhok ko bago hinalikan sa noo. “Now, take some rest. I know you are tired of what we did on the site earlier. Gigisingin kita mamaya para makapaghanda ka pa sa sarili mo.” Marahan niya akong iginiya paupo sa gilid ng kama.

Pasimple akong sumilip sa study table niya na nandito sa loob ng kwarto namin. “Ang rami mo pang aasikasuhin na mga papel. Tulungan nalang kaya kita—”

“Hindi importante ang mga 'yan.” Tukoy niya sa maraming papel na naghihintay sa kanya. “Huwag mong isipin ang mga 'yan. Matulog ka.”

Tumango nalang ako at hindi na siya kinulit na tulungan pa. Humiga nalang ako sa malambot naming kama. Nakaramdam ako ng matinding pagod doon.

Inalis ni Tyzell sa ibabaw ng kama ang dress na susuotin ko at ipinasok niya iyon sa aking closet. Hindi niya na ako binalingan at dumiretso na siya sa kanyang study table at umupo sa kanyang swivel chair, inasikaso niya na ang mga papel.

Isang linggo na akong nagtratrabaho sa company niya bilang secretary niya. Kasama niya ako palagi sa mga meetings and appointments niya.

Kanina ay pumunta kami sa parañaque upang bisitahin ang hotel na pinapatayo niya doon. Si Chairman Garcia naman ang bumisita sa mall na pinapatayo din ng company.

Sabay nilang pinapatayo ngayon ang hotel at mall. Sa pagkakaalam ko ay abot sa dalawang bilyon ang pundo nilang badget para sa pagpapatayo.

Isang 5start hotel kasi ang pinapatayo niya at isang super mall. Kahapon din sa board room meeting ay napag-usapan nilang magpagawa ng hotel resort sa Palawan.

Ngunit sa susunod pa daw ang project na iyon. Tatapusin daw muna nila ang project na nasimulan nila sa Parañaque. It's good decision naman for the company. Masyadong malaking pera na kasi ang kailangan nilang ilabas kung isasabay pa nila ang resort sa Palawan.

Napabuntong hininga nalang ako at kinumutan ang aking sarili. Matutulog na ako. Kailangan ko pang ipahinga ang aking sarili. Masyado akong napagod sa biyahe namin kanina.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now