CHAPTER 35

1.9K 66 6
                                    


*-*

Narrator's POV

Hindi makapaniwala si Yara na naunahan siya ng kanyang asawa sa pagkidnap ng anak ni Lucia.

Akala niya kasi ay hindi sang-ayon si Tyzell sa ideyang naisip niya. Iyon pala ay pinag-isipan pa nitong mabuti kung uubra ba ang gagawing pag kidnap sa bata.

Sa totoo lang ay noong una ay ayaw talaga ni Tyzell sa naisipang ideya ng kanyang asawa. Ngunit naisip niya rin kasing imposible ring walang ni katiting na pagmamahal at pakealam si Lucia para sa anak nito.

“Who are you monsters?” Galit na galit ang mukha ng batang babae habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang tauhan ni Tyzell.

“We are not monsters, cause we are a dev*l, honey—”

Hindi natapos ni Tyzell ang kanyang pananakot sa bata dahil mahina siyang siniko ni Yara.

Kunot noo niyang nilingon ang kanyang asawa, sumalubong naman sa mga mata niya ang nanlalaki mata ng babae.

“What? I didn't do something wrong.” Depensa ni Tyzell sa sarili.

“Anong walang kang ginagawang mali? Tinatakot mo yung bata. Pag-umiyak iyan, kaya mo bang patigilin at patahanin?” Tinaasan siya ng kilay ni Yara.

Napakamot ulo nalang si Tyzell. Tumahimik na lang siya, dahil ayaw niyang makipagtalo sa asawa niya.

“Hello, honey!” Kumaway si Yara sa bata.

Isang napakatalim naman na titig ang tinugon ng bata, hindi ito umimik pero patuloy parin itong nagpupumiglas.

“Ako pa sa 'yo, huwag ka nang nagpumiglas diyan. Hindi ka naman makakatakas.” Saad ni Yara.

“Isusumbong ko kayo kay mommy ko!” Bulyaw ng bata.

“Memorize mo ba number ng mama mo? May cellphone ako dito at pwede natin itong gamitin para tawagan ang mama mo.” Inilabas ni Yara ang kanyang cellphone para ipakita sa bata.

Si Tyzell naman ay kaagad na kumunot ang noo nang marinig niya ang sinabi ng kanyang asawa.

Akmang lalapit na sana siya sa kanyang asawa para tanungin kung ano ang ginagawa nito, pero agaran din siyang napahinto nang sumenyas si Yara na huwag siyang lumapit.

Napabuntong hininga nalang si Tyzell at umupo nalang sa single sofa na nasa tabi niya.

Nasa sala lang kasi sila ng mansion ngayon. Hindi na sila nag-abalang dalhin ang bata sa underground ng mansion.

“Akin na 'yang cellphone mo!” Nakatitig ang batang babae sa cellphone na hawak ni Yara.

“Hindi mo na kailangan pang hawakan ang cellphone ko, honey. Ako na mismo ang tatawag sa mommy mo, ako na din ang mag rereport sa kanya na kinidnap ka namin.” Usal ni Yara. “Phone number ng mommy mo?” Tanong nito sa bata.

“And why should I tell you my mom's phone number?”

Ngumiti ang babae. “Para matawagan ko na siya.”

“Hindi ko sasabihin.” Usal ng bata.

Napabuntong hininga nalang si Yara sa sinabi ng bata. “Gusto mo talaga na ikaw mismo ang tumawag sa mommy mo?”

Agad na tumango ang bata bilang sagot.

Inabot ni Yara ang cellphone niya sa bata, sinenyasan niya rin ang isa sa mga lalaki na nakahawak sa bata na pakawalan ang isang kamay nito.

Nang malaya na ang isang kamay ng bata ay agad nitong inabot ang cellphone ni Yara.

Bukas na ang cellphone at naka unlock na ang password nito, kaya hindi na nahirapan ang bata na gamitin ang cellphone.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon