CHAPTER 24

1.9K 77 0
                                    

Yara's POV

“Augustho, a-anong p-pinagsasabi mo?” Kanda utal-utal na tanong ni Theo sa kanyang anak matapos nitong angkinin si Agatha bilang kanyang ina.

Halata sa mga mata ng lalaki na kinakabahan at natatakot siya sa mga posibli pang sabihin ng kanyang anak.

“Iw rewmewmbewr hewr. [I remember her]” Tumitig ang bata sa mukha ni Agatha. “Siyaw yuwng kiniwkiwlalaw kowng mowmmy noowng hwindiw  paw akow kinuwhaw niw kuwya Roawn saw kanyaw. [Siya yung kinikilala kong mommy noong hindi pa ako kinuha ni kuya Roan sa kanya]

“What are you talking about, Son? Hindi si Agatha ang mommy mo! Si Abigail ang mommy mo, hindi siya.” Medyo tumaas ang boses ni Theo dahilan upang mag si lingunan sa lamesa namin yung iba pang costumers ng coffee.

“Nwo! [No!]” Umiling ang bata. “Kiwlala kow awng towtoow kowng mowmmy. Awnd shew is my truew mowm awnd I'wm sow suwre with thawt, dawd. [Kilala ko ang totoo kong mommy. And she is my true mom and I'm so sure with that, dad]” Sagot ng bata.

Bigla nalang tumayo si Theo. “Let's go home, son. Siguro naapektuhan ka lang dahil matagal mo nang hindi kasama ang mommy mo, kaya kung sino-sino nalang ang inaangkin mong mommy.” Mabilis na binuhat ni Theo si Augustho.

Inosente lang na tumingin ang bata kay Agatha, pero pansin ko ang pamumula ng mga mata nito. Mukhang paiyak na.

“Pasensya na dito sa anak ko Agatha at Mrs. Nithercott. Mukhang naapektuhan lang talaga siya sa pagkawala ng mama niya.” Baling ni Theo sa amin at sinusubukang humingi ng pasensya tungkol sa mga pinagsasabi ng anak niya.

Ngumiti ako at inilapag ang aking kape sa ibabaw ng mesa na nasa harapan namin. “Naiitindihan namin.” Tumingin ako kay Augustho na kay Agatha lang nakatingin.

“Uuwi na kami.” Wika ng lalaki.

“Oh? Maglalakad lang kayo pabalik sa white house?” Tanong ko.

Kanina kasi noong pumunta kami dito sa coffee shop ay pinasakay lang sila ni Agatha sa kotse nito. Kaya naisipan kong tanungin siya kung maglalakad lang ba sila pauwi.

“Tatawagan ko na lang yung driver namin para masundo kami.” Sagot ni Theo.

Akmang tatalikuran na sana kami ni Theo, kaya muli akong nagsalita para matigilan siya.

“Nabuntis ba talaga si Abigail?” Tanong ko.

Natawa si Theo. “Anong klaseng tanong po iyan, Mrs. Nithercott? Syempre po, nabuntis ko si Abigail kaya nga po kami may anak ngayon.” Nanliit ang kanyang mga mata na tuwing sa akin. “Huwag mo pong sabihin na naninilaw ka sa sinabi ng batang ito? Kaya gagamitin mo ang pagiging detective mo para malaman ang totoo.” Aniya.

Muli akong bumaling ng tingin kay Augustho. “Naniniwala kasi akong hindi marunong mag sinungaling ang bata.” Nakangisi akong tumingin sa mga mata ni Theo. “Engineer Laserna, subukan kaya nating ipa DNA test si Augustho at si Agatha.”

“Hindi ako papayag lalo na at wala dito ngayon si Abigail.” Lumunok siya at tumingin sa umbok ng tiyan ko. “Mukhang naapektuhan ka din diyan sa iyong pagbubuntis, Mrs. Nithervott kaya ka nagkakaganyan.” Litanya.

“Wala dito sa tiyan ko ang aking utak, Theo.” Binasa ko ang aking mga labi. “Kung kayo talaga ni Abigail ang mga magulang ni Augustho, wala kang dapat katakutan na ipa DNA test yang anak mo at itong kaibigan ko. Unless, may tinatago kang sekreto ba bawal naming malaman.”

Ngumisi si Theo. “Kahit ano pa ang sabihin mo, Mrs. Nithercott. Hindi ako papayag na ipa DNA test itong anak ko at si Agatha.” Huling niyang sabi bago kami tuluyang tinalikuran at lumakad ito palabas sa coffee shop.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now