CHAPTER 3

4.3K 187 9
                                    


Yara's POV

Tahimik lang ako habang kumakain. Tanging yung tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig dito sa loob ng dinning area.

Pasulyap-sulyap ako kay Tyzell habang sumusubo ng pagkain. Ang weird lang sa pakiramdam na hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang paghalik niya sa akin kanina. Ngunit mukhang wala lang talaga iyon sa kanya.

Natapos nalang kaming kumain ay nanatili parin kaming walang imik sa isa't isa. Nang nasa kwarto na kami ay nanatili parin kaming walang imik.

Siya ay dumiretso sa study table niya at hinarap agad ang kanyang laptop, mukha inaasikaso niya ang kanyang business mapa legal man o ilegal.

Ako ay pumwesto sa aming kama. Ipinagpatuloy ang pagbabasa sa libro na nasimulan kong basahin kanina. Medyo nagkaroon kasi ako ng interes sa kwento.

¼ na ng libro ang aking nabasa. Halos ilang oras na din akong nagbabasa at dinadalaw na ako ng antok. Panay na ang aking paghikab at pagpikit dahil humahapdi na ang mata ko sa antok.

“Matulog ka na. Huwag mong pwersahin ang sarili mo na tapusin ang librong iyan.” Napatingin ako kay Tyzell nang magsalita siya.

Nang tingnan ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin kundi sa laptop niya parin. Nanatili parin siyang nakatalikod sa kinaroroonan ko.

“I-ikaw? Hindi ka pa matutulog.”

“I'll go to bed later, wife. I'll finish first what I'm doing now.” Sagot niya. “Goodnight, have a sweet dream sweety.” Dagdag niya pa.

Pakiramdam ko'y para niya akong anak na pinapatulog dahil may pasok pa bukas.

Muli akong humikab bago tiniklop ang librong binabasa ko, inabot ko iyon sa side table.

Matapos kong bitawan ang libro ay umayos ako sa aking pwesto, inayos ko din ang kumot ko. Medyo nilalamig ako kasi masyadong malakas ang aircon dito sa kwarto ko.

“Are you cold?” Rinig kong tanong niya, hindi parin sa akin nakatingin.

“Hindi naman.” Tangi ko, kahit na ang totoo ay giniginaw talaga ako.

Kita kong may kinuha siya sa maliit na drawer sa study table niya, isang remote iyon. Mukhang ang remote ng aircon. Pinindot-pindot niya iyon at ilang sandali pa'y naramdaman kong nawawala na ang lamig.

“Huwag kang mag-sinungaling sa akin. Kahit nakatalikod ako sa tao ay alam ko kung nagsisinungaling ito.” Ibinalik niya sa drawer ang remote. “You can sleep now. Huwag kang magpuyat dahil bawal iyon sa 'yo, anemic ka pa naman.”

“Pano mo nalaman?”

“Sa mga medical records mo.” Narinig kong nagbuntong hininga siya habang nagpipindot sa keyboard ng kanyang laptop. “Asawa kita at dapat ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa 'yo. I make a research about you detective Yara Ricka Consuelo Vargas. So that's why, now. I know everything about you. Even your deepest secrets and family problems.” 

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa mga sinabi niya. Aniya ay gumawa siya ng mga pananaliksik sa akin. Kaya ngayon ay alam niya na lahat ng tungkol sa akin.

“Hindi ako naniniwala.” Usal ko sa mahinang boses.

“Yara Ricka Consuelo Vargas, 26 years old, daughter of Mrs. Yaricka Consuelo Vargas and Mr. Yuri Vargas. You were born on June 26, 1997, place of birth was on Kapalong Medical Hospital. Sa mindanao. Doon ka ipinanganak dahil doon nakatira ang mga magulang mo noon, ngunit hindi ka doon lumaki kasi matapos kang maipanganak ng iyong mama ay agad silang lumipad patungo dito sa manila at dito nanirahan as a detective.” Pinaikot niya ang kanyang swivel chair paharap sa akin.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now