CHAPTER 17

2.5K 96 1
                                    


Yara's POV

Medyo naparami ang kain ko sa aming dinner. Siguro dahil masyado akong nagutom, kasi hindi ako naka kain ng pananghalian kanina.

Napasarap kasi talaga ang tulog ko kanina, kaya pati ang pagkatok ni Taylor sa pintuan ng kwarto ay hindi ko narinig.

“Wife, ere you sure about your plan to that Young Deschamps?”

Tumango ako sa tanong ng aking asawa. “Oo, siguradong sigurado. Alam kong hindi sapat itong gagawin ko para mabayaran niya ang mga kasama*n na nagawa niya, pero nararapat lang sa kanya ang mawála sa mundo.”

Hindi ko na siya narinig na umimik. Pareho nalang namin ipinagpatuloy ang aming paglalakad patungo sa underground nitong mansion.

Pupuntahan namin ngayon si Deschamps para tingnan kung nagawa niya na ba ang gamot. Iyung gamot na iyon ay ang siyang gagamitin ko din sa kanya upang maglaho siya.

Sa simula pa lang na nakita ko ang batang scientist na iyon ay iyon na ang plano ko. Ang utusan siyang umimbento ng gamot para siya ay maglaho.

Alam kong imposible ang gamot na iyon, pero walang imposible sa science at sa scientist na gustong mapatunayan sa lahat na magaling siya.

Nang makarating na kami sa underground ay dumiretso kami sa silid na kinaroroonan ni Deschamps.

Sabay kaming pumasok sa silid na iyon. Kaagad na bumungad sa mga mata ko ang batang scientist na nakakadena ang mga paa, tanging yung mga kamay niya lang ang walang nakapulupot na kadena.

Kailangan kasing alisin ang mga kadenang nakapulupot sa mga kamay niya para magamit niya ang mga iyon sa paghawak sa mga likidong kailangan niya sa iniimbento niyang gamot.

Agad na nanlisik ang mga mata ng scientist ng makita niya kaming dalawa ng asawa ko. Alam kong may mga gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya iyon masabi dahil sa panyong naka busal sa kanyang bibig.

“Avez-vous fabriqué le médicament que je vous ai demandé? (Did you make the medicine I asked for?)” Tanong ko sa kanya.

Mabilis itong tumango-tango at may tinurong box sa kanyang gilid. Agad kong na ibaling ang paningin ko sa box na iyon, maliit lang ang box at parang box lang iyon ng singsing.

Lumingon ako kay Tyzell na nanonood lang sa amin. “Pwede paki kuha nung box?”

Tumango siya at lumakad palapit sa pwesto ni Young Deschamps. Yumuko ang aking asawa at dinampot ang box na nasa tabi nung scientist.

Hawak niya na ang box nang maglakad siya palapit sa akin, agad niya iyung inabot sa akin kaya agad ko namang tinanggap ang box.

Tumayo siya sa tabi ko at pinanood kung paano ko buksan ang box na iyon. Nang tuluyan ko nang nabuksan ang box ay bumungad sa akin ang isang maliit na bote na may lamang kulay itim na likido.

Akmang hahawakan ko na sana ang bote, pero hinawakan ni Tyzell ang kamay ko upang pigilan ako. Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan.

“That is a poison so don't touch it, wife. It can have a bad effect to you and to our baby, so be careful.” Saad niya.

Pinagdikit ko nalang ang aking labi nang mapagtanto kong tama siya. Binawi ko ang kamay ko galing sa kanyang pagkakahawak. Muli akong bumaling sa batang scientist at nagsalita.

“Nous vous libérerons. (We will set you free.)” Wika ko.

Nawala ang panlilisik sa mga mata nito, napalitan iyon ng tuwa. Napangisi nalang ako sa aking isipan, saka inaya si Tyzell na lumabas na sa silid na iyon.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now