CHAPTER 4

4.2K 179 3
                                    


Yara's POV

Sa isang boardroom meeting kami dumiretso ni Tyzell. Pagkarating namin sa loob ng conference room ay kami nalang ang kulang.

“Good morning, lord Nithercott.” Sabay-sabay na nagtayuan ang mga taong naroroon at binati siya.

Isang malamig na tingin lang ang ibinato sa kanila ni Tyzell. Marahan niya akong kinaladkad patungo sa isang bakanteng upuan at doon pina-upo. Siya naman ay umupo sa upuan nasa mismong gitna ng mesa nakapwesto.

“Ms. Legazpi, you can start your report.” Saad nito.

Agad namang tumayo ang isang babae na naka-upo sa may dulo ng lamesa. Hawak niya ang kanyang laptop at inilapag iyon sa maliit na mesa kung saan nakalagay ang projector na nakaharap sa white board.

Ilang sandali pa'y nagsimula na ang babae sa kanyang report. Sa buong meeting ay pinag-usapan lang nila ang mga nangyari sa company.

“How about the hotel and mall we'll planning to build in parañaque, lord Nithercott?” Napatingin ako kay Chairman Garcia sa tanong niya kay Tyzell.

“Our  budgets are ready for that, Chairman Garcia.” Sagot ni Tyzell habang nilalaro ang kanyang ballpen sa daliri. “Is there anything else we need to talk about?” Umiling ang karamihan. “Dismiss.”

Umingay ang conference room nang sabihin iyon ni Tyzell. Tumayo na din kami pareho at sabay na lumabas sa conference.

Tumungo kami sa office niya at may ibinigay siya sa akin na brown envelope na may lamang mga documents.

“Ipaprint mo. Kailangan ko ang mga papers na iyan mamayang 11:30 AM.” Saad niya.

Tumango ako. “Saan pala ang office ko?” Tanong ko sa kanya, yakap ko na ngayon ang envelope.

“There,” Tinuro niya ang mesa na nasa tabi lang nang kanyang table. “At ayon ang printer mo.” Napatingin ako sa printer na nasa may tabi lang ng swivel chair. “Iisa lang ang office natin pero magkaiba tayo ng table. Sinadya ko iyan para pagkailangan kita, malapit ka lang sa akin.” Paliwanag niya kahit hindi ko naman hinihingi ang paliwanag niya.

“Ah, ganon ba.” Tumango ako at naglakad patungo sa aking table.

Umupo ako sa aking swivel chair at inilapag sa ibabaw ng aking mesa ang envelope.

Inunat ko muna ang aking dalawang braso bago hinarap si Tyzell. “Alas nuwebe na. Baka gusto mong nagmeryenda o uminom ng kape o kaya'y juice.”

Tumigil siya sa pagbabasa sa mga papeles. “Coffee.” Maiikli niyang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

Lumabas ako sa kanyang office para timplahan siya ng kape. Hindi ko natanong sa kanya kung panong timpla ng kape ang gusto niya, pero naisipan ko nalang na lagyan ng gatas ang kape niya dahil ganoong kape ang nakita kong ininom niya kaninang umaga.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay may lalaking biglang sumulpot sa harap ko. Napatingin ako sa lalaki at nakita ko ang lalaki na nakangiti sa akin.

“Are you lord Nithercott new secretary, right?” Nakangiti nitong tanong sa akin.

Dahan-dahan lang akong tumango habang hinahalo ang kape ni Tyzell gamit ang kutsarita.

“Pinaalis niya ang kanyang sekretarya kahapon dahil sa malabong rason. Pakiramdam ko ay sinadya niya.” Pakiramadam ko ay sinusubukan niyang magbukas ng tupiko para sa amin.

“Saan pala ang office mo?” Tanong nito.

“Bakit?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Wala lang. Naisipan lang kitang ayain mamaya na mag lunch.” Sagot nito.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ