CHAPTER 23

1.8K 96 2
                                    


*-*

Yara's POV

Tatlong beses akong kumatok sa pintuan niya bago iyon bumukas. Bumungad siya sa harapan ko na nakasuot ng damit pantulog.

“Queen, anong kailangan mo sa akin at bakit mo ako pinuntahan dito sa kwarto ko?” Tanong niya sa akin. Namilog pa ang kanyang mga mata na animo'y gulat na gulat siyang makita ako dito sa harapan ng kwarto niya. Ito din kasi ang unang beses na tumungo ako sa kwarto niya.

“Nahulog mo kanina doon sa hagdan.” Ngumiti ako sabay abot ko sa kanya nung letrato ng anak niya na napulot ko kanina.

Napaawang ang labi niya at unti unting bumaba ang kanyang paningin sa inaabot kong letrato. Marahan niya iyung tinanggap at tiningnan ang batang lalaki na nasa letrato.

“Siya ang anak mo, tama?” Tanong ko sa kanya, hindi parin nabubura ang matamis kong ngiti sa aking labi.

Tumango siya. “Oo,” Ibinulsa niya yung letrato. “Salamat at ibinalik mo siya sa akin.” Tipid siyang ngumiti.

“Hindi lang iyang letrato ng anak mo ang kaya kong ibalik sayo, pati rin ang buhay na katawan ng anak mo.” Wika ko.

Agarang napalitan ng pagtataka ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. “A-anong ibig mong sabihin, queen?” Medyo nauutal pa ito.

“Bukas, may pupuntahan tayo.” Usal ko. “Pero kung gusto mo talagang makita ang anak mo. Huwag na huwag mong ipa alam kay Tyzell ang lakad natin bukas.”

Napatulala siya sa akin, pansin ko pa ang paglunok niya. Ilang sandali din siyang natahimik bago nakaimik.

“P-pero h-hindi pw-pwede ang gu-gusto mo, queen.” Nauutal niyang sabi.

“Magiging pwede kung walang magsusumbong.” Pabulong kong wika. “Ano? Gusto mo bang makapiling ulit ang nag-iisa mong anak? Alam na alam ko pa naman sana kung nasaan siya ngayon.”

Muli siyang napalunok. Mukhang hindi niya pa alam ang isasagot niya sa akin, hindi ko din naman siya gustong pwersahin na mag disesyon kaagad.

“Bukas, katukin mo nalang ako sa kwarto kung gusto mo talagang mabalik sayo ang anak mo.” Litanya ko bago ko siya tinalikuran at naglakad na ako pabalik sa kwarto ko para matulog na.

Kinabukasan ay nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ng aking kwarto. Agad akong bumangon sa aking pagkakahiga at lumakad patungo sa pintuan para pagbuksan yung kumakatok.

Inilock ko kasi galing sa loob ang pintuan kaya kailangan na ako pa mismo ang magbukas ng pinto.

“Agatha.” Bigkas ko sa kanyang pangalan at kaagad na sumilay ang napakatamis na ngiti sa aking labi. “Nakapagdesisyon ka na?”

Mabilis siyang tumango. “Oo, gusto kong mapabalik sa akin ang anak ko.”

“Mabuti naman kung ganon.” Sumilip ako sa hallway para tingnan kung meron bang tauhan ni Tyzell na nakamasid sa amin.

Nang makita kong wala ay muli akong bumaling kay Agatha. “Hintayin mo ako sa hapagkainan. Kumain muna tayo bago natin puntahan ang bahay  nila.” Usal ko, mabilis naman siyang tumango at tumalikod sa akin para tumungo na sa dinning area.

Muli kong isinarado ang pintuan ng aking kwarto. Tumungo ako sa banyo upang maligo.  Matapos maligo ay agad akong nagbihis at inayos din ang aking mukha, naglagay ako ng kunting make-up at itinali ko ang aking mahabang buhok.

Lumabas ako sa aking kwarto at natigilan pa ako nang makasalubong ko sa hallway ang aking private nurse.

“Ma'am, saan ka po pupunta?” Tanong ni nurse Hope sa akin.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now