PROLOGUE

7.4K 236 21
                                    


Yara's POV

“T*ng*na mo, Cedrick! Lumayo ka nga sa akin, ang baho-baho ng kili-kili mo. Mag tawas ka nga.”

“Anong mabaho ang kili-kili ko, Judy? Oh, ito, amoyin mo. Nagtawas kaya ako. Ang arte-arte mo, ang pang*t-pang*t mo naman.”

“Bakit, ikaw? Gwapo ka ba? Pang*t ka din naman, ah. Para kang...”

“Parang si Jungkook?”

“Y*ck! Para kang ug*k!”

Napailing nalang ako habang nakikinig kina Cedrick at Judy Mae na ngayo'y nagtatalo na naman. Lagi naman silang ganyan, parang aso at pusa.

“Ang tahimik mo naman ata ngayon, Yar. Ano iyang iniisip mo? Misyon na naman?” Napatingin ako kay Maui na umupo sa couch na nasa harap ko. Hawak niya ngayon ang libro niya. Nagbabasa na naman siya.

Umayos ako sa aking pagkakaupo. “Wala akong misyon. Hindi pa ako binigyan ni Abby.” Saad ko. “Ikaw? Wala kang misyon?” Tanong ko pabalik sa kanya.

Agad siyang umiling habang ang mga mata ay nakatitig sa libro. “Wala ring ibinigay si Abby. Mabuti pa si Judy at Cedrick kakatapos lang ng masyon nila. Mission accomplished pa nga ang dalawa.” Wika niya.

Hindi na ako umimik. Tumayo ako at tumungo sa kusina para magluto ng pagkain.

Habang sinisindihan ko ang kalan ay bigla nalang sumulpot si Judy at Cedrick dito sa loob ng kusina.

“Anong lulutuin mong ulam, Yar?” Tanong ni Judy.

“Tortang talong.” Sagot ko na hindi man lang sila nilingon.

“Gusto ko itlog lang sa akin.” Bulalas ni Cedrick.

“Iyang itlog mo ang kainin mo. May dalawa ka namang itlog diyan sa gitna mo e.” Bara ni Judy dito.

“Tumahimik ka nga, Judy. Alam mo namang para sa 'yo 'tong dalawa kong itlog.” Pang-iinis ni Cedrick.

“B*set ka talaga! Ayaw mo talaga akong tigilan, hay*p ka!” Rinig ko ang paghulbot ni Judy ng kutsilyo sa lalagay at hinabol si Cedrick.

Dahil wala na ang dalawa dito sa loob ng kusina ay tumahimik ang paligid ko. Ganito din ang gusto ko katahimikan habang nagluluto.

Tortang talong at pritong itlog ang niluto ko, nag-saing din ako ng kanin. Matapos kong makaluto ay agad kong inayos ang lamesa at tinawag ang tatlo kong kasama dito sa bahay.

“Ang sarap naman nitong pritong itlog mo, Yar. Hindi sunog. Hindi katulad ng iba diyan na pritong itlog na nga lang ay hindi pa kayang lutuin ng maayos, nagiging uling ba naman.” Sumulyap si Cedrick kay Judy.

“Tumigil ka nga!” Umirap ang babae.

“Saan ka nakakuha ng talong?” Tanong ni Maui at katulad ng nakasanayan ay wala sa akin ang paningin niya kundi nasa libro na kanyang binabasa. Nagbabasa siya habang kumakain.

“Diyan sa kapitbahay.” Maikli kong sagot.

“Nakaw 'to?” Ani ni Cedrick.

Umiling ako. “Binili ko.” Tumango ito at hindi na umimik.

Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta si Judy na siya ang manghugas ng mga pinagkainan namin. Agad naman nagprisinta si Cedrick sa kanya na tulungan siya nito. Kaya ayon naiwan silang dalawa sa lababo habang nag-aaway at nag bubulyawan.

*Ding-dong! Ding-dong!*

Napatingin ako sa pintuan ng bahay nung may nag doorbell doon. Agad akong naglakad palapit sa pintuan at pinabuksan ang nag doorbell.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now