CHAPTER 10

3.6K 118 6
                                    

Yara's POV

“Hello, sino ito?”

“Good afternoon, Mrs. Laserna. Ako po ito si Yara Nithercott.” Sagot ko sa babaeng sumagot sa tawag ko.

“Oww, Yara! It's you. Good afternoon, din. Anong sadya mo at bakit ka napatawag?” Muli nitong tanong.

“Tatanungin lang sana kita kung saan tayo magkikita mamaya. Hindi mo kasi nalagay ang meeting place natin dito sa appointment na isinet mo para sa ating dalawa.” Lumingon ako kay Tyzell na ngayo'y nakakunot ang noo habang naka lingon sa akin. Nasa biyahe parin kaming dalawa pabalik sa manila.

“Ayy, oo nga pala. Tama! Hindi ko pala iyon nalagyan ng meeting place. Mabuti nalang at tinawagan mo ang number ko na inilagay ko.” Parang nahihiya ang boses nito. “Sa Laserna Resto nalang tayo magkita mamayang 6:30 PM.”

Medyo napaawang ang labi ko sa sinabi nitong oras. Napag-usapan din namin ni Tyzell na magdadate kami mamayang gabi.

Pa ano ko sasabihin dito sa asawa ko na hindi kami pwedeng magdate mamaya, kasi may appointment ako kay Mrs. Laserna.

“Okay lang iyon sa iyo, Yar? 6:30 PM kasi ang out ko dito sa opisina ko.” Muli itong nagsalita sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako. Siguro maiintindihan din ni Tyzell kung imomove ko muna ang date namin. Baka may importanteng sasabihin sa akin si Mrs. Laserna kaya niya gustong makipagkita sa akin mamaya.

“Sige, Mrs. Laserna. Siguro mga 6:25 PM ay nasa Laserna Resto na ako. May pupuntahan pa kasi kaming meeting ngayon ng asawa ko.”

“Ow, kasama mo pala ang asawa mo ngayon?” Tanong nito.

Muli akong lumingon kay Tyzell at ngumiti ako. “Oo, pabalik na kami ngayon sa manila dahil may meeting pa siya with Mrs. Torres. Late na nga kami, e.” Mahina akong tumawa.

Rinig ko naman na tumawa si Mrs. Laserna sa kabilang linya. “Ganon ba. Basta mamaya magkita tayo sa Laserna Resto. Baka ma late ako mamaya, hintayin mo lang ako, Yar.”

“Sige. Ibaba ko na ang tawag.” Paalam ko dito.

“Bye, Yar.”

“Bye!” Pinutol ko ang tawag at ibinalik sa aking hand bag ang cellphone.

“Oum... Love.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kinakabahan ako sa posibleng maging reaction ni Tyzell pagsinabi ko sa kanya na tatanggihan ko muna ang inayang date niya sa akin.

“What is it, wife?” Tanong niya, medyo nagsalubong din ang dalawa niyang kilay.

“Si Mrs. Laserna kasi. Iyung asawa ni engineer Theo Laserna. Nagpaset ng appointment sa akin mamayang 6:30 PM, magkikita daw kami sa Laserna Resto.”

“Are you trying to tell me that you want to cancel our date?” Tumango ako. “It's okay, wife. Sasamahan nalang kita sa meeting mo with Mrs. Laserna.”

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. “Hindi ka magagalit sa akin?”

“Why should I be angry with you?” Nilingon niya ako.

“Kasi kailangan pang hindi matuloy ang date natin dahil sa appointment namin ni Mrs. Laserna mamaya.” Wika ko.

“Nahh... It's okay. I understand that, wife. Besides, baka may importanteng bagay na gustong sabihin sa iyo si Mrs. Laserna.”

“Iyon nga din ang nasa isip ko.” Usal ko.

Dumiretso kami sa restaurant kong saan naghihintay ngayon sa amin si Mrs. Torres. Pagpasok namin sa restaurant, kaagad kaming sinalubong ng secretary ni Torres at iginiya patungo sa table ng amo niya.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon