CHAPTER 2

5.2K 207 5
                                    


Yara's POV

Isang 5 star hotel ang pinuntahan namin ni Tyzell. Pagpasok pa lang namin nito sa mismong entrance ng hotel ay agad na kaming sinalubong ng receptionist na may malawak na ngiti sa labi.

“Good morning Mr. Nithercott.” Sabi ng receptionist.

“Is the priest is already in my office?” Tanong ni Tyzell sa malamig na boses.

Nakangiti paring tumango ang receptionist. “Yes, sir. He has been waiting there for a while.”

Hindi na sumagot si Tyzell, marahan nalang ulit akong kinaladkad patungo sa kulay gintong elevator at doon kami sumakay.

Sa floor 25 ang pinindot niya at ilang minuto ay nandoon na kami sa palapag na yun. Dumiretso kami sa isang pintuan na kulay ginto na may nakasulat sa pintuan na “THE OFFICE OF THE OWNER”

Pumasok kami doon at medyo natigilan ako sa hitsura ng loob nito. May mga pulang rosas kasi na nagkalat sa loob, naka design yun sa buong loob ng office.

Pansin ko din na may pari na nakatayo sa harapan ng mesa na may nakalatag din na mga rosas. Tumungo kami ni Tyzell sa harap ng pari at umupo sa dalawang upuan na naka pwesto sa harapan ng mesa.

Ako, si Tyzell, at ang pari lang ang tao dito sa loob ng office, wala ng iba.

Ganito ata kami ikakasal. Tanging ang pari lang ang may alam na ikakasal kami ngayon ni Tyzell. Pakiramdam ko'y patago ang kasal namin. Sa mismong office niya pa talaga ginanap.

“As I discussed to you, father Montefalco. Just declare in the front of us that we are now husband and wife. Let's finish this immediately. I have a meeting to go to.” Nagsalita si Tyzell.

Medyo nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Gusto niyang inanunsyo na agad ng pari na mag-asawa na kami. Wala ng ceremony?

“Wala ng vows?” Nilingon ko siya.

Malamig niya akong tiningnan. “We don't need vows for this wedding. All we need is to end this ceremony immediately.” Muli siyang bumaling sa pari. “So father Montefalco, announce it.”

Tumango ang pari at ibinuka ang bibig. “In the name of the Holy Spirit, I now solemnly declare you husband and wife. Let no one put asunder those that have been joined together today in the presence of almighty God. Mr. Nithercott you may now kiss the bride.” Ngumiti ang pari sa amin.

Lumingon si Tyzell sa akin, pansin ko ang pagtitig niya sa mga labi ko. Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

“Can I?” Tanong niya.

“Okay lang—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang hinawakan ang baba ko para tumingala ang mukha ko, mabilis ang galaw niyang yumuko sa akin at tuluyan pinagdikit ang mga labi namin.

Medyo na bigla pa ako noong maramdaman kong gumalaw ang labi niya sa labi ko. Marahan niya akong hinalikan, pilit nalang akong pumikit para damhin iyon.

Ilang sigundo ay pinaghiwalay niya na ang labi namin. Pareho kaming naghahabol ng hininga.

“You can leave us, father Montefalco.” Saad niya sa pari ngunit hindi siya doon nakatingin kundi sa akin. Sa labi ko.

“Congratulations Mr and Mr. Nithercott. May the Lord guide the two of you.” Matapos iyung sabihin ng pari ay lumabas na siya sa office ni Tyzell.

Kami nalang dalawa ni Tyzell ang naiwan dito sa loob ng kanyang office. Nakakabinging katahimikan ang lumalamon sa aming dalawa ngayon.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now