CHAPTER 27

1.9K 77 1
                                    


*-*

Yara's POV

“Ilabas mo ang anak ko, Mrs. Nithercott.” Galit na galit ang mga mata ni engineer Theo na nakatingin sa akin. Grabe din ang kanyang nagpupumiglas galing sa pagkakahawak sa kanya ni Lindongan at nung isa pang tauhan ni Tyzell.

“Tama nga ang hinala ko na may balak kayong kidnapin ang anak ko!” Muli siyang nagsalita.

“Huwag mo munang tawagin na 'anak' mo si Augustho hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test.” Si Agatha ang nagsalitan.

“DNA test? Pina Test niyo ang anak ko na walang pagpayag ko? Ang lalakas naman ng loob niyo.” Bumaling sa akin ang matatalim niyang mga tingin. “Pakana mo ba ito?” Tanong niya.

“Oo.” Walang katakot-takot kong sagot. “Gusto lang namin na malaman ang totoo, wala naman sigurong masama doon?”

“Meron, lalo na at nagawa niyo pang kidnapin ang anak ko at ipa DNA test na wala ang aking pahintulot.”

“Bakit? Noong mga panahon na kinuha niyo sa akin ang anak ko, meron ba akong pahintulot doon? Hindi ba yun masama?” Si Agatha ulit ang nagsalita.

“Hindi mo nga anak si Augustho! Anak namin yun ni Abigail, hindi sayo!” Lumaki ang boses ng lalaki. Galit na galit na talaga siya, grabe na din yung nagpupumiglas niya para makawala sa mga nakahawak sa kanya.

“Mamaya mo na iyan sabihin kung hawak na namin ang DNA result.” Usal ni Agatha, galit na din ito at halatang hindi magpapatalo.

“Dalhin niyo na iyan sa loob, idiretso niyo sa basement.” Utos ko kay Lindongan.

Agad naman siyang tumango at sumenyas sa kanyang mga kasama na umalis na sila sa aming harapan para dalhin si Theo sa basement nitong mansion.

“Mrs. Nithercott!” Biglang tawag sa akin ni engineer Theo sa kalagitnaan ng pag kaladkad sa kanya.

Agad ko naman siyang hinarap at taas noo na tumingin sa kanyang mga galit na mga mata.

“Kayo din ba ang kumuha sa asawa ko?” Tanong niya.

Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa aking labi. “Siguro,” Usal ko.

“Kayo nga!” Bulyaw ng lalaki.

“Mukhang ganon nga. Huwag kang mag-alala, magsasama din kayo ng asawa mo.” Wika ko at muli kong sinenyasan si Lindongan na dalhin na ang lalaki.

Nang mawala na sa paningin ko si engineer Theo Laserna ay hinarap ko si Agatha na punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.

“Huwag muna nating ipaalam kay Tyzell ang nangyayari dito sa mansion.” Wika ko. “Kakausapin ko si Landingon, kailangan na itago muna natin kay Tyzell itong mga nangyayari para hindi siya masyadong mag-alala sa amin nitong anak namin.” Dagdag ko pa at lumakad na ako palapit kay nurse Hope na ngayo'y tulala lang habang nakatingin sa mga nangyayari.

“Saan ka pupunta, queen?” Pahabol na tanong ni Agatha.

“Sa kwarto, matutulog ulit ako.” Sagot ko.

Hindi ko na siya narinig pang umimik kaya tuluyan na akong lumapit sa nurse na nakatulala parin. Hinawakan ko siya sa kanyang braso, pero mukhang hindi niya iyon naramdaman.

Tiningnan ko kung saan nakatitig ang mga mata ng nurse. Sa mga b*ngkay pala iyon ng mga kalaban na nap*slang nila Lindongan.

“Nurse Hope, bumalik na tayo sa loob.” Muli akong bumaling sa nurse at marahan kong niyugyog ang kanyang braso.

Kita ko kung paano siya napakurap-kurap at takot na takot itong napatingin sa akin, pansin ko pa ang panginginig ng kanyang mga labi.

“Tu-tumawag po ta-tayo ng mga pu-pulis.” Nanginginig at nauutal niyang wika.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن