CHAPTER 25

2.4K 84 0
                                    


Yara's POV

Kakagising ko lang galing sa aking mahimbing na pagtulog ngayong tanghali. Nagising ako dahil tumunog ang aking alarm clock, signal na oras na para kumain ako ng pananghalian.

“Pasok!” Inaantok pa ang boses ko nang sumigaw ako para papasukin yung kumakatok sa pintuan.

Kaagad na bumukas ang pintuan. Marahang pumasok si nurse Hope doon na may tulak-tulak na cart na may lamang pagkain.

“Mag lunch ka na po, ma'am.” Aniya at inayos sa lamesa yung pagkain. “Tumawag pala sa akin si Dr. Isha, mamayang 1:30 PM daw po siya pupunta dito. Dala niya din daw po ang mga bago mong vitamins.”

“Ganon ba,” Bulalas ko at bumangon na sa aking kama. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa kung saan nakalatag ngayon ang akin mga pagkain. “Nurse Hope, hihingi sana ulit ako sayo ng favor.” Tumingala ako sa nurse na nakatayo ngayon sa harapan ng aking mesa.

“P-po?” Patanong niyang usal, napalunok din siya.

“May isang lugar kasi akong gustong puntahan.” Usal ko. “At gusto kong magpasama sayo doon.” Pinagdikit ko ang aking mga labi.

Napaawang ang labi ni nurse Hope. Panandalian din siyang hindi nakaimik.

“Nurse Hope?” Patanong kong tinawag ang pangalan niya.

Muli siyang napalunok. “Baka magalit po sa akin si lord Nithercott pag sinamahan po kita doon sa lugar na iyon. Mahigpit niya pa naman pong ipinagbawal sa amin na palabasin ka sa bakod ng mansion. Kung kanina po ay pumayag po ako na hiramin niyo ni Miss Agatha ang uniform ko para gamitin sa pagtakas mo po, ngayon po ay hindi na ako papayag. Mahal na mahal ko po kasi ang trabaho ko, ma'am. Itong sahod ko po dito ay gagamitin ko pa para sa pag-aaral ng  mga kapatid ko. Kung tatanggapin ko po iyang favor na hinihingi mo po ngayon sa akin, siguradong magagalit si lord Nithercott sa akin at sigurado po akong mawawalan po ako ng trabaho. Pasensya po talaga, ngunit hindi ko po tatanggapin iyang favor na gusto mo po.” Mahaba niyang litanya.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango-tango. “Naiitindihan ko, nurse Hope.” Tipid akong ngumiti. “Pwede ka ng lumabas.” Dagdag ko pa.

Naiilang naman itong lumabas sa aking kwarto. Nang tuluyan na siyang makalabas sa akin kwarto ay nagsimula na akong kumain habang iniisip kung paano ako makakapunta sa island 909.

Gustong-gusto ko lang talaga kasing mabisita yung tatlong Suarez na nandoon sa islang iyon.

Nang matapos akong kumain ay muli akong humiga sa aking kama. 12:25 PM na at mamayang 1:30 PM pa pupunta dito sa Dr. Isha. Mas mabuti kung madadatnan niya ako dito sa loob ng kwarto habang nakahilata sa napakalaking kama. Nagbasa nalang muna ako ng libro habang hinihintay yung doktora.

Nang sumapit ang ala una treinta ay dumating nga si Dr. Isha. Magkasama sila ni nurse Hope na pumasok sa aking kwarto.

Agad na tinignan ng doctor ang kundisyon ng aking pulso. Nang makita niyang okay naman ang pulso ko ay nag-usap nalang kami.

Habang nag-uusap kami ni Dr. Isha, panay ang aking pag sulyap kay nurse Hope na nakayuko lang sa tabi ng doctor.

Mukhang naiilang parin siya sa nangyari kanina. Pero, wala namang masama sa mga sinagot niya sa akin kanina. Tama naman ang lahat ng iyon. Naiitindihan ko ang panig  niya at totoong mahal niya talaga ang trabaho niya.

Halos umabot ng isang oras ang aming pag-uusap ni Dr. Isha. Nagustuhan ko kasi ang topiko na binuksan niya para sa aming dalawa.

Tungkol iyon kung paano maging mabuting ina sa isang sanggol. Kailangan daw talaga na ibr*ast feed ang bata para maging tama ang pag tangkad nito.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now