CHAPTER 37

2.4K 85 4
                                    


*-*

Yara's POV

“Paano ka nabuhay? Eh, nakita ko yung ulo mo sa lungga ni Rodrigo Suarez.”

Subrang gulo ng isip ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung paano nabuhay si Abby.

Eh, magdadalawang taon na siyang pat*y. Iyon ang akala ko.

Mahinang tumawa si Abby. “Plastic lang yung ulo na nakita mo doon sa lungga ni Rodrigo. Alam ko iyon dahil ako mismo ang inutusan nitong si Nithercott na maglagay nung pekeng ulo ko doon sa lungga ni Rodrigo.”

“Siguro, naniwala talaga si Yara na ulo mo iyung nasa lungga ni Rodrigo dahil kamukha mo talaga yung goma, tapos pinaliguan mo rin yun ng lumang d*go ng tao, kaya kahit na sinong makakakita nung ulo na iyon ay mag-aakalang totoo yun. Hindi nila maiisip na goma lang pala yun at peke.” Sabat naman ni Cedrick..

Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa aking asawa at sa tatlong asung*t na bigla nalang sumulpot.

“Ibig sabihin ay matagal niyo nang kilala si Tyzell?” Tanong ko sa tatlo.

Halos sabay silang tumango dahilan upang ako'y napamaang.

“Classmate namin siya noong kinder garter palang kami.” Si Judy Mae ang nagsalita.

Eh, talagang matagal na nga nilang kilala ang asawa ko. Simula pa lang noong kinder pa lamang sila.

“Eh, yung pagbinta niyo ni Toby sa akin? Ano rin yun?” Muli akong nagtanong.

Maraming tanong ang biglang sumulpot sa aking isipan at lahat ng tanong na iyon ay nais kong masagutan nila kaagad.

“Totoo 'yon.” Bumaling ako kay Abby nang magsalita siya. “Totoong ibinenta ka namin kay Nithercott noong araw na iyon. Gusto niya raw kasi ng bagong asawa at yung eksaktong hinahanap niya ay yung babaeng hindi pa nagagalaw. Wala naman kaming ibang kilala ni Toby na birhen sa team kundi ikaw lang, kaya ikaw yung napagpasyahan naming ibenta kay Nithercott. At ngayon,  mukhang subrang kontento na si Nithercott sa 'yo. Hindi rin nasayang ang pagbenta namin sa 'yo.” Medyo mahaba niyang paliwanag.

“Si Toby? Totoong pat*y na ba siya?” Naalala ko kasi noong gabing ibenenta nila ako sa aking asawa ay nakita ko si Toby na d*guan at walang buhay na hinihila ng isang tauhan ni Tyzell.

Nagkatinginan muna silang tatlong bago sinagot ni Abby ang tanong ko.

“Hindi, buhay pa si Toby at nandito rin siya sa Tokyo kasama ang asawa niya.” Sagot niya.

“Gusto ko siyang makita at makausap. Dalhin niyo ako sa tahanan niya.”

Tumingin sila kay Tyzell at mukhang hinihingi pa nila ang permiso nito.

“Love, please.” Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. “Alright, we'll go to their house tomorrow.” Aniya.

“Pero, gusto ko ngayon na.” Usal ko.

“I have something important to attend today, wife. Me, A, C, and J are going to our agency here in Japan. We need to report that Lucia Suarez is d*ad and  my mission is finally accomplished.” Saad niya.

Napatango-tango nalang ako. “Sige, naiintidihan ko.”

“Yung tungkol pala doon sa dalawa niya pang kapatid. Si Martin at Abigail Suarez.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Taylor called me earlier. He told me that they were holding Abigail and Theo again. Naibalik na rin ulit sa kanila ang anak nilang si Augustho.”

“Mabuti naman kung gano'n.” Usal ko. “Ano ang gagawin natin sa kanila?”

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now