CHAPTER 9

4.1K 134 1
                                    

Yara's POV

“Who's that?” Salubong na tanong ni Tyzell sa akin nang makapasok na ako sa kotse.

“Asawa ni engineer Laserna.” Sagot ko habang inaayos ang pagkakaupo ko.

Hindi na siya umimik. Naramdaman ko lang ang paghawak niya sa hita ko at marahan iyung pinisil-pisil. Hindi ko siya pinansin sa ginagawa niya. Isinandal ko lang ang ulo ko sa bintana ng kotse.

“Gutom ka na?” Tanong niya.

“Oum, medyo.” Napatingin ako sa kotse ni engineer Rodriguez na kaka-parking lang sa 'di kalayuan ng kinaroroonan ng sasakyan namin. “Nakabalik na si engineer Rodriguez.” Saad ko.

Huminto ang pagpisil niya sa aking hita. “Dito nalang tayo sa kotse kumain.” Aniya, may pinindot din siya dahilan upang bumaba ang salamin ng bintana na nasa kanyang tabi.

“Engineer!” Tawag ni Tyzell kay Rodriguez nang makababa na ito sa kanyang kotse bitbit ang tatlong paper bag ng pagkain.

Agad namang napalingon sa aming kotse ang lalaki. Nakangiti itong kumaway kay Tyzell at humakbang palapit sa kinaroroonan namin.

Nang makalapit siya sa bintana ng driver seat ay agad niyang inabot kay Tyzell ang dalawang papers bag, agad naman iyung tinanggap ng aking asawa.

“Keep the change, engineer.” Saad ni Tyzell dito nang iabot ni engineer Rodriguez ang sukli.

Napakagat labi ang engineer para pigilan ang kanyang tawa. Muli niyang ipinasok sa kanyang wallet ang benteng sukli.

Nagpaalam ng umalis si engineer. Muling isinarado ni Tyzell ang salamin ng kanyang binatan, tapos inabot niya sa akin ang isang papers bag.

Tinanggap ko ang papers bag at sinilip ang laman non. Isang baunan ng kanin, manok. Mukhang iyong hawak niyang paper bag ay may lamang dessert at salad.

“Wala tayong kutsara o tinidor man lang. Nakalimutan kong manghiram doon sa loob.” Bulong ko habang nakanguso.

“Magkamay tayo.” Aniya.

“Marunong kang magkamay?” Tanong ko.

“Yeah.” Inabot niya ang malaking mineral bottle na nasa drink carrier. “Hugasan muna natin ang ating mga kamay.” Muli niyang binuksan ang salamin ng kanyang bintana at doon inilabas ang kanyang kamay para hugasan iyon gamit ang mineral water.

Matapos niyang hugasan ang mga kamay niya ay inabot niya naman sa akin ang mineral bottle. Inilapag ko muna sa aking tabi ang paper bag, bago tinanggap ang bottle.

Binuksan ko din ang salamin ng aking pintuan. Doon ko pinalabas ang aking dalawang kamay at hinugasan din iyon gamit ang tubig.

Nagsimula na kaming kumain. Naghati kami sa kanin. Kunti lang ang hiningi niya sa kanin, kasi iyung salad ang nilantakan niya.

Habang kumakain kami ay iniiwas ko ang paningin ko sa kanya. Tuwing napapatingin kasi ako sa kanya ay sinusubo niya ang dalawang daliri na siyang ginamit niya sa akin kanina. Ngumisi pa siya, mukhang iniinis niya talaga ako.

“You're still the best in my taste than this salad.” Maloko siyang ngumiti. Inirapan ko lang siya at binilisan ang aking pagsubo ng pagkain.

“Ang bilis mo palang sumubo.” Bulong niya na naman. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

Matalim ang mga mata ko na nilingon  siya. “Tumahimik ka nga. Kumakain tayo tapos ang b*stos mo.”

“So you mean, when I ate you earlier, b*stos din iyon?” Tinaasan niya ako ng kilay.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now