CHAPTER 30

2K 84 9
                                    


*-*

Narrator's POV

Sa isang private jet na pagmamay-ari ni Tyzell sumakay sila Yara, Agatha, nurse Hope, at Dr. Isha papuntang Japan.

Pinalilipad ni Captain Hartmann ang Jet. Si Robert Hartmann ay isang kilalang piloto na bihasa sa pag papalipad ng iba't ibang sasakyang pang himpapawid.

Tauhan ni Tyzell Nithercott si Hartmann, sa madaling salita ay kasali din ang sikat na piloto sa underground society o sa organization ni lord Nithercott.

Kasama ni Hartmann sa eroplano ang kanyang asawa na si Amelia Hartmann. Si Amelia ang nagsisilbing stewardess ng eroplano, pinaglilingkuran niya ang kanilang mga pasahero.

“Coffee or Juice, ma'am.” Nakangiting alok ni Amelia kay Yara na kanina pa nakatitig sa screen ng cellphone nito na naka off. “Excuse me, ma'am. Coffee or Juice?” Muling alok ng stewardess kay Yara, dahil hindi ito sumagot. Hindi parin nabubura ang ngiti sa mapulang labi ni Amelia.

Ngunit si Yara ay nanatiling tahimik at hindi sinasagot si Amelia. Wala kasi sa sarili si Yara, nasa isang malalim na pag-iisip siya tungkol sa nangyari sa kanyang asawa.

“Coffee or Juice, ma'am?” Bumaling nalang si Amelia kay nurse Hope na nakaupo sa upuang nakapwesto sa harapan ng kinauupuan ni Yara.

“Coffee, please.” Ngumiti ang nurse sa stewardess.

“Here's you coffee, ma'am. Enjoy,” Inilapag ni Amelia ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa na nakapwesto sa harapan ni nurse Hope.

“Thank you.”

“You're welcome, ma'am.”

Muling itinulak ni Amelia ang cart na naglalaman ng inumin, humakbang siya palapit sa pwesto nila Agatha at Dr. Isha na ngayon ay pareho ring tahimik. Abala ang dalawa sa kanya-kanya nilang mga gamit.

“Coffee or Juice, ma'am?” Tanong ni Amelia kay Agatha na abala sa binabasa nitong magazine.

“Juice.” Maikling sagot ni Agatha, ni hindi man lang nitong sinulyapan ang stewardess na umaasikaso sa kanila.

“Here's your Juice, ma'am. Enjoy,” Inilapag ni Amelia ang baso ng Juice sa mesa.

Walang nakuhang sagot ang stewardess kay Agatha, pero ngumiti parin si Amelia at bumaling kay Dr. Isha na nakikinig ng music gamit ang airpods nito.

Ngunit nang napansin ni Dr. Isha na nasa kanyang harapan na si Amelia ay agad niyang hinubad ang isa niyang airpod para pakinggan ang sinasabi ng stewardess.

“Kape lang ang akin.” Saad ng doktora sa stewardess.

“Here's your coffee, ma'am. Enjoy,” Lumawak ang ngiti ni Amelia.

“Salamat.”

“You're welcome, ma'am.” Huling sabi ni Amelia bago niya muling itinulak ang cart at nilagpasan na ang apat na pasahero.

Matapos ang Apat na oras ay nakalapag na ang kanilang Jet sa Tokyo Japan.

“Tinawagan ko si Taylor, siya ang susundo sa atin dito sa airport para diretso na tayo sa hospital.” Sabi ni Yara kay Agatha.

“Pinadala mo siya dito sa Japan, tama?” Tanong ni Agath kay Yara.

Hindi sumagot si Yara, nilagpasan niya lang si Agatha at humakbang na siya palabas sa airport. Agad namang sumunod kay Yara yung tatlong babae.

Pagkalabas nila sa exit ng airport ay agad silang sinalubong ni Taylor na kakarating lang din. Si Yara ang nilapitan nito at tinulungan ito sa hinihila nitong maleta.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now