CHAPTER 16

2.7K 98 2
                                    


*-*

Yara's POV

“Do you have something want to eat, wife?” Tanong ng asawa ko sa akin.

Sa totoo lang ay kanina niya pa ako tinatanong kung may mga gusto ba akong kainin.

“Wala, gusto ko lang matulog.” Wika ko at umayos sa aking pagkakahiga.

“Are you sure? Just tell me if there's something you want to eat, I'll buy it for you right away.” Pangungulit niya.

Kumunot ang noo ko at umiling. “Wala nga!”

“Are you mad at me, wife?” Mahina akong napabuntong hininga dahil sa tanong niya.

Umiling ako. “Hindi naman, gusto ko lang matulog muna.” Diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata. “Ikaw, may trabaho ka pa. Marami ka pang aasikasuhin sa office mo, bakit hindi ka pa umaalis?”

“Gusto kitang samahan at bantayan ngayong araw.” Aniya.

Mas nagsalubong ang dalawa kung kilay. “Bakit naman?”

“To make sure that nothing will bad happend to you and to our baby.”

Napailing-iling nalang ako, hindi mapigilan na hindi mapangiti dahil sa sinabi niya.

“Nakabihis ka na.” Tukoy ko sa suot niyang business attire. “May mga appointments ka pang pupuntahan, yung construction site kailangan mo pang bisitahin, tapos may mga documents ka pang kailangan permahan doon sa company. Hindi ka pwedeng hindi pumasok ngayong araw, love. Magtrabaho ka para sa amin ng magiging anak natin.” Hinawakan ko ang kamay niya.

Bumuntong hininga siya. “B-but, wife...”

Agad ko siyang pinutol. “No buts, love. Pumasok ka sa opisina at mag trabaho. Isa pa, hindi pa naman malaki ang tiyan ko at kaya ko pa naman ang sarili ko.” Marahan kong hinaplos ang kamay niya. “ E update mo nalang ako sa bawat galaw mo doon sa opisina mo, tawagan mo ako, itext, o kaya'y mag video call tayo.” Nginitian ko siya.

“Fine, I'll follow you because you are my queen. Just make sure that you will take care of your self and if you want something to eat just call your bodyguard out there.” Ipinatong niya ang isa niya pang palad sa ibabaw ng kamay ko. “I love you, wife.” Yumuko siya sa tiyan ko at hinalikan iyon kahit na may sapin na damit. “I love my baby!” Bulong niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa aking labi dahil sa ginawa niyang iyon. Ang ganda lang tingnan na parang ang saya-saya niya magkakaanak na kami.

“Daddy ang mommy will see you soon.” Dagdag niya pa bago muling umayos sa pagkakaupo sa gilid ng aming kama. “Padadalhan kita ng almusal dito sa kwarto natin, ubusin mo.”

Tumango. “Oo, matutulog na ako kasi inaantok na ako.”

“If you feel dizzy and nauseous, just call me right away, wife.”

“Oo na... Mukhang hindi na matatapos iyang pagpapaalala mo sa akin, e. Inaantok na ako.”

“I see. Take care of your self.” Tumayo siya.

“Ikaw din, ingat ka sa pagmamaneho mo at sa mga lakad mo.” Ngumiti ako. “Umalis ka na, marami ka pang meetings na dadaluhan.”

Kita kong nagdadalawang isip pa siyang bitawan ang kamay ko, pero sa huli ay binitawan niya din iyon.

Nang makalabas na siya sa kwarto namin ay pumikit na ako para muling matulog. Pakiramdam ko ay palagi akong inaantok, mukhang tulog ata ang pinaglilihian ko dito sa anak namin.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto, mahihina lang yung mga katok ngunit sakto lang upang madinig ko.

“Sino yan?” Tanong ko at marahan na inalis ang nakabalot na kumot sa katawan ko.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now