CHAPTER 22

2.2K 94 0
                                    


Yara's POV

“Pumunta ka ngayon sa Japan, Taylor. Bantayan mo ang mga galaw ng asawa ko.”

Napabuka ang bibig ni Taylor dahil sa sinabi ko. “P-po? Hindi po pwede, queen. Malalagot ako kay lord Nithercott pag sinunod ko ang gusto mo.”

“Malalagot din ang buo mong pamilya sa akin kung ayaw mong gawin ang gusto ko.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Ano? Gagawin mo ang gusto ko? Madali lang naman yun, e. Babantayan mo lang ang asawa ko at sabihin sa akin ang lahat ng ginagawa niya doon sa Japan. Yung mga galaw niya at kung saan siya pumupunta.”

Napalunok si Taylor at natahimik. Parang natatakot siya na kumibo dahil sa sinabi ko sa kanya.

Kitang-kita ko din sa mga mata niya ang takot dahil pinagbab*ntaan ko siya  sa pamilya niya. Halatang mahal na mahal niya ang buo niyang pamilya.

“Mag desisyon ka, Taylor. Gusto kong marinig kaagad ang iyong sagot.” Ngumisi ako at marahang humakbang.

Akmang lalampasan ko na sana siya para bumalik na sa aking kwarto, pero agad din akong napatigil sa aking paghakbang nang magsalita siya dahilan upang sumilay ang napakatamis na ngiti sa aking labi.

“Anong oras po ako tutungo sa Japan?” Tanong niya.

Muli ko siyang hinarap. “Ngayon na.” Saad ko.

Napatango tango si Taylor. “Sige po, queen.”

Dahil napapayag ko si Taylor na tumungo ngayong araw mag isa sa Japan. Agad siyang umalis sa mansion at tumungo sa bahay namin nila Maui, nandoon kasi ang private plane na gagamitin niya patungo sa Japan.

Iyung private plane na iyon ay ang lagi naming ginagamit ng mga kaibigan ko tuwing may misyon kami sa ibang bansa o sa malalayong lugar dito sa Pinas.

Naisipan ko din na mas maigi kung iyon ang gagamitin ni Taylor dahil maliit pa ang chance na malaman ni Tyzell na inutusan ko si Taylor na manmanan ang mga galaw niya doon sa Japan.

“Tawagan mo ako kung nasa Japan ka na.” Huli kong sabi kay Taylor sa kabilang linya bago ko ibinaba ang tawag.

Tinawagan niya ako. Pina alam niya lang sa akin na maayos pa ang private plane na gagamitin niya.

“Oh, queen. Bakit nandito ka sa sala? Dapat nandoon ka sa kwarto mo para makapagpahinga ka.” Napatingin ako kay Agatha nang umupo siya sa sofa na naka pwesto sa aking harapan.

Nginitian ko siya at hinawi ang pahinga ng binabasa kong libro. “Nakakabagot na kasi doon sa kwarto.” Wika ko habang binabasa ang nakasulat sa libro.

“Umalis pala si Taylor.” Bulalas nito.

Tumaas ang isa kong kilay. “Bakit siya umalis? Saan siya pumunta?” Pagkukunwari ko na wala akong alam.

“Hindi ko alam.” Sagot niya. “Ikaw, baka alam mo kung saan siya pumunta.”

Marahan akong umiling. “Hindi ko din alam. Hindi naman siya nagpaalam sa akin.” Nakatuon parin ang mga mata ko sa pahina ng libro na aking binabasa.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. “Baka may bibilhin lang.” Aniya.

“Yung tatlong Suarez pala na pinapabantay ni Tyzell sayo. Kumusta na sila?” Muli akong nagtanong.

“Nandoon parin silang tatlo sa 909 Island. Hindi sila maka takas doon dahil masyadong mahigpit ang mga bantay nila doon. Si Lucia Suarez nalang ang kulang at makukumpleto na ang tatlong magkapatid.”

Tinupi ko ang pahinga ng libro at tiniklop. Diretso akong tumingin sa mga mata ni Agatha.

“Si Lucia Suarez ba ay hindi dito sa Pinas nakatira?” Tanong ko.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora