CHAPTER 34

1.9K 70 5
                                    


*-*

Narrtor's POV

“Namataan po namin si Abigail at Theo sa Baranggay Cansojong, Talisay City Cebu.” Turan ng lalaking Spy na pinadala nila Agatha sa Cebu upang hanapin ang mag-asawang nakatakas sa island 909.

Sa loob ng dalawang linggo na paghahanap ay ngayon pa sila nakatanggap ng tawag galing sa mga Spy, kaya ubod ang pagkasabik nila Agatha sa balita.

“Alam niyo na ba kung saan sila ngayon nananatili?” Tanong ni Agatha.

“Iyon pa po ang aalamin namin, Miss Agatha.” Saad ng Spy. “Huwag po kayong mag-alala. Dahil namataan na po namin sila kaya sigurado po kaming hindi na kami mahihirapan sa pagkuha sa address ng lungga nila.” Saad naman ng babaeng Spy.

“Mabuti naman kung ganon.” Pabulong na sabi ni Taylor na naka-upo sa tabi ni Agatha.

Nang matapos nang kausapin nina Agatha at Taylor ang dalawang Spy na pinadala nila sa Cebu City, kaagad silang bumaling kay Roan Suarez at Martin Suarez.

Dalawang linggo na nilang tinatanong nang paulit-ulit sina Roan at Martin kung saan ang tamang address ng resthouse ng mga Suarez sa Cebu City, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawang lalaki.

Kahit ilang ulit nila itong pahirapan ay hindi parin ito kumakanta, halatang tapat talaga ang mag-ama sa angkan ng mga Suarez.

Nagsalita ang kanilang bihag. “Ano? Sasaktan niyo ulit kami at pipilitin na sabihin sa inyo kung saan ang mga resthouse namin?” Tumawa si Roan. “Hinding-hindi kami kakanta ni daddy.” Dagdag nito.

Ngumiti lang si Agatha at Taylor. Tumayo ang babae at humakbang patungo sa isang malapad na lamesa.

Sa ibabaw ng lamesa na iyon at nakahilera ang iba't ibang uri ng gamit na pwedeng gamiting pang torture kay Roan at Martin.

Marahang dinampot ni Agatha ang isang syringe na naglalaman ng kulay blue na likido.

Ang likidong iyon ay nakaapekto sa buong katawan ng isang tao. Para itong anistisya na kayang pamahidin ang buong katawan ng isang tao sa isang turok lang.

Hawak ang syringe na naglalaman ng 000.9D Serum, naglakad si Agatha palapit sa mag-ama. Kita kung paano nag-alon ang adam's apple ni Roan at Martin dahil sa takot.

Kahit hindi man nila aminin ay kitang-kita sa mga mata nila na takot na takot na talaga sila kina Agatha at Taylor.

Sadyang ayaw lang nilang kumanta, dahil masyado silang tapat sa mga kadugo nila.

“Alam kong masyado na kayong nahihirapan sa hapdi at sakit ng mga pasa at sugat sa katawan niyo, Roan at Martin. Kaya gusto ko kayong tulungan, kumbaga aalisin na muna natin ang mga pakiramdam niyo at gawing manhid muna ang buo niyong katawan. Para, kahit sugatan namin kayo gamit ang pinaka matalas na blade ay hindi niyo mararamdaman.” Hinaplos ni Agatha ang kaliwang balikat ng dalawang lalaki at itinutok niya ang karayom ng syringe kay Roan at Martin.

Pigil ang hininga ni Roan at Martin habang dumadaloy sa kaugatan nila ang 000.9D serum. Alam nilang ilang sigundo lang ang lilipas at eepekto na kaagad ang gamot.

Nang maubos na ang serum na laman ng syringe ay kaagad na hinugot ni Agatha ang karayom sa mga balikat ng dalawang lalaki.

Tumitig si Agatha sa mga mata ni Roan at Martin, nilabanan naman ng mag-ama ang matalim na titig ng babae.

Ngumisi ang babae. “Isang linggo ang epekto ng serum na iyan, ibigsabihin ay isang buong linggo kayong hindi makakaramdam ng kahit anong sakit. Kahit pagkagutom, pag ihi, at pag tae ay hindi niyo mararamdaman.” Humakbang siya para talikuran ang  dalawang lalaki. “Kaya huwag kayong  magulat kung bigla nalang may lalabas na tae sa pwet niyo.” Dagdag pa ng babae.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now