CHAPTER 8

4.1K 129 2
                                    


Yara's POV (R18)

“Ako nalang ang bibili ng kape. Dito ka nalang sa kotse.” Saad ko sa kanya at tinanggal ang suot kong seatbelt.

Inaya ko kasi siyang bumili ng kape kasi malamig talaga ang panahon. Sa tingin ko ay alas singko pa ng umaga tapos nandito na kami sa gilid ng kalsada nakaparada. Tutungo kasi kami ngayon sa constructions site ng hotel.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Mukhang ayaw niya akong payagan pero tumungo na din siya. Bago ako bumaba sa kotse ay hinalikan ko muna siya sa kanyang pisngi.

“Be careful, wife.” Rinig kong pa habol niya sa akin.

Matamis akong ngumiti sa kanya bago isinarado ang pintuan ng kotse. Tinalikuran ko na ang kotse namin at  tumungo sa coffee shop na nasa harapan lang ng aming pinag paradahan.

Pumasok ako sa coffee shop. Agad akong sinalubong ng masiglang ngiti ng dalawang staff na babae.

“Welcome to Miss Kurazon Coffee shop, ma'am. What can we help you?” Sabay nitong bati. Nanatili parin silang nakangiti sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi ako nag abalang sagutin ang ginawa nilang pagbati sa akin. Dumiretso lang ako sa kanilang menu.

“Two cappuccino please.” Saad ko sa dalawa.

“Just wait a few minutes, ma'am.” Sabay ulit niyang wika. Tanging pagtango lang ang isinagot ko sa kanila.

Agad naman silang gumalaw para gawin ang inorder kong kape. Umupo ako sa isang bakanteng upuan na nasa harapan ng counter nila.

Nakamasid lang ako sa lahat ng mga ginagawa nila. Nailihis ko lang ang paningin ko sa kanila nang may bagong costumers na pumasok sa shop.

Lumingon ako sa dalawang tao na bagong pasok. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang dalawang iyon.

“Yara!” Napatakip sa kanyang bibig si Judy Mae nang makita niya ako.

Si Cedrick naman na siyang kasama niya ngayon ay gulat na gulat din ang reaction. Nagmumukha silang nakakita ng multo.

Lumapit si Judy Mae sa akin at kinapa-kapa ang aking katawan. “G*go! Nahahawakan kita! H-hindi ka multo!” Ani nito.

“Ignorante ang g*ga!” Pabulong namang sabi ni Cedrick.

Mukhang narinig naman iyon ni Judy kaya agad niyang nilingon ang lalaki at matalim na tiningnan. Umismid lang si Cedrick, naglakad na din ito palapit sa akin.

“Bakit gulat na gulat kayo na makita ako?” Natatawa kong tanong.

“Kasi ang sabi ni Abby sa amin ay p*tay ka na daw. Pin*tay ka daw ng mga sindikato sa kalagitnaan ng iyong pag-iimbestiga sa isang kaso. Iyon ang sinabi niya sa amin bago siya maglaho na parang bula.” Pabulong na sabi ni Judy. Mukhang iniingatan niyang hindi iyon marinig nung dalawang staff ng coffee shop.

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Judy Mae. Nagsinungaling pa talaga sa kanila si Abby. Napakawalang h*ya talaga ng babaeng iyon. Buti nga sa kanya at kasama niya na ngayon si Satanas.

“A-ano ba talaga ang totoong nangyari sa 'yo? Bakit hindi ka na umuwi doon sa bahay? Alam mo bang hinahanap ka na ngayon sa agency, Yar.” Umupo si Judy sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa kanila. Palihim na iniisip kong dapat ko bang sabihin sa kanila na ibinenta ako ni Abby at ni  Toby kaya hindi na ako naka uwi sa bahay.

“Aalis na ako sa agency.” Iyon ang katagang lumabas sa bibig ko.

Kita ko kung pano dumaan ang gulat sa kanilang mga mata. “Aalis ka? Seryuso ka ba diyan, Yar?” Si Cedrick ang nagsalita.

MY FRIENDS SOLD ME TO A MAFIA LORD TO BE HIS VIRGIN WIFE (COMPLETED) Where stories live. Discover now