Wala na. Wala na ang mahal ko. Nawala na siya. Pero kahit papaano ay nasabi ko sa kanya na mahal ko na rin siya. :(


  “ And cut!!!! Great job guys!! Okay. That's a wrap para sa ating special episode. Good job Avery and Ranz. You may take your day-off na. Good job. “ bati sa amin ng aming director.  

Tumayo na kami ni Ranz sa pagkakapwesto namin. Medyo pinahid ko na yung luha ko at kumuha na ng towel. Sabay naman kami pumunta sa shared trailer namin.

  “ Grabe yung episode natin ngayon. Kailangan ko pang mag-swimming lesson para dito. “ panimula ko. Sobrang hirap nga naman.

Ito kasing episode ay concept namin ni Ranz. Mag-isip daw kasi kami ng isang dramatic na episode na maihahalintulad namin sa aming lovelife. Pero, iniba naming yung dulo na si Ranz ay mamamatay. Wala lang. Trip niya lang daw mamatay sa isang episode. May sayad din kasi siya nung time na pinaplano namin. Kaya ayan tuloy, napa-swimming lessons ako ng wala sa oras.

  “ Pero, worth it naman. Magaling na nga itong ginagawa nating episodes eh. “ comment naman niya habang kumuha siya ng makakain sa ref namin.

Share talaga kami ng trailer kasi gawa ni Cav. OO. Si Cav talaga ang may gusto. Para daw mabantayan ako ng husto ni Ranz mula sa mga pwedeng mang-away sa akin tulad nila Chantelle or Ela.

    Napuno naman ng katahimikan ang aming paligid. Si Ranz nilalamutak yung mga pagkain na ginamit namin sa scene samantalang ako ay nag-aayos ng buhok. Nauna naman ako sa pagbabasag ng katahimkan namin sa isa’t-isa.

   “ So, pupunta ka nga mamaya sa party? “ panimula kong tanong. Pero obviously napaka-amateur ng tanong ko. Malamang pupunta siya sa party. Anniversary ng show namin tapos isa siya sa mga dahilan kung bakit sumikat yung show, siya pa mawawala. Buti nalang at sinagot niya.

   “ Ah yup. May gagawin kami mamaya. “ sagot niya ng hindi nakatingin sa akin at nilalamutak ang cupcake.

    “ A-ano? “ 

  “ Basta. Para kay kuya Austine. “

  “ Ah okay. “

At pumasok na siya sa silid niya para magpalit ng damit.

 - fast forward -

  Nasa annivesarry party na ako ng aming show and I must say na sobrang saya ko.

Naging fruitful naman ang naging acting career ko. Marami narin nakuhang awards dahil doon. Tuwang-tuwa naman ako syempre. Hindi ko akalain na ito ang kakahantungan ko sa buhay. Isang simpleng babae na humanga lang sa isang grupo ng mga gwapong lalaki na kung magkakataon nga naman ay nagkaroon ako ng isang step-brother, isang ex boyfriend na mahal na mahal parin ako at inaalagaan at syempre, mga kaibigan na nagsilbing kaibigan, mga kuya o younger sibling at mga parents kung paminsan-minsan dahil sa pagiging maalaga nila sa akin. Niloko pa nga nila ako na ibabalik nila ang grupo ng Chicser at isasali na ako. Only girl ng all boy-group.

Pero, dahil rin sa show na iyon ay naging mag-kaibigan kami ulit at nagkalapit nanaman. Hindi ko pa siya sinasagot. Hinihintay ko lang yung moment na magtatanong siya katulad ng ginawa niya sakin sa prom noon.  

Kasama ko ang Julia Duo ( Si Julia Montes at Julia Barretto ) habang pinaguusapan si Justin Bieber ng natigilan kami ng tinapik tapik ni Ranz ang mic sa stage. Lahat ng atensyon na nasa loob ng hall ay nasa kanya.

“ Ahmm, attention everyone. I would like to make a toast. Para sa anniversarry ng show natin at sa napaka-brilliant naming manager dahil nandyan siya para sa amin. Kuya Austine. Salamat. Cheers!! “   Lahat kami ay nagcheers at nagpalakpakan.
 
“ At dahil dyan, may inihanda kami ni kuya Austine. “

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon