36. Double Kill

Começar do início
                                    

"Yes." Tinitigan ni Fray ang mga mata ko, hinahalukay ang reaksyon kong nabigla. "Kilala ako ni Tita Anna bilang pamangkin ni Tito Henry, pinsan ng Daddy ko na asawa ni Tita Mildred, pero hindi bilang pamangkin ni Uncle Philip. It's kinda weird because your mom knew my mom. In fact, they were friends. I mean, ex friend. If there is a word like that."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Dating assistant ni mommy si Tita Anna, doon nagkakilala ang parents mo. Our mom were best of friends until your dad courted your mom. Certainly, ayaw ni mommy kay Tita dahil kilala niya si Uncle Philip. He was playboy, I blame him for who I am now." Ngumisi siya. I straightened my face. He bits his lower lip as he goes on. "But your mom loved your dad so hindi niya pinakinggan si mommy. Bumalik si Tita Anna ng Pilipinas kaya hindi na niya ako nakilala. Sumunod naman si Uncle Philip after a year. Kinasal sila at nanirahan dito. Still, the issue between our mom is still unfixed."

My thoughts were wandering. Bakit hindi ko ito alam? Bakit hindi ito nababanggit sa akin ni Mama simula nung bata ako?

"And then Uncle Philip discovered that--"

"That he has a family from his teenage life and he has a daughter whose age is like me!" Sigaw ko at tumayo. Tiningala ako ni Fray kasabay ng pag igting ng kanyang panga. He's mad but I am hurt! Masakit pa din talaga kasi ama ko iyong nag abanduna sa amin para sa ibang pamilya. Suminghap ako. "The same story what my father have told me when I was sixteen! Sixteen ako nung sinabi niya 'yon, Fray! He has a family at iyon ang dahilan kung bakit niya kami iniwan. Doon pa din ang bagsak ng kwentong ito kahit dalhin mo pa ako sa panahon na magkaibigan ang mommy natin at niligawan ni Mama si Papa. This is nonsense, Fray! Pinsan kita, iyon lang ang bago." Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at tumalikod na. Hindi ako hinabol ni Fray. Dapat lang baka masampal ko siya dahil sa pagpapamukha sa akin na masaya si Papa ngayon sa iba niyang pamilya. Just the thought alone, I feel envious. Inggit na inggit ako sa isa niyang anak.

Itinapon ko sa daan ang naging usapan namin ni Fray habang binabagtas ng taxi ang daan patungo sa restaurant kung saan nagpa reserve si Will para sa date namin ngayong gabi. I need him now. I need someone who will understand my situation.

Nakahanda ang aking ngiting papasok ng restaurant nang napatigil ako sa paglalakad dahil sa tunog ng aking phone. Kinuha ko iyon sa aking bag at nakitang si Jen ang tumatawag.

Kumukunot ang noong sinagot ko iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang tumawag ngayon.

"Grace! Si Hannah!" Nag aalalang sigaw ni Jen sa kabilang linya.

Napatigil ako sa paglalakad dahil biglang tumahip ng kaba ang aking dibdib. "A-Anong nangyari kay Hannah?" Nanginig ang boses ko.

"Wala na sila ni Oliver! Tu-Tumawag sa akin iyong kapatid ni Hannah, nasa Eastwood daw siya at naglalasing. Grace, puntahan mo siya!"

"What? Saan doon?" Tanong ko, umabante ulit at pumara muli ng taxi. "Eastwood po." I told the driver habang sumasakay. Kumunot ang noo ko nang biglang nawala ang linya.

Moments later when I received a text from Jen kung saang bar naroon si Hannah. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa pag aalala sa kaibigan ko. Not that Hannah can't take care of herself but the thought of her being alone in that club makes me feel perturb. Wala siyang kasamang umiiyak doon at ayoko iyong mangyari. Gusto ko ako ang kasama niya sa kanyang pag iyak. Gusto ko na dalawa kaming umiyak ngayong gabi dahil sa magkaibang dahilan ngunit isang sakit na nararamdaman.

Sunod kong ginawa ay idinial ang number ni Will. Kailangang kong sabihin na baka hindi na din ako makakapunta sa date namin o baka ma-late ako ng kaunti. Importante si Hannah at sa sitwasyon ngayon, ang kaibigan ko muna ang mahalaga. Hanggang sa makababa ako ng taxi ay hindi sumasagot si Will. Kinagat ko ang labi ko sa irita dahil doon. Bahala siya.

"May kasama ako sa loob." Sabi ko sa bouncer na humarang sa akin sa pagpasok sa bar. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako pinapasok. Gusto ko agad na takpan ang aking ilong nang makapasok ako dahil sa amoy ng sigarilyo ngunit tiniis ko na lang dahil kailangan kong mahanap si Hannah sa dagat ng taong mga ito. Inom dito, inom doon. Yosi kahit saang sulok. Nakakasuka. Bakit dito ang napiling bar ni Hannah? Masyadong public!

"Sinong hinahanap nila, Miss?" Tanong ng lalaking naka polo at nakangisi ng demonyo sa akin. Bigla akong kinilabutan ngunit tinapangan ko ang aking mukha.

"Babaeng mahaba ang buhok, medyo singkit ang mata at maputi. Balingkinitan ang katawan noon. May napansin ka bang ganun?" Sinubukan kong hindi ngumiwi nang lalong lumawak ang kanyang ngisi nang ipaliwanag ko ang itsura ni Hannah. Damn Hannah!

"Ang mga babaeng ganun, sa VIP matatagpuan..."

Hindi ko siya pinatapos na magsalita dahil sa pag linga linga ko ay nakita ko agad sa second floor ng bar ang VIP room. Umakyat ako at hindi na ininda ang mga mata ng mga lalaking kung makatingin ay parang hinuhubaran ka. Damn! I hate place like this. I cursed it.

Sa bawat VIP room na nadadaanan ko ay iniisa isa ko ang mga mukha ng mga taong andoon. Sa pangalawang room ay bigla akong napatigil sa paglalakad. Nanliliit ang mga mata ko. Sumiklab ang kakaibang panibugho sa aking dibdib. Agarang hapdi at bigat ang naramdaman ko sa aking puso. Hindi ako nagpatinag sa sakit na nararamdaman ko. Baka nagkakamali ako. Lumunok ako at pumikit ng mariin bago naglakad at lumapit sa pintuan ng kwartong iyon. I pushed it open. Mas naramdaman ko ang panlalamig ng buo kong katawan nang makapasok ako. Sa kwartong iyon ay may dalawang tao lang. Si Willard at ang kaibigan ko, si Hannah.

Hannah was lying on the couch. Iyong mahaba niyang buhok ay nakabuhaghag. She was closing her eyes as Will's lips was on her neck. She was moaning. He was grunting. Ang suot na dress ni Hannah ay tumaas dahil sa tuhod ni Willard na nakapagitna sa kanyang makinis na binti. He was moving his hips to make her feel his goddamn of a thing, but his pants were still intact. His hips was on sight, together with his ANGELA tattoo. Pakiramdam ko ay unti unting gumugunaw ang aking mundo. Gusto kong pumikit pero wala akong lakas. Nanginginig ako.

He was on top of him, kissing her neck down to her chest like his life depended on it. She was beneath him, drunk on his kisses. Ang mga kamay ni Hannah ay nasa loob ng damit ni Will, hinahaplos ang maskulado at mala Adonis na hubog ng katawang minsan ko ng nahawakan.

Hindi ko napigilan ang mapaluha. Parang hindi ko na maaninag si Hannah na kaibigan ko at ang Will na mahal na mahal ko sa sandaling ito. Ang nakikita ko lang ay dalawang taong dahilan nang pagtulo ng aking luha at kakaibang kirot sa aking dibdib. I feel like I was stabbed a million times and all I could do is to breath slowly because breathing fast is just so much to take in. Breathing fast makes me feel the electricity of pain. Iyong pain na hindi ko alam kung saan nagmumula.

I let them explore each others body. I ran away. Hindi ko kayang pumagitna at awatin sila sa kanilang ginagawa dahil wala akong lakas para gawin iyon. Nanghina ako. Hindi ko kinaya. Ang pagtagal ko sa kwartong iyon ay inubos ang lakas ko. Hinigop ng kwartong iyon at tagpong iyon ang natitirang lakas na meron ako.

His Broken-hearted GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora